Chapter 23

10.2K 249 7
                                    


Plano lahat ito ni nathalie, hindi ako makapaniwala na pati kapatid niya ay magagawan niya ng ganito. Oo, nandun na tayo sa anak si hazel ng kabit ng papa niya pero hindi tama na ganutuhin niya si hazel. Papatayin? Like what the hell! Kung nasa katinuan kang pag iisip hindi mo ito maiisip pero sya?

Mukhang nakain na ng poot ang puso niya. Wala na syang pag asang umayos at bumalik sa dati. Napatingin ako ngayon kay hazel na natutulog.

Isang oras na mula ng simulan kong alisin ang tali sa kamay ko. Nag tagumpay naman ako, tanggal na ang tali sa kamay at paa ko pero inakto ko pa rin iyon na nakatali para hindi kami mahalata.

Nakalagan ko na din si hazel pero sabi niya itali ko daw uli iyon sa kanya pero maluwag lang kaya sinunod ko siya. Mabuti na yung naninigurado.

"Hazel...." Tawag ko sa kanya. Pero mukhang masarap ang pag kakatulog niya kaya naman nanahimik nalang ako.

---

Gavin

Dumating ako sa bahay, galing akong restaurant balak kong gawing panuyo kay claire para hindi na sila umalis agad. Pero pag dating ko sa bahay na ni rentahan ko ay wala na sila doon.

Nag lugmok ako sa kwarto ko at inisip kung bakit ba nag kakaganoon si claire. Nagseselos? Posible kayang nag selos siya saamin ni Hazel? Kaya ganun nalang siya nagalit?

Natulog muna ako, balak ko silang sundan mamayang madaling araw. Delikado na kasi kung ngayon at isa pa hindi ko pa na aasikaso ang papers dito sa bahay sa pag out namin.

Nagulat na lang ako ng may malakas na kumakatok sa pinto. Pag bukas ko ay nakita ko si manong na driver nina claire na nakahubad at tanging pantalon na lang ang suot.

"Oh manong anong nangyare sayo?" Sabi ko.

"Serrrr!! Sila ma claire na hostage!" Hindi ko na alam ang sunod niyang sinabi. Yung antok ko biglang nawala.

Agad kong kunuha ang susi ko. "Alam mo ba kung saan sil dinala?"

"Sa may gubat sila dumaan. Yun lang ang alam ko." Sabi nito, napansin ko rin ang ilang galos nito. "Napaano yan manong?"

"May gustong pumatay sakin dahil baka daw isuplong ko pa sila kung sakaling buhayin nila ako. May narinig akong casa floresita."

Casa Floresita?

Bakit mukhang pamilyar aaakin ang lugar na iyon. Binigyan ko si manong ng extra na damit. Sabi ko sa kanya ay lagyan muna niya ng gamot ang mga sugat niya at huwag ng sumama.

Pero nag matigas parin siya, matagal na kasi siyang driver nina claire kaya sobrang loyal nito sa kanila.

"Dito ba manong?" Sabi ko kung saan siya iniwan nung mga kumuha kina claire.

"Oo, hindi ako maaaring mag kamali." Sabi niya, napatango na lang ako at pinag patuloy ang pag mamaneho. Nag text narin ako sa mga pulis kung saan kami naroroon. In case na hindi ko makuha sina claire.

"Masyadong maliblib na ito ser"


"Onga manong, parang planado ito." Sabi ko, ilang minuto pa ng may matanaw kaming bahay, itinigil mo ang kotse. Hindi nila dapat makita ang kotse baka matunugan nila kami.


"Manong, sasama ka ba?" Tanong ko.

"Oo, pero sa likod mo lang ako ha." Sabi nya. Tumango na lang ako, alam ko namang hindi ko ito kakayanin ng mag isa.


Dahan dahan kaming lumakad. May mga bantay ang bawat sulok ng bahay. Kaya chumacbamba pa kami bago makapasok.


Doon kami dumaan sa may likod dahil kokonti lang ang bantay dito. "Manong intayin mo ako dito, sesenyas ako kapag safe pumasok."




Tumango naman siya bilang tugon. Nag simula na akong pumasok. Dahan dahan lang ako para hindi ako mahuli. May nakita akong dalawang lalaki na nag uusap. "Pare may yosi ka ba dyan?" tanong noong isa. "Wala pre e. Tara sa labas." aya nito sa kasama at umalis.


Sumenyas ako kay manong na pumasok agad naman itong pumasok at pumunta sa likod ko.

"Mga inutil! Paano kayo natakasan ng ina ni hazel!? Yung kiridang iyon iisa isa pero natakasan kayo!?" may narinig akong babaeng pababa mula sa second floor.


May kausap ito sa cellphonr at mukhang may ibinalita dito na hindi niya nagustuhan. Teka.... Parang kilala ko ang boses na iyon ah!


" Wala akong pake! Hanapin niyo mga gunggong! " nakumpirma lang ang hinala ko ng humarap ito sa gawi namin.

Nathalie.


Kahit nakakagulat at nakakapag taka kung papaanong nandidito siya ay mas pinag tuunan ko ng pansin kung papaano kami makakapunta sa itaas ng hindi nahuhuli." Kailangan may lumigaw sa kanila." sabi ni manong, napatingin naman ako sa kanya.


"Anong ibig niyong sabihin manong?"

"Kukunin ko ang atensyon nila, pag nakuha ko na. Tumakbo kana paitaas"


"Mag iingat ka manong." Tumango lang ito at tumalikod na rin.

"Huyyyy!! Sino ka!!!?" Sabi ng isa sa mga bantay hindi ko na alam ang sunod na nangyare sa labas dahil nasasaloob ako.


Nang mawalan na ng bantay sa loob ay tumakbo na ako pitaas. Lintik! Bakit ang daming kwarto dito, una kong binuksan ay yung nasa sa kaliwa ko. Nakita ko si Cavin at jasmin. Parehas silang nakatali. May tulog na bantay sa gilid kaya dahan dahan akong lumapit sakanila nag sensyas ako ng wag silang maingay. Matapos ko silang kalagan ay pinatabi ko sila, kumuha ako ng bakal na nasasatabi at ipinukpok ito sa nag babantay.

Pagkaraan ay tinali ko ito at nilagyan ng tapal ang mukha para hindi makagawa ng ingay.

"Nasaan si Claire?" Tanong ko kay jasmin.

"H-hindi ko alam nagising nalang ako nandito na kami." Sabi nito.

"Pumunta na kayo sa kotse sa likod, mag ingat kayo. Huwag kayong papahuli." Sabi ko.

Agad akong pumunta sa sunod na kwarto. Nakita ko si clairr at hazel na nakatali. Teka bakit nandito din siya? Una kong kunalagan si claire at sunod si hazel. "Bakit nandito ka?"


"Kapatid niya si nathalie" sabi ni claire. Nakarinig kami ng yabag kaya bumalik sila sa pwesto nila at ako naman ay nagtago.


"Mga walangya kayo! Hanapin niyo!!!"


Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si nathalie. Nagtago lang ako sa may banyo. Nakita kong tinutukan niya ng baril si claire. Delikado kung mag papadalos dalos ako ng gagawin. Kailangan kong mag hintay ng tamang chempo.



Vote


Comment

Follow me!

Twitter: @maranankimmy

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon