LUMIPAS ang isang linggo ay bumalik na muli kami sa school. Isang linggo ang naging bakasyon namin, huling sem na namin. Akalain mo yun, sobrang bilis ng araw. Iniintay ako ngayon ni jasmin sa labas, sabi niya ay may ipapakita siya saakin.
Binilisan ko na ang pag ligpit ko ng gamit at lumabas na ako ng roo. Agad kong nakita si jasmin. "Bakla dali!!" Sabi niya sabay hila saakin, hindi ko alam kung bakit nag mamadali siya..
"Bakit ba nag mamadali ka? Tsaka saan ba tayo pupunta?"
Hindi ito umimik at pinag patuloy na lamang akong hilahin hanggang sa nakarating na kami sa field. May kumpulan doon ng estudyante. Napuno ng kantsawan at hiyawan. Parang may pinag kakaguluhan sila, lumapit pa kami ni jasmin hanggang sa medyo tanaw na namin ang gulo.
"Bakit walang mga professor na naawat?" Takang tanong ko, patuloy ang pag babato ng kung ano ano sa taong nasasagitna.
"Aba malay ko, magandang panoorin ito. I wonder kung sink ang binubully nila." Sabi niya at halos nga tumawa siya sa pinapanopd niya. Tsk. Tuwang tuwa ang gaga. Inirapan ko ito at ibinaling ang tingin sa nag kakagulo.
Sino nga kaya ang pinag kakaguluhan nila? Nakakaawa naman.. Biglang tumigil ang gulo, natahimik silang lahat. Biglang nag karoon ng hiwang kaya nakita ko kung sino ang pinag bababato nila.
"Teka si ano yan diba?" Gulat na tanong ni jasmin.
"Si maria.." Binabawi ko na ang sinabi kong nakakawa. Sa totoo lang ay galit na ang nararamdaman ko sa kanya. Tumingin ito saakin na para bang humihingi ng tulong.
Pero sorry siya, ayokong sumali sa gulong siya mismo ang gumawa.. Kilala ko siya, alam kong hindi siya papayag na ganyanin siya. If I know planado niya ang lahat. Para ano? Para kaawaan siya at makuha ang simpatya ng mga tao.
"Hayan na si sir, tara alis na tayo" sabi ng ilang mga estudyante kaya napatingin ako sa gawing kanan ko.
Nakita ko si Gavin na nakatingin lang saakin at bigla din naman siyang nag iwas ng tingin. Pumunta siya sa kinaroroonan ni maria hanggang sa binuhat niya ito at nilag pasan kami.
Napatikhim ako, bakit ganon.. Bakit nasasaktan ako. "Besh.. Naiyak ka" sabi ni jasmin agad kong hinawakan ang pisngi ko.
Basa ito, tama nga si jasmin, naiyak nga ako. Mahina akong tumawa. "Naiyak ka na naman.." Napagingala ako sa nag salita.. "Andrew, ikaw pala" agad kong inayos ang sarili ko. Nakakahiya naman at nakita na naman niya akong naiyak.
"Besh.. Aalis na ako ha, igagala ko lang si cavin nung isang araw pa yun nag mumuktol saakin e." Sabi ni jasmin, tinanguan ko lang ito.
--
"Apektado ka parin ba sa kanya?" Sabi ni andrew, andito kami ngayon sa garden. Sa totoo lang kanina pang tapos ang klase pero heto kami at nakatambay.
"Siguro."
"Siguro? Halata naman sayo na apektado ka parin sa kanya." Sabi nito, tiningnan ko siya. Paano kaya pag nalaman niya na buhay si nathalie, magiging ganito pa din ba kami.
"Oh, anong titig yan ha? Nai-inlove kana sakin noh?" Pang aasar niya, naalala ko yung sinabi niya saakin dati. Mahal niya pala si nathalie, at kaya pala siya nagalit kay gavin dahil siya ang ipapakasal dito at isa pa, sinaktan ni gavin si nathalie sa pamamagitan ko.
"Andrew?"
"Bakit?"
Nung araw na sinabi niya na liligawan niya ako, ilang araw ko yung pinag isipan at napag tanto ko na hindi ko pala kaya, kaya naman sinabi ko agad ito sa kanya. Ayokong umasa sya saakin, ayokong masaktan siya kaya sinabi ko na agad ito sa kanya. Noong una akala ko magagalit siya saakin o hindi kaya ay iiwasan niya ako. Pero nag kamali ako, nung sumunod na araw ganon parin siya, para ngang walang nangyare e.
"May sasabihin sana ako." Sabi ko, tiningnan niya ako ng seryoso. "Buhay si nathalie." Kita ko sa mga mata niya ang gulat , alam kong hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Nanatili siyang tahimik. Tinititigan niya ako sa mata, marahil nasa isip niyang nag bibiro ako.
"Totoong buhay sya.. Nakita ko siya."
--
Short update muna tayo, medyo busy hehe. Bawi nalang ako mga bebelabs❤Kamusta ang chapter na ito? Ano bang hatid ni nathalie sa buhay ni Gavin? At bakit parang may something kina Gavin at Maria?
Vote and Comment!!
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020