Chapter 2

15.5K 351 55
                                    






Hindi na bago saakin na salubungin ang umaga kasama ang lungkot. 


 Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng mangyare ang paghila saakin ni Gavin or I should sa SIR Gavin. Nitong mga nakaraang araw talagang sinisigurado ko na hindi mag tatagpo ang landas namin. Kapag naman nasa klase ay normal lang ang pinapakita ko sa kaniya. Student at Professor pero minsan hindi maiiwasan na manadya ang mokong. Lalapit ito at bigla akong kakausapin ng mahina, pero kahit ganon iniiwasan kong lumalim yung usapan namin. Ayoko na muling ma-issue ay mas lalong ayokong mapalapit muli sa kanya. 






Binigyan kami ng task ngayon ng Teacher namin sa Physical Education, ni-group kami ng teacher namin sa dalawa. Yung mga babae mag lalaro ng volleyball at yung mga lalake naman ay basketball. Unang sumalang ang mga lalaki kaya naman umalis sila para mag palit ng damit. 







Kami naman ay nagpunta na sa Basketball Court ng Maxenry Academy. Umupo na kami sa mga bench habang inaantay naming dumating yung mga kaklase namin. Bale yung boys hinati din sa 2 groups para maglaban. 




"O Em G!! Andyan na mga papabols" 




 Sino pa ba ang mag sasabi niyan? Edi ang haliparot na si Anton este si jasmin. Nag tiliian na ang mga kaklase ko, well hindi naman maikakaila na madaming gwapo sa room namin. Hindi pala madami, lahat ng lalaki sa room namin ay gwapo.m





"Manahimik ka na nga lang diyan bakla" hindi pa kasi ito natatapos tumili. Malikot din siya sa upuan nito kaya nasisiko niya ako. 






"Oy si sir ba yun? Sino yung kasama niya?"





Rinig kong sabi ng kaklase ko, hindi na naman dapat ako maintriga e. Ano naman ngayon kung meron nga siyang kasama. So? Pake ko? May kanya kanya na kaming buhay at mas magiging masaya ako kung may ibang pinag kakaabalahan na ito. 




"Nakakainis bakit ang ganda?"

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon