Chapter 14

11K 270 26
                                    

Third Person's POV

MABILIS pa sa alas kwatrong napatabo si Claire papunta sa silid ng kanyang anak ng marinig niya itong sumisigaw. Halos madapa dapa na siya sa pagmamadali, ng marating niya ang silid agad niyang hinanap ang anak na nakita niya sa may gilid ng kama. Agad siyang napatakbo papalapit sa anak at niyakap ito.

"Jusko naman cavin. Ano bang ginagawa mo sa lapag?"

Maypag aalalang sabi ni claire sa anak na ngayon ay nagkukusot ng mga mata nito. Halata sa bata na babagong gising ito. Napakamot din ito sa ulo dahil sa napagtanto niyang nasa lapag nga siya.

"Uhm. Mum I'm okay, don't worry na po" magalang na sabi ng anak pagkatapos ay pumanhik na sa kanyang kama.

"Pano akong hindi mag aalala e sa lakas ng sigaw mo, bakit ka ba nasa baba?"

Hindi maisip ni claire na ganito ang turingan nilang mag ina. Para kasing sobrang tanda na kung nag isip ng kanyang anak. Kung tutuusin mas matured pa ito kay jasmin.

"Napanaginipan ko pong nahuhulog ako, and then nahulog nga po ako" sabi naman nito.

Iginala ng ina ang mga mata nito na para bang naniniguradong walang sino man ang nakapasok sa kwarto ng anak nito. Maya maya pa ay nakita niyang mahimbing na uli sa pag kakatulog ang kanyang anak kaya naman hinalikan niya ito sa noo saka umalis.







"Bakla, kamusta ang exam?" Halos mapatalon sa gulat si claire dahil sa biglaang pagsulpot sa gilid niya ang kaibigang si jasmin.

Napabusangot naman siya, hindi niya lubos maisip na ganoon kahirap ang i-e-exam niya buti na lamang at nasagutan niya iyong lahat.

"Ayun, pigang piga na ang utak ko" sabi nito sabay upo sa kanyang upuan.

"Balita ko mamaya na din ilalabas ang result." Sabi pa ng bakla kaya naman mas lalong napabusangot ang mukha ni claire. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang natalo sa pustahan."


"Paano ba naman hindi ko alam kung makakapasa ba ako oh hindi."

"Ikaw pa! Sa talino mong yan malabong hindi ka makakapasa." Sabi pa nito, hindi niya alam kung nakagaan ba iyon sa pag iisip niya.

Hindi niya kasi lubos maisip na pati si maria ay makikita niya sa pag kuha ng exam. Kasama narin doon sina marga at ang mga alipores nito. Mas lalo tuloy siyang napabusangot, naiisip pa lang niya na hindi siya nakapasa ay naiinis na siya. Mas nadadagdagan pa kasi ang inis nito sa twing sasagi sa isip niya na nakapasa sina maria at marga.

"Hoy! Hindi mo naman sinabi saakin na mag te-take ka ng exam! If I know sinusundan mo lang ako! Tsk! Ganun talaga kapag nakakaangat sinusundan ng mga kulelat" sabi ni marga na ngayon ay nakapamewang sa harapan ko.

"Ito talagang mga pusit na ito! Hindi niyo ba tatantanan si claire!" Sabi naman ni jasmin na ngayon ay nakapamewang na din.

"Hay nako nakisali ang girl-wanna-be na may lawit" pang aasar ng isa sa mga alipores ni marga.

"Hay nako umimik ang babaeng mukhang may lawit" ganti naman ni jasmin na kina inis ng kabilang grupo.

"Anong sabi mo!?"

"Ay bingi"

"Tama na nga yan, huwag mo ng patulan ang nga assumerang iyan. Lalo na yung isa diyan na nag pi-feeling. Susundan ko daw siya, hah! Ano siya artista e ni hindi nga siya sikat. Tsaka bakit daw hindi ko sinabi sa kanyan, ano siya nanay ko?" Pang aasar ni claire.

"Tsk, mga mukha namang talaba." Sabi pa ni jasmin, iimik pa sana si marga ng pumasok ang prof nila.

Nag simula na ang klase at matalim parin ang tingin sa kanya ng grupo ni marga. Ang iba naman niyang kaklase na nakarinig sa sagutan ay nag pipigil ng tawa.


A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon