Chapter 26

10.4K 244 16
                                    



"Sir hindi po kayo pwede dito, please sumunod nalang po kayo." Sabi ng nurse habang itinutulak si gavin papalayo.

Kasalukuyang nasa loob ng ER si Claire dahil sa mga natamo ito, bumababa nadin ang lebel ng dugo nito kaya agarang pag sasalin ng dugo ang kinakailangan. Available na din ang blood type ni claire kaya hindi na kailangang mag hanap ng blood donor.

"Shit!" Sabi ni gavin habang hindi mapakali sa labas.

"Ayun!"  Napatingin siya sa nga nurse na lalapit sa kanya at napailing na lang siya.

"Sir! Bumalik po kayo sa kwarto niyo hindi pa po kayo tapos linisan ng sugat!" Sabi ng nurse pero nag pupumiglas si gavin.

"Hindi, dito lang ako!" Sabi nito. No choice na ang mga nurse kung hindi turukan ito ng pampatulog.

"Sige na, dalhin na yan sa kwarto niya. Ang laki laki na natakas pa!" Inis na sabi ng nurse nakatoka kay gavin.

—-

Makalipas ang isang linggo tuluyan ng gumaling at nakalabas sa ospital si claire.

"May kailangan ka pa ba?"

Tanong ko dito habang inaayos ang kamang pag hihigaan niya. Pansamantlang dito sila tutuloy sa bahay na binili ko. Saka ko nalang siya kakausaping lumipat sa bahay na talagang pinag laanan ko ng panahon at pera. Para sa pamilya namin.

"W-wala na salamat" sabi nito at maingat na humiga sa kama.

Inayos mo ang kumot at inilagay sa bandang dibdib niya. "H-hindi mo na kailangan pang gawin yan gavin."

"Hayaan mo akong pag lingkuran ka. Prayoridad ko ang alagaan ka." Sabi ko.

"G-gavin"

Hinawakan ko ang kamay niya. Saglit siyang natigilan at napatingin sa kamay kong hawak hawak ang kanya.

"Hayaan mo akong...... hayaan mong bumawi ako sayo.. sainyo"

"Hindi ko alam ang isasagot ko gavin. Andaming nangyare, baka indikasyon na yon na dapat hindi tayo mag sama"

Sinakop ng mga kamay ko ang pisngi niya. "Huwag ka ngang mag salita ng ganyan. Pag subok lang ito, makakaya natin itong lagpasam. Tayo bilang ama ay ina ni cavin"

"Gavin natatakot ako"


Nginitian mo siya. "Huwag kang matakot, hanggat nandito ako. Nakatayo, hindi ka dapat matakot" wala na siyang sinabi pa at tumango na lamang.

"Iiwan na muna kita dito, pupuntahan ko muna si cavin." Pag papaalam ko sa kanya. Tumango lang siya at ipinikit ang kanyang mga mata.

Bago ako lumabas ay hinalikan ko muna siya sa noo na kinagulat niya. Mumulat siya at nag tatakang tumingin saakin. Nginitian ko nalang siya bago lumabas. Kailangan niyang mag ipon ng lakas. Para masundan na namin si Cavin.

"Uhm... how's mommy?" Tanong saakin ni cavin ng makita niya akong pumasok sa kwarto niya.

Hindi padin pala siya nakakatulog. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo gulo ang buhok niya. "She's fine baby, don't worry." Sabi ko, tumango tango lang siya.

Fck! Hindi maikakailang hindi ito akin. Dahil para kaming pinag biyak na bola. "Bakit natitig ka saken?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Wala lang, uhm do you want to meet your farher?"

Bigla siyang nag iwas ng tingin at umayos ng tayo para humiga na. Kinumutan ko nalang siya, mukhang ayaw niyang pag usapan ang tungkol doon. Hindi ko na siya pipilitin. Tumayo na ako para sana umalis na pero nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. 

"You..... you are my father....right?"

Paano niya nalaman, hindi ako maka imik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Binalingan ko lang siya ng tingin. Kita ko kung gaano kalungkot ang mata niya at the same time masaya?

"I heard you ang mom, hindi ko po sinasadyang marinig." Sabi niya, he's cute.

"Galit ka ba sakin?" Sabi ko, hindi ko inaasahan na tatango siya.

Nilapitan ko ulit siya at umupong muli sa tabi niya. "Bakit mo kami iniwan? Ayaw mo ba sakin?" Sabi niya at bigla na lamang siyang umiyak.

Ang sakit pala, ang sakit kapag galing mismo yun sa anak mo. Na inaakala niyang ayaw mo sa kanya. Pero hindi ko masisisi si claire, walang dapat sisihin dito kung hindi ang sarili ko.

"Sorry anak, hindi ko intensyong iwanan ka o lumayo sayo. Sadyang... sadyang pinag kaitan lang ako ng panahon. Pero nandito na si papa or daddy diba? Hindi na ako aalis."

"Promise?"

"Promise" tapos tinaas ko ang kanang kamay ko para patunay sa pangakong ginawa ko.

"Ayaw ko ulit makita si mommy na umiiyak. Please papa, don't leave us again" sabi niya, tumango ako.

Nakita ko nalang siyang nakaykap saakin. Ang sarap sa pakiramdam na yung anak mo sa wakas nahahawakan mo na, na yakap mo na. I will do my best to protect you anak. Pati nadin ang mommy mo.

Mahal na mahal ko kayo, kayo na ang buhay ko ngayon.


Hi guys!
Please check my new story.
Title: Do or Die

Support niyo ko mga bebelabs! Thank you!!

A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon