(Author's)
Nagsimula na ang bridal march kasabay ng kantang Fallin. Tahimik lang ang lahat.
Sa paglalakad ni Hayen, mahahalata mo ang sadness sa kanya. Si Adrian, di din kumikibo. Ngumingiti lang siya kapag may ngumingiti sa kanya.
After ng ilang minuto,
"Ngayon, maaari na kayong magpalitan ng sarili ninyong vows para sa isa't-isa." sabi ng Pari. "Mr. Adrian, mauna ka."
Ngumiti si Adrian na inabot yung microphone. After nyang maabot yun, tumingin muna siya sa mga tao at humarap na kay Hayen.
"I'm Adrian, Nangangako ako sa lahat ng aking makakaya na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka.Sasamahan kita, sa lungkot man o kasiyahan, sa hirap at ginhawa at maging sa kamatayan. Nangangako akong, sayo lamang titingin at hindi sa iba. Na kahit makulit ka at ubod ng kulit at napaka-kulit, pipilitin kong intindihin ka." nakangiti lang si Adrian. "Mamahalin kita..." bulong niya. "Lahat ng makapagpapasaya sayo, gagawin ko at ibibigay ko. Maging buhay ko."
"Ms. Hayen."-pari.
Tumango lang si Hayen.
"Ako, si Hayen, buong pusong nangangako na gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya mo. Masaktan man ako o masiyahan, handa pa din kitang damayan sa lahat. Sa hirap man o ginhawa. Till death, I will do MY PART and our part." malungkot nyang sabi.
"Ngayon maaari nyo ng isuot ang singsing sa isa't-isa."- father
Kinuha ni Adrian ang singsing na isusuot kay Hayen. Isa itong wedding band in 18K white gold with 0.30 carats round brilliant-cut-diamonds, na pinadala pa ng kanyang lolo. Isinuot nya ito sa kaliwang pala-singsingan ni Hayen.
Ganoon din naman si Hayen. Kinuha nito ang kaparehong singsing at isinuot din sa kaliwang pala-singsingan ni Adrian.
"Now, I declared you, HUSBAND and WIFE." malakas na sabi ng pari. "You may now kiss your Bride."
Agad nagharap ang dalawa.
Nakababa lang ang tingin ni Hayen kaya hinawakan ni Adrian ang baba niya at itinaas ang ulo nito tapat sa kanya.
Dahan dahan nya din itong hinalikan sa labi.
after ng sandaling iyon,lumakad na silang lahat palabas ng simbahan.
TAPOS NA ANG KASAL.
Dapat nga ba siyang matuwa?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'
(Hayen's POV)
Nag simula na ang celebration ng kasala namin. Pero umalis din ako agad dun.
"Anak, san ka pupunta?" tanong ni Mama sakin. Bago ko siya sinagot, nilingon lingon ko muna yung paligid kung nasan si Adrian. Kausap niya yung mga kamag-anak nila.
"Ahh, aakyat lang po. Mag-c-cr lang po ako mama. Medyo masama din pakiramdam ko." sagot ko, kahit ang totoo naman, di ako doon pupunta.
"Gusto mong samahan na kita?"
"Wag na po. Kaya ko naman eh. Kumain na lang kayo jan."
"sure ka, papasamahan kita kay Anne."
"No need Ma. Kaya ko." sagot ko sabay lakad palayo.
BINABASA MO ANG
Love at First Bite
Teen FictionLove? Meron ba talaga nun sa mundo? Eh What if makasama mo sa iisang bubong ang mahal mo?! CARRY mo ba?! This Story ay gawa ko pa ng mga bata-bata pa ko. Joke lang.. matagal na po itong nakasulat sa notebook ko. po-post ko lang.