Nasa byahe na kami ng biglang naalimpungatan si Cavin. "Sleep kapa baby gabi pa." Sabi ko agad din naman itong natulog din."Buti na lang at kakaunti ang nabyahe ngayon. Nako, kung alam mo lang kung gaano dito ka-traffic." Sabi ni jasmin.
"Buti na lang talaga. Mas mapapadali ang pag dating natin sa atin." Sabi ko naman. Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Alam mo napaka isip bata niyo" sabi niya kaya naman naptingin ako sa kanya.
"Sinasabi mo?"
"Mahal niyo naman ang isa't isa pero nag gaganyanan kayo."
"Anong nag gaganyanan? Tsaka sinong may sabing gusto ko siya?"
Sabi ko at umirap mahina lang ang pag sasalita namin dahil baka magising uli si cavin. Biglang napa preno si manong kaya naman natigil ang diskusyon naminy dalawa.
"Manong bakit tayo huminto?" Tanong ni jasmin.
"May humarang po sa labas e. Hintay lang po at titingnan ko." Sabi nito at lumabas agad naman akong kinabahan sa kung hindi ko alam na dahilan.
Napatingin ako kay jasmin na ngayon pala ay nakatingin din saakin. Halata sa mukha nito ang kaba at pag aalala.
"Mamsh! Hindi kaya—"
"Hindi, hindi pwede."
Sabi ko, siguro si gavin iyon na gustong kunin saakin si cavin. Mag kakamatayan muna kami bago niya makuha ang anak ko saakin.
"Bakit ang tagal ni manong?"
"Baka.... baka nakikipag talo pa." Sabi ko nalang, ilang sandali ay pumasok na si manong at umalis na ang van na nakaharang sa daan namin.
"Oh, manong bakit natagalan ka?" Sabi nito, medyo nadumihan din ang suot nitong polo.
Hindi naman ito sumagot at nag drive na lang, mahaba haba pa ang byahe kaya naman napag desisyonan na naming matulog muna.
"Manong gisingin niyo nalang kami pag nandun na tayo ha." Sabi ni jasmin tanging pag tango lang ang sagot ni manong.
—
"Ughhh!" Sabi ko at napahawak sa ulonan ko. Bakit ang sakit ng ulo ko? Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, teka... hindi ito ang kwarto namin ah?
Tsaka bakit ako nandidito sa pag kakaalam ko ay nasasaloob kami ng kotse.
"Cavin??? C-cavin anak?" Sabi ko ng pag tingin ko sa gilid ko ay wala siya sa tabi ko.
"Jasmin!?" Sigaw ko rin asan na ba sila.
"Manong!!!? I-ikaw!?" Sabi ko ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si hazel.
"Hello bitch. Sige itali ang kamay at pa niyan." Sabi nito at lumapit saakin ang kasama niyang lalaki para talian ako. Pumalag ako pero mas malakas siya saakin kaya natalian niya ako.
"Walang hiya ka! Ano bang kasalanan namin sayo!"
"Sakin wala, pero sa kapatid ko.... meron." Sabi niya kaya naman napakunot ang noo ko.
"Tangina sino ba ang kapatid mo! Sa pag kakaalam ko wala akong atraso sa pamilya niyo— nathalie!??? Paanong.... nakakulong ka hindi ba!?"
Gulat kong sabi ng biglang iniluwa ng pintuan si nathalie na nakangisi. Mag kapatid sila? Paanong nag karoon siya ng kapatid?
"Silly right? Gulat ka ba na may kapatid ako? Ako din e ." Sabi saakin ni nathalie.
"Papaanong?"
"Yah! I just found out that I have a half sister and yup that is Hazel. She's the product of my dad and his mistress." Sabi pa niya at nilapitan si hazel. Si hazel naman halatang takot kay nathalie. "And ginamit ko siya dahil nalaman ko na magkaibigan pala sila dati ni gavin. Liit ng mundo right? Pinag tagpo tayong lahat."
"Ano na naman bang gusto mo? Dapat naka kulong ka ah? Papaanong nandidito ka?"
"Nakalimutan mo na atang ako si nathalie, and I can do everything I want. At anong gusto ko? Ang mamatay ka!" Sabi niya at inilabas ang baril na kanina pa niyang itinatago sa likuran niya.
"Kung gusto mo akong patayin edi sige! Patayin mo ako! Pero huwag mong idamay si Cavin dito!" Sabi ko, narinig ko ang tawa niya.
"Alam mo, ang tanga tanga mo. Alam mo yun, dapat nag pakalayo layo kana lang e. Pero bumalik ka pa sa buhay namin. Kaya para natuloy ang naudlot naming pag iibigan, papatayin na lang kita!!"
"Ate—" iimik sana si hazel pero agad siyang pinutol ni nathalie.
"Dont you ever call me ate dahil wala akong kapatid na anak sa labas! Isa ka pa e! Kailangang mawala na din kayo ng nanay mo sa mundo namin. Dahil sainyo nasira ang pamilya namin!!!" Tapos itinutok niya ang barel kay hazel, napataas naman anh kamay nito at napaatras.
"Anong ginagawa mo!? Ginawa ko naman ang gusto mo ah?! Bakit sasaktan mo pa kami! Sabi mo kapag naidala ko sayo sina claire ay pakakawalan mo na si mama!"
So kaya pala nandito kami, pero nasaan si manong. Baka maililigtas kami ni manong, matipuno din ang katawan nito at may experience siya sa pakikipag laban dahil dati itong pulis. "Kung iniisip mo ang driver niyo pwes mag dalawang isip kana. At ikaw, umupo ka don. Hoy itali mo din siya." Utos niya kaya kinaladkad din si hazel paupo sa may couch at tinalian.
"Anong ginawa mo kay manong!?"
"Hindi ka ba nag tataka kung bakit hindi siya sumagot nung tinatanong niyo siya kung bakit natagalan? Well napalitan ko na siya non, at ang manong niyo ay iniwan namin sa gitna ng kalsada and I think patay na rin yun sa mga oras na ito."
"Walang hiya ka talaga nathalie! Napaka walang hiya mo!" Sabi ko.
Tumawa lang ito at lumapit saakin. Sinampal niya ako sa mag kabila kong pisngi kaya naman di ko maiwasang makagat ang labi ko dahilan para magka sugat ito.
"I like this game, Im sure mas matutuwa pa ako at mag eenjoy kapag nakita ko kung paano ka mag makaawa sa buhay ng anak mo."
"PUTANGINA MO! SUBUKAN MONG SAKTAN ANG ANAK KO AT PAPATAYIN KITA AT ANG BUONG ANGKAN MO!!!" Sigaw ko bago siya umalis. Iniwan niya ako kasama si hazel. Binalingan ko siya ng tingin. "Ano masaya kana?" Sabi ko hindi ito makatingin ng ayos saakin.
"P-pasensya na, gusto ko lang iligtas ang nanay ko. Kapag hindi ko ginawa ang ipinag uutos niya, papatayin niya ang mama ko." Nangingilid na ang luha niya ng sinabi niya iyon.
Napabuntong hininga nalang ako. "Umisip ka nalang ng paraan kung paano tayo makakalabas dito." Sabi ko nalang at sinubukang tanggalin ang tali. Pero masyado itong mahigpit kaya namula lang ang balat ko.
"Shit!" Sabi ko nalang at tumigil sa kakatanggal. "Masydong mahigpit." Sabi ko.
"Claire, nakikita mo ba yung sa gilid mo?"
"Alin itong lamp shade?" Sabi nito at tumango. "Anong meron dito?"
"Ako mismo ang nag design niyan, sa may gilid.." tiningnan ko yung sinasabi niya. "Hilahin mo yung tungkil may ginawa ako diyang maliit na kutsilyo."
"Paano mo to naisip?" Sabi ko agd kong nakuha ang sinasabi niya.
"Nasa kwarto ko yan nilagay ko dito incase na ganito nga ang mangyare. Hindi ako masama claire, naipit lang din ako dito. At kung.... kung iniisip mong may gusto ako kay gavin nag kakamali ka claire."
—
Vote
Comment
Follow me!!❤️
Twitter: @maranankimmy
BINABASA MO ANG
A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️
Romance"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020