Chapter 6

12K 340 88
                                    



MABILIS akong mag maneho papuntang bahay, hindi ko alam kung ano na ang nang yayare sa paligid ko. Ang alam ko lang ay kailangan ako ng anak ko. Kailangan niya ako... 







Please, Lord... Alam kong napaka kapal ng mukha ko para humiling sa inyo ngayon. Alam kong napakarami ko ng kasalanang nagawa.. Pero ngayon lang ako hihiling sa inyo.. Ngayon lang ako nag mamakaawang.... Ilayo niyo sa kapahamakan ang anak ko. Please........









Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na agad ako sa bahay. Agad akong lumabas sa kotse at tumakbo sa bahay. Nakita ko si yayang may dala dalang bag.







Bag ni Cavin.









"Y-yaya nasaan si c-cavin?" Nangangatal na ang kamay ko at naiiyak na ako. 







Hinanap ng mga mata ko ang anak ko, nasaan siya!? Bakit wala siya dito..... Muli kong tiningnan si yaya, naiiyak na din siya. Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko. 







"ASAN ANG ANAK KO?!" 





Nagulat ito dahil sa ginawa kong pag sigaw. 





"Ma-mam dinala ko na siya sa ospital....... Umuwi lang ako para kumuha ng ilang mga damit niya." 









Walang ano anong napaupo ako, hindi.... Galing na siya, bakit....... Bakit bumalik na naman ang sakit niya. 









"Saang ospital siya?" 







"Sa St. Claire po" 









Pagkasabi niyang yun umalis na ako sa harapan niya, sinundan niya din naman ako at sumakay na din sa kotse. Agad akong nag maneho papuntang ospital.





"Nasa private room po si cavin." Sabi ni yaya ng makarating kami sa ospital. 









Agad akong pumunta sa elivator at pinindot ang floor kung saan naroroon ang room ni cavin. 





Malapit na ako sa room ni cavin ng lumabas dito ang doctor ni cavin, sabay din noon ang pagpasok ng ilang nurse. Anong nangyayare?







"B-bakit... Bakit ang daming nurse... Doc? Anong nangyayare sa anak ko." 





"Huminahon ka Ms—" 





Hindi ko na siya pinatapos pa.







"Paano ako hihinahon Doc, kung alam kong nandyan sa loob ang anak ko!?" Hindi ko maiwasang maitaas ang boses ko. Bumuntong hininga ang doctor na nakatoka kay cavin at tinitigan ako ng seryoso sa mata. 





"Hindi na ako mag papaligoy- ligoy pa, kinakailangan ng anak nyo ang masalinan ng dugo. Mayroon na lang siyang 48 hours, kapag hindi siya nasalinan ng dugo.. Maaaring ikapahamak iyon ng anak niyo. Alam niyo naman misis ang lagay ng anak niyo, hindi common ang sakit niya. Ang tanging kailangan na lang niya ay ang masalinan ng dugo at uminom ng gamot. Yun na lang ang magagawa natin, kapag hindi pa ito umipekto o kung walang pagbabago sa sakit niya. I'm sorry dahil wala na tayong magagawa doon." Sabi ni doc napatingin ako sa kanya at umiling.





A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon