After 2 weeks
Nag liligpit ako ng gamit namin ni cavin para sa gagawin naming outing. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang natawag.
"Hello? Who's this?"
"Claire! Mag iinga ka. Mag iingat kayo lalo na si Cavin ingatan niyo siya. Huwag niyong hayaang mawala sa mga mata niyo si Cavin."
"Maria? Ano bang pina sasasabi mo? Hindi kita main—"
*toot* *toot* *toot*
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinag patayan na niya ako ng telepono.
"Ano bang sinasabi niya?"
Iniisip ko kung ano ba yung tinutukly niya. Bakit ba kami mag iingat? Tsaka nasa kulungan na si Nathalie.
"Hey.." Napatingin naman ako sa bagong dating.
"Gavin."
"May problema ba?"
"Wala naman, ito kasing si maria tumawag tapos mag ingat daw tayo. Tapos si cavin das huwag nating hahayaang mawala sa paningin natin."
"Hayaan mo na, baka nag aalala lang siya. Diba mag kaibiga kayo?" Napatingin naman ako sa kanya. Hindi pala niya alam.
"Dati oo, pero ngayon? Mag kakilala nalang kami." Sabi ko.
"Tara na, inaantay kana ni cavin. Tsaka ikaw nalang ang kulang. Andon na sina jasmin."
Tumango lang ako, pagkaraan ay umalis na din siya. Yung samin ni jasmin, nag kaayos na kami. Hindi ko na palalakihin pa ang galit ko sa kanya. Tsaka alam ko naman na hindi niya din ginusto ang mga nangyare.
Kinuha ko na lahat ng kakailanganin namin limang araw din kami don. Chineck ko munang lahat bago bumaba.
Bumalik muna kami sa bahay namin, pumayag naman si gavin. Nag usap na kami sa magiging set up namin at balak namin na ngayon namin ipapaintindi kay cavin ang lahat. Ayokong mabigla siya sa malalaman niya.
"Mommy!! Hereee!" Sabi niya sabay turo sa tabi niya. Ang sweet talaga ng baby ko, pinag reserve pa ako ng upuan.
Napatingin naman ako sa kaliwa niya. Nandoon si gavin habang nakaakbay dito.
Sumakay na ako at sinarhan ang van. "Readybels?" Tanong ni jasmin tumango nalang kami. "Let's go manong" Sabi pa nito.
---
"Gavin, pwede bang pag pahingahin mo muna kami?" Sabi ko, kanina pa kasi ako kinukulit ni gavin na sabihin na namin kay cavin ang totoo. Hindi ba niya nakikita na tulog na tulog pa ang anak niya at pagod pa sa byahe? Jusko naman.
"Pero hindi na ako makapag hintay pa. Gusto kong malaman kung anong itatawag niya sakin. Kung daddy ba, papa o ama." Kita ko ang pag ka excite niya.
Napabuntong hininga naman ako, hindi ko naman pinipigilan na magkakilanlan silang mag ama. At naiintindihan ko siya, ilang taon ang lumipas na hindi siya nakikilala ng anak niya pero sana naman pag pahingahin muna niya kami.
"Maraming pag kakataon gavin. Kaya please, pag pahingahin mo muna kami."
"Pero—"
"Gavin tingnan mo nga ang anak mo, tulog na tulog. Anong gusto mo gisingin natin siya? Ang sarap ng tulog nya oh." Sabi ko, napa buntong hininga naman siya.
"Okay, im sorry. Sige na, pahinga kana din." Sabi niya at tumalikod.
"Pasaan ka? Hindi ka ba mag papahinga din?"
"Papahangin muna ako." Matamlay na sabi niya at umalis na din. Napailing nalang ako, alam kong gustong gusto na niyang maka bonding si gavin.
"Bakla, LQ?"
Biglang sulpot ni jasmin sa gilid ko habang naiiling iling.
"Ano ka ba, alam mo naman ginagawa ko lang ito par kay cavin."
"Para lay cavin lang nga ba? Eh bakit parang nabalik ang feelings mo sa kanya?".
Hindi na lang ako umimik pa, napag pasyahan kong matulog din muna. Malayo layo din ang ibinyahe namin.
" Mommy! Let's go swimming!"
Narinig kong tinatawag ako ni cavin, kasabay noon ang pag yugyog ng kama ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at tingnan ito.
"Cavin, bakit ka natalon? Tama na. Baka mahulog ka sa kama." Sabi ko at hinila siya para yakapin ko.
"Mommy, im so happy. Kasi nag punta tayo dito. I love you mommy. You're the best mommy ever!" Sabi niya sabay kiss sakin.
"Sweet naman ng baby ko siya intayin moko dito mag bibihis lang ako okay?"
Naka pantalon pa kasi ako e. Na punta muna akong CR para mag ayos pag labas ko nakita ko lang siyang nag lalaro. Kaya kumuha na ako ng susuutin ko.
"Tara na baby?" Sabi ko, napatunghay siya at nakangiting tumatakbo papalapit saakin.
"Wow mommy, ang pretty pretty mo po"
"Nambola pa."
Lumabas na kami, una kong nakita ay ang mga nag aayos ng gagamitin namin mamaya sa pag luluto. Humiwalay muna sakin si cavin at nag punta sa salas manonood daw muna siya. Sunod ay lumabas ako para tingnan itonh resort.
Napatigil ako ng makita ko si Gavin na may katawanng babae. Hindi ko namumukaan yung babae, mukha namang close na close sila. Sabagay ilang years na kaming hindi nag kikita syempre may mga bago syang makikilala.
"Selos ka ano?" Bigla namang sumulpot uli si Jasmin.
"Selos ka dyan. Tsk" Sabi ko sabay pasok uli sa loob.
"Bakit kasi ayaw pang aminin s halatang halata na naman sa mukha at kilos mo. Mamsh! Sige ka baka mamaya kapag gusto mo na e huli na ang lahat." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko sabay alis.
Dami talagang alam, sumilip muna ako sa bintana at nakita uli sila na ngayon naman ay nag lalakad sa tabing dagat.
Edi kayo na ang sweet.
Oo, aaminin ko na maling magustohan ko uli sya. Sa lahat lahat ng nagawa niya bakit ganit ka puso? Ilang beses ka na niyang sinaktan pero bakit siya parin ang gusto mo?
Sino ba kasi ang babaeng yun? At anong ganap niya sa buhay ni gavin? Pinsan? Kaibigan? Kaklase dati? O baka naman Co- teacher?
---
Parang may nag seselos..
Short update dahil busy si author.
Vote
Comment
Share
And follow me guys!
Basahin niyo din po yung Sold to a Mafia Boss. Tiyak magugustuhan niyo iyon.
❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020