Hindi ko alam kung bakit ang hilig ng mga prof na go to my office now. Langya naman suki na ako ng office ha! Tsk. Kapag nakalabas agad ako dito sa office na to patay talaga saakin yang si marga. Kaya pala may pag papatinig siyang nalalaman kanina ganito pala ang balak niya.Kanina pa ako nag iintay sa loob ng office na ito. Wala parin akong maisip na dahilan sa litratong yun dahil alam ko itatanong niya yun sakin. Im not yet ready to tell him the truth. Nilalaro ko lang ang kamay ko hanggang sa narinig ko ang pag bukas ng pinto. At doon na nga iniluwa si Gavin na masamang nakatingin saakin.
Alam kong nag pipigil siya ng galit lumapit siya saakin at hinawakan ako sa magkabila kong braso. "A-aray ano ba! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" Nag pupumiglas ako pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Yan ba ang rason?" Sabi niya habang seryoso paring nakatingin saakin.
"Ano bang pinag sasasabi mo?" Nakita kong mas nagalit pa sya saakin.
"Alam mo kung anong sinasabi ko!" Hindi ako umimik. "Kaya ba?... ha?... kaya ba bigla kang nawala dahil sa sugar dadd—"
Hindi ko na siya pinatapos pa. Nang masampal ko siya medyo lumuwag ang pg kakahawak niya saakin kaya naman nag nagkaroon ako ng pagkakataon para makaalpas sa pag kakahawak niya.
"Ikaw p ang may ganang manampal ha? Kaya naman pala madaming may galit sayo kasi matanda ang gusto mo kasi may sugar daddy ka siguro nga nag sasayaw kadin na nakahubad e." dere deretso niyang sabi kaya naman lumapit ako sa kanya at simapal ulit siya.
Kasabay ng pag sampal ko ay ang pag tulo ng mga luha ko. "Ang kapal ng mukha mo! Walang hiya ka! Anong karapatan mong ijudge ako!!! Hindi mo alam ang totoong nangyare!! Ang hirap sayo nag papaniwala ka sa sabi sabi!!!! Wala kang alam.... wala kang alam sa pinag daanan ko..." napaupo lang ako sa sahig at siya naman ay napatahimik lang. umupo siya don sa couch at.... may butil ng luhang pumatak sa mata niya?
"Mahal na mahal kita claire— paano mo nagawa sakin ito? Kaya ba bigla kang nawala dahil sa sumama ka sa sugar—"
"BUNTIS AKO NON! AT SA MANIWALA KA O HINDI IKAW ANG AMA NG DINADALA KO!"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil agad na akong umalis pa. Ano pang gusto kong marinig? In the first place alam kong hindi niya ako papanindigan.
"Nasan si marga!" Sigaw ko pagkatapos kong makapasok sa room. Agad nag tinginan saakin ang mga kaklase ko at parang nandidiri sila saakin.
"Oh andito na pala ang—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng hinablot ko ang buhok. "A-aray claire bitawan mo— aray!!!" Sigaw niya inaawat na din kami ng iba naming kaklase pero dahil sa mas malakas ako sa kanila hindi nila kami napag hiwalay.
"Ikaw! Ano bang ginawa ko sayo ha! Kailangan mo pa akong siraan! At anong sugar daddy! If I know ikaw ang meron non!" Sabi ko.
"Ano bang sinasabi mo claire oo galit ako sayo pero hindi ako ang may kagagawan non! Si maria yun!"
"At paano mo naman nakilala si maria!?" Sabi ko ng mabitawhan ko siya. "Well, nilapitan niya ako at sinabi niya sakin na may sugar daddy ka daw at papuntahin ko daw ang mga kaklase natin sa bulletin board dahil may malaking pasabog daw siya" walang ano anong umalis ako sa harapan niya at tinungo ang kabilang section.
"Ikaw!" Sabi ko sabay hila kay maria. "Napag sabihan na kita hindi ba? Well sinagad mo lang naman ako! Ngayon ako naman ang mag papahiya sayo!"
"Sa tingin mo may maniniwala sayo? Sa mga kumalat na chismis wala ng maniniwala sayo. "
"Sakin siguro hindi sila maniniwala pero sa video? I dont think so" namutla siya sa sinabi ko. Buti nalang girl scout ako at lagi kong dala ang USB.
Lumapit ako sa TV Nila at isinaksak ang usb nag pupumiglas pa siya para hablutin ang usb pero naitulak ko siya dahilan para mapa upo siya sa sahig.
"Gaano niyo ba kakilala si maria?" Tanong ko sa buong klase , hindi sila nag salita at nakatingin lang sa TV yung section namin at yung iba pa ay naki usosyo na rin. "Well, let me introduce to all of you who maria really is. " sinimulan kong iflash ang mga picture at tanging gulat na reaksyon ang nakita ko sa kanila.
"C-claire dont do this Im begging you" nag mamakaawang sabi ni maria. Napangisi na lang ako. "I have no choice but to do this. You push me to my limit. And this will be your consequences"
"Nakikita niyo ba ang babaeng yan? Well siya lang naman ang nag iisang si maria ang kaisa isang anak ng mga magulang niya na siya mismo ang naging dahilan kung bakit muntikan na silang mabuwag. You wanna know why? Because maria–" tiningnan ko muna siya habang nailing siya at nag mamakaawa. " inahas lang naman niya ang tatay niya sa nanay niya. Nakakadiri diba? " samut saring salita ang narinig ko.
Binalingan ko si maria. "I treat you like my own sister pero ito ang igaganti mo? Sinira mo ko sa maling paraan. Sino saatin ang may sugar daddy? Huh!? Oo may anak ako pero hindi dahil sa sugar daddy yon. 3 years ago nakagawa ako ng kasalanan na hindi ko pinag sisisihan. Pero ikaw maria? You act like a saint. Kaya hindi kayo close ng nanay at tatay mo dahil sa kalandian mo! Pinsan? Kapit bahay? Driver? Body guards? Lahat yon pinatulan mo. Sa ating dalawa ikaw ang madumi. Kaya siguro ayaw sayo ng nanay mo, siguro pinag sisisihan niyang naging anak ka... like me, pinag sisisihan kong naging kaibigan kita." With that I leave their room. I dont know where to go pero nakita ko ang sarili ko sa park. Hindi ako naiyak. Nakatulala lang habang inaalala lahat ng nangyare.
Yes, mali ang ginawa ko, isinuwalat ko ang sikreto ng kaibigan ko sa buong room pero siya ang nauna. Sabihan man akong pekeng kaibigan e ano? Hindi ako santo para hindi magalit. Tao ako nakakaramdam din ako ng sakit. Ayokong gawin yun kay maria dahil naging kaibigan ko siya. Pero wala akong nagawa kapag galit ang nangibabaw saakin lahat ng sama ng loob inilalabas ko.
Ngayon.... ngayon alam na ni gavin ang totoo. And I dont even know kung maniniwala ba siya sakin o ano. Pero wala na akong pake, ngayon makakahinga na ako ng maluwag na walang tinatagong sikreto.
—
Alam na ni papa gavin ang totoo ano kayang susunod? Happy na nga ba ang ending?
Vote and comment!!!
Follow me on wattpad also in twitter!
@maranankimmy❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020