🐼Kimmy:
Hello guys! Bago niyo muna ito basahin gusto ko lang ipaalam sa inyo na palagi kayong mag ingat. 😣Alam niyo naman ang kalagayan natin ngayon, kung maaari ay wag muna kayong lumabas ng bahay.. Mag basa na lang kayo ng wattpad, mag basa ng libro, mag aral, mag linis ng bahay, mag youtube... Palagi kayong uminom ng tubig at palagi rin kayong mag hugas ng kamay. 💜 Corona Virus is not a joke guys. So please take care of yourself 💕
Pray for everyone's safety.
Salamat sa nag pa-follow sakin, sa nag vo-vote at comment. So much appreciated guys. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napapasaya. 😍🙏
Ps. Gusto ko lang ishare sa inyo na wattpad save my life from death. Wattpad save me from my depression but don't worry medjo okay na ako. Love love, enjoy reading. Sorry sa mabagal na pag update. 🐼
NANDITO na ako sa Delta Condominium at patuloy sa pagkabog ng mabilis ang dibdib ko, hindi ko alam kung gagana ba ang planong sinasabi ng mga pulis pero kailangan kong magtiwala para sa kaligtasan ng anak ko. Tahimik kong binagtas ang elevator, napatingin muna ako sa gawi ng information desk kasabay noon ang pag tingin saakin ng nag aalalang mga staff at tsaka tumango. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan kong magpakatatag at maging matalino sa bawat galaw ko. Isang maling galaw at buhay ng anak ko ang nakasalalay. Nakahanda na ang lahat, tumigil na ang elevator.. Hudyat na narating ko na ang floor kung saan nandodoon ang room na hinahanap ko.
Lumabas ako, tiningnan ko ang room na nasa tapat room 302 kaya napatingin ako sa kanan 301 pagkaraan ay sa kaliwa at doon ko nakita ang room 303. Hindi ko mapigilan ang pag iyak. Lumapit ako doon at kumatok.
"Sino yan?" hindi ko alam kung bakit matandang boses ang narinig ko, tama naman ako ng pinuntahan.
"A-ako to si c-claire" nauutal kong sabi, ilang minuto ang lumipas bago nya naisipang buksan ang pinto. Sumilip muna siya sa kaliwat kanan bago ako hinila.
"Hay nako, buti namab at sumunod ka sa pinag usapan natin." bumalik ang boses niya sa natural niyang boses. Nagtataka akong tumingin sa kanya kaya naman napatingin siya saakin sabay irap. "O well, kailangan kong mag disguise into a matandang malapit ng mamatay para maisagawa ko ang plano. Actually muntik ng hindi, pano ba naman ang mga staff dito nag tataka kung bakit may pera ang isang uugod ugod na ako. Hay!!!"
"Nasan ang anak ko!?" galit na sabi ko at nilapitan siya.
"Hanggang diyan ka nalang, lumapit ka pa sakin at kakalat ang utak mo dito sa loob." sabi niya habang may nakalabas na baril.
"Putangina! Ano bang kasalanan ko sayo!?" sabi ko. Agad rumihistro ang galit sa mukha niya.
"Madami, ng dahil sayo... Hindi natuloy ang kasal namin ni Gavin. At dahil sayo.... Hindi niya ako minahal."
"Tangina para yun lang idadamay mo pa ang anak ko! Bakit si gavin lang ba ang lalaki sa mundo!?"
"HINDI! DAHIL SA NALAMAN KONG NAG KAANAK PA KAYO." sabi nito kaya natigilan ako, alam kong si maria ang nag sabi sa kanya. " And I know na alam mo ng magkakuntsaba kami ni maria. Poor you, all this time akala mo kaibigan mo siya pero alam mo ba? Mas demonyo pa sya sa demonyo. Sinabi niya sakin lahat.... Lahat lahat, kung saan ka nakatira, may anak at kung sinong kasama mo sa bahay.. Kaya nga naisip ko kung paano ako makakapasok sa buhay niyo ng hindi mo ako nakikilala. And my brain poop at biglang tanannnn Im disguising myself so that walang sino man ang makakilala saakin. At alam mo, gumana naman. Hindi ko naman kasi alam na ganoon pala kalambot yang bakla mong kaibigan. Konting iyak, konting malungkot na kwento ayun... Bumigay na."
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020