Chapter 27

11.8K 222 13
                                    

Third person's POV

"Jasmin!"

Agad tumakbo ang bakla sa dalagang ngayon ay busy sa pag aayos ng sarili.

"Ano okay ba? Anong kulang?" Tanong nito habang umikot ikot pa sa harap ng bakla na ngayon naman ay nakabusangot.

"Mamsh, graduation pupuntahan natin hindi party. Maganda kana kahit hindi mo masyadong bonggahan!" Sabi nito at tumingin na parang nang aasar kay claire. "Uy, pinag papagandahan si Gavin~"

"Tumahimik ka nga bakla baka marinig ka nun!"

"O, sya bababa na ako titingnan ko si anakies mo kung ayos na." Sabi nito at lumabas na, muling tiningnan ni claire ang sarili bago naisipang lumabas ng kwarto.

Nasa bagong bahay na sila, maganda at sakto lang para sa kanila. Package deal napapayag ni gavin si claire para sumama sa kanya sa bagong bahay. Pano ba naman hindi sasama si claire hanggat hindi kasama ang maid at si jasmin. Hindi naman iyon masama kay gavin mas madaming kasama sa bahay ay mas masaya.

"Mommy!"

Agad tumakbo ang bata sa ina ng makita itong pababa ng hagdan. Agad sinalubong ni claire ang yakap at halik ng anak habang masayang nakatingin lang sa kanila si gavin.

"Oh, sir. Hindi ka ba makikijoin sa kanila?" Pang ngungutya ni jasmin na halatang kinikilig.

"Jasmin!" Saway ni claire habang namumula sa kahihiyan.

Hindi naman niya maitatago sa sariling malakas parin ang tama sa kanya ng presensya ni gavin. At nakalimutan narin niya ang mga nangyare sa kanilang masama noon. Kumbaga ngayon ay nagsisimula na sila ng panibagong masasayang mga moments na magkakasama silang tatlo. Tanging masasaya lang at walang masasakit na alaala.

Napawi ang ngiti niya ng maalala niya ang ibinalita sa TV nung isang gabi.

"Naalala mo na naman ba?"

Tanong sa kanya ni jasmin, papunta na sila sa lugar kung saan gaganapin ang graduation nila.

Hindi nakasagot ang dalaga at tanging pagbaling  lang sa ibang deriksyon ang nagawa niya. Kahit papaano ay may pinag samahan parin silang dalawa. Kahit papaano ay masakit para sa kanya ang naging kinahinatnan ng kanyang dating kaibigan.

"Kahit may nagawa siyang mali saakin, nangingibabaw parin ang pag mamahal ko sa kanya."

"Huwag mo na munang isipin yan! Anu ka ba naman, masasayang ang ayos mo niyan e! Ang mahalaga, nakikita ka niya na masaya at may magandang buhay na. Yun naman palagi ang gusto niya para sayo hindi ba?"

"Pangarap kong maka graduate kasama siya. Lalakad kami ng sabay, mag pipicture kami para sa friendship goals namin."

Tuluyang lumaglag ang luhang kanina pa niyang pinipigilan.

"Mommy? Why are you crying?"

Dahil sa sinabi ng anak niya ay napukaw din ang atensyon ni gavin at nakakunot na napatingin sa kanya. "Excited lang si mama baby" sabi nito, hindi na muli siyang ginambala ng anak at masaya itong nakikipag harutan sa ama.

Napangiti na lang si claire habang pinag mamasdan ang kanyang mag ama. Hindi niya alam na aabot sila sa ganto, akala niya ay wala ng pag asa. Akala niya ay mamumuhay lang sila ni gavin ng sila lang. Hindi niya inaakalang pwede pa palang maayos ang lahat.

"Anong balita sa katawan niya? Nailibing na ba siya?"

"Oo, nakakaawa nga e. Wala manlang pamilya o kamag anak na dumalo. Ano ba yang pamilya ng ex-bestfriend mo"

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon