Gavin
Buong maghapon kong hindi nakita si Claire, gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa kapatid ko. Gusto kong linawin sa kanya yung saamin ni Quela, yung mga nakita o kahit na yung narinig niya. Hindi ko alam kung bakit nag kakaganito ako, kung bakit ngayon hinahabol ko parin siya. Kung bakit hindi ko siya makalimutan.
Kaninang umaga, inagahan ko talaga ang pag pasok. Alam ko kasing maaga siyang pumasok, at yun yung pagkakataon na pwede ko siyang makausap. Maaga kaso siyang umaalis sa school, para bang may nag iintay sa kanya sa bahay nila.
Pero bumagsak ang balikat ko ng makitang wala pa siya sa room, inantay ko siya. Palagi akong nadaan sa room nila kahit na ilang minuto pa bago mag time. Pero wala..... Lumipas ang oras, hanggang sa matapos ang discussion ko ay wala parin siya.
Akala ko lumipat ito ng klase, dahil naalala kong sinabi niya saaking mag papalipat siya.
Kaya naman pumunta ako sa isang co- teacher ko at tinanong kung may lumipat ba sa kaniyang klase na eatudyante. Wala naman daw, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, sa huli umuwi ako sa bahay na walang claire na nakikita.
Habang pababa ako sa kotse ko, may napukaw ang mga mata ko. Mabilis na pag mamaneho ng isang kotse, kaya naman nasanggi nito ang basurahan sa tapat ng bahay nila.
Agad bumaba ang may ari ng kotse at.... "Claire?" Kahit naguguluhan ay mas pinili kong tingnan siya mula sa malayo.
Nag mamadali ito at hindi pinansin ang basurahan na nasanggi ng kotse niya. Agad siyang pumasok sa kaniyang bahay... So all this time, diyan lang siya nakatira?
Ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko.. Ilang minuto pa ang lumipas, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakakaramdam na din ako ng ngalay pero may kung anong dumadaloy sa katawan ko na para bang sinasabing huwag akong umalis sa kinatatayuan ko.
Maya maya pa ay nakita ko na siya.. "Bakit ang dami niyang dala?" Meron siyang dalang mga unan, at kung ano ano pa.
May a-outing ba siya kaya ganan kadami ang dala niya? Tinitigan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa kotse niya.
Sa sobrang pagkatuon niya sa kung anong dahilan ay hindi niya ako napansin. Hindi ko alam kung bakit heto ako..... Sinusundan siya.
Saan ba siya pupunta? Ilang oras ang lumipas at tumigil siya sa....
"Hospital?"
Bakit naman siya pupunta sa hospital? May sakit ba siya? Or, nasa hospital ba ang mga magulang niya?
Nag hanap muna ako ng paparking-an, nakakainis lang at natagalan ako bago makahanap ng paparking-an.
---
Claire
Mabilis akong umuwi sa bahay para kumuha ng ibang gamit, balak kong matulog sa tabi ng anak ko. Gusto ko siyang bantayan, hindi ko na pinansin pa ang basurahan na nasanggi ng kotse ko at mabilis na pumanhik sa bahay.
Agad kong kinuha ang mga kakailanganin ko, unan, kumot, damit pati nga mga shampoo at iba pa ay kinuha ko na.
Agad akong pumasok sa kotse at pumunta sa St. Claire, agad akong pumunta sa private room ni cavin. Nakita ko doon si Andrew. Nakahinga ako ng maluwag.
"Nakuhanan na ako ng dugo, tinetest kung mqgiging compatible sa kanya. Kapag nag kaari ay dadalahin na siya sa isang room para salinan ng dugo." Sabi niya, kaya pala may bulak siya sa kaliwat kanan niyang braso.
Naluluha akong linapitan siya at niyakap. "S-salamat" naramdaman ko nalang na hinahagod niya ang likod ko.
"Wala iyon" sabi niya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala akong nakuhang mag dodonate ng dugo kay cavin.
"Sige uuna na ako ha. Dalaw na lang ako bukas." Sabi nito, nahihiya akong tumingin sa kanya.
"A-ahm, hindi mo naman kailangan na–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag salita siyang muli.
"I insist." Hindi na ako nakasagot pa dahil sa umalis na din kaagad ito.
Malaking pasalamat ko kay andrew, kung wala si andrew siguro.... Siguro wala na din ang anak ko ngayon. May pumasok na nurse at sinabing pwede ng salinan ng dugo si cavin. Iniayos na nila ang lahat at si cavin nalang ang kailangan.
May mga dumating pang nurse para dalahin sa isa pang room si cavin para salinan ng dugo. Sabi nila ay hanggang sa labas lang ako p, kaya heto ako nag hihintay ng ibabalita saakin ng doctor. Halos lahat na ata ng santo ay nahingan ko na ng tulong.
---
Andrew
Habang tinititigan ko si cavin kanina, hindi ko maitatanggi na anak nga siya ng kupal kong half- brother. Tsk. Nakakasukang naging kapatid ko siya. Halata sa bata na namayat ito.
Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa batang ito, marahil ay anak siya ng kapatid ko.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si claire, malas ni gavin dahil sinayang niya ang dalawang ito.
Nag usap kami hanggang sa napag desisyonan kong umuwi muna, may pasok pa ako bukas. Siguro ay dadalawin ko nalang si cavin bukas pag kaawas ko.
Palabas na ako ng hospital ng makita ko si gavin... Nag kasalubong ang mga mata namin, bakit siya nandidito?
Lumapit ito saakin. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya saakin, napadako ang tingin niya sa braso ko. Agad na nagkasalubong ang kilay niya.
Shit. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay cavin, humingi saakin ng pabor si claire. Sabi niya ay kahit anong mangyare ay huwag ko daw sasabihin kay gavin ang tungkol sa anak nila.
"Bakit masama na bang pumunta ng hospital?" Sabi ko, kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya tumuloy sa hospital .
"Pinapatawag ka ni dad, kailangan ka daw niya.." Sabi ko, alam kong kapag may narinig siyang 'dad' ay hindi na siya tutuloy .
"Sige" yun lang at lumabas na siyang muli, kailangan kong makasigurong umalis na siya kaya pasimple ko siyang sinundan.
Ng nakasigurado na akong nakaalis na siya ay agad kong tinext si claire at sinabing nakasalubong ko si gavin. Sabi niya ay ililipat niya bukas ng hospital si cavin, para sa recovery.
Buong buhay ko ay palagi nalang kitang kahati gavin, lahat ng gusto ko napupunta sayo... Kaya ngayon.... Hindi ko na hahayaang magkahati pa tayo. Pasensyahan tayo pero lalabanan kita, lalaban na ako gavin. Hindi ko siya tinatawag na kuya kahit na mas matanda pa ito saakin. Tsk. Hinding hindi ko siya tatawaging kuya.. Never.
----
Hi guys! So what do you think? Anong masasabi niyo sa chapter na ito?
Please.. Do vote and comment every chapter, GIVE AND TAKE tayo. Hihihi. Thank you mga bebelabs...
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020