Chapter 4

12.8K 349 53
                                    



PAGKATAPOS kong mag palipas ng oras sa mall ay agad din akong umuwi, hinanap ko si Cavin pero wala ito sa kwarto namin kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Jasmin dahil baka nag lalaro ang dalawa pero wala din ito sa kwarto nito. Agad akong bumaba at tinanong si yaya kung nasaan yung dalawa. Sabi ni yaya pumunta daw yung dalawa sa may park, susunod na sana ako sa kanila ng makita ko silang kakapasok lang.









Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang anak kong masayang masaya na hawak ang laruang baril barilan. Lumapit ito saakin at niyakap ako. 





"Wow naman! Ang ganda naaman ng bario barilan ng baby ko. Nag thank you ka ba kay tita jasmin mo?" 





Ngumiti lang ito saakin at tumango. "Oy bakla, tuwang tuwa si cavin thank you ha. Ibinili mo pa si tutoy ng laruan." 





Parang natataeng hindi ang mukha ni jasmin. Nilalaro din niya ang kamay niya na para bang kinakabahan siya. Pumikit muna siya at bumuntong hininga bago mag salita. "Beks, hindi sakin galing yan e." Kaya naman napakunot ang noo ko. 









"Kung hindi galing sayo... Galing kanino?" Umiwas siya ng tingin, sinilip ko si cavin na nag lalaro sa salas kasama yung katulong namin.







"A-ah g-galing kasi yun kay........ Kay sir g-gavin" agad nanlaki ang mata ko at mabilis na kinabahan. Hinila ko si bakla sa labas para kausapin ito at para narin hindi kami marinig ni cavin. 







"Paano? Papanong si gavin?" Naguguluhan kong sabi.









"Ito kasing anak mo kanina nag ayang lumabas, kaya hindi na ako nakakuha ng pera. Ni hindi nga ako nakapag palit ng damit e. Tapos nag laro siya, nung may dumaang nag titinda ng laruan nag simula na siyang magtuturo. E wala akong dala, hanggang sa umiyak na siya. Tapos biglang lumapit saamin si gavin at binili yung laruan. Tapos...."







"T-tapos?"







"Tapos nakipag laro siya kay cavin. Tapos tinawag ko na si cavin para umuwi, nagulat pa nga si sir kasi katunog ng pangalan niya tapos tinanong niya ako kung kaninong anak yun."









Parang nawalan ako ng hangin sa katawan, nag kita nanaman sila. Talagang tadhana na ang nagawa ng paraan para mag kita sila.





"Si..... Sinabi mo ba?" Kinakabahan kong tanong, hindi niya pwedeng malaman na nag kaanak kami. 







Ayokong mawalay sa anak ko, alam kong kukunin niya saakin si cavin sakaling malaman niya na anak niya ito.







"Syempre hindi, sinabi ko nalang na pamangkin ko ito." 







Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag. Nauna ng pumasok sa bahay si jasmin. Nag paiwan muna ako sa labas para maka langhap ng hangin. Napalingon ako sa kaliwa may kotse kasi na hindi pamilyar saakin na pumarada sa bagong kagagawang bahay. 









Agad akong nagtago ng makita ko kung sinong tao ang bumaba sa kotseng iyon. Hindi maaari ito!!! Hindi pwede!!!!









Nag mamasid lang ako hanggang sa may kamay na pumayong sa balikat ko kaya agad akong napahiyaw buti nalang hindi narinig ng lalaking iyon ang hiyaw ko.





"Hou bakla, pasok na nakahanda na ang hapunan." Sabi ni jasmin, naiilang akong tumingin sa kanya kaya naman napataas ang kilay niya. "Bakit ganyan ang mukha mo para kang nakakita ng aswang" 









A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon