**Episode_19** ++I'll bring you back (Part II)++

72 0 0
                                    

(Adrian's POV) 

"DORIE!!!! PAHINGI PA NG KAPE!"

"sir?kape na naman? Nakaka-anim na kape na po kayo."

"SO WHAT?! EH,SA GUSTO KO EH! BIGYAN MO NA NGA LANG AKO!!" 

sumunod naman sya agad after kong iutos yun.

Look, pati si Dorie nasisigawan ko na kaiisip kay Hayen. Ewan. Napulot ko kasi tong panyo nya na may pangalan nya dun sa kwarto nya. Yung dating kwarto nya. 

Tsk! Nakakainis! After ko kasing makita yung panyo na yun napapaisip na naman ako sa kanya. Ang laki na nga ng eyebugs ko kakaisip sa topak ng babaeng yun! 

Wag kayong mag-isip ng kung ano! Nakokonsensya lang siguro ako. Pero wala naman akong dapat ikonsensya dahil wala akong kasalanan! Pero... Tsk tsk tsk.. 

Bakit ba di ako mapakali? Bakit ko ba sya hinahanap?! 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Hayen's POV) 

nakakapagod na talaga tong araw na to. 

Ewan. Mas nakakapagod kaysa nung nagkakatulong pa ako. Siguro dala lang ito ng sadness,pero di na ko dapat pang maging sad.. 

Actually dahil din dun, di na ako nakakapasok sa school. Sana lang talaga makabawi pa ako... 

Di ko sya kailangan. Dapat ko na syang kalimutan. 

After kong malinis yung 5 na mesa,may customer akong nakita. Lalake. Nakasumbrero at naka-upo sa mesa ng bar. Walang tao dun eh. Tsk.. Pinuntahan ko yung loob ng bar at humarap dun sa customer na nakayuko. 

"Hello sir. Ano pong order ninyo?" 

....

........

.....

...

...... 

"BIGYAN MO NA LANG AKO NG SAMPUNG DAHILAN KUNG BAKIT KA UMALIS SA BAHAY." 

O_____O "A-AD-A-ADRIAN??!" t-teka nga., sya ba talaga to? 

Pinagmasdan kong maigi yung mukha nya... *smirk* 

"WAAAAH! Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?!" tinanggal nya yung sumbrero nya at nalantad yung kagwapuhan nya, 0.0, i mean.. . . Yung mukha pala nya. 

"nasaan ba yung manager mo? Bakit ayaw mong ibigay yung order ko?" 

halatang sumusulyap-sulyap sya na parang hinahanap yung kung sino. Naku naman Adrian oh! Ano bang sumapi sayo?! 

Nagulat ako kasi may sinenyasan si Adrian habang nakangiti ng nakakaloko. 

PATAY! Si sir Kevin yun ah?! 

"yes sir?" tanong ni sir Kevin kay Adrian. Hinawakan ni Adrian yung nameplate ni Sir Kevin,sabay tingin sakin at *smirk* 0.0..  o.m.g. Ano na naman to?! 

"so,you're the MANAGER of this restaurant?" 

"yes,sir. May problema po ba?" bago sumagot si Adrian, tumingin muna sya sakin..*wink* 0.0. 

"actually, may atraso sakin tong babaeng to. Pero, di naman ako gagawa ng masama kung hahayaan mo akong i-table itong waitress nyo." 

"siya?" tanong ni sir Kevin na nakatingin sakin. 

Love at First BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon