(Author's)
"Ano bang mga kinain mo?"
"Ha?" sagot ni Hayen na tumingin sa mukha ni Adrian. Karga pa din siya ng binata. "Ramen lang naman kinain ko eh. Bakit?"
"Ang bigat mo."
"HALA!" hinampas nya si Adrian sa balikat. "Di ako mabigat! Sexy kaya ako >.<"
"Sige, hampasin mo pa ako para ilaglag kita jan." sagot ni Adrian. Tumigil naman si Hayen sa paghahampas. "Malalaman naman natin yan kung sexy ka eh."
"Ha? pano?"
"Mamaya. Wag kang excited."
Napaisip si Hayen tungkol sa sinasabi ng binata. "Adrian... ano ba yun? sige na T^T"
"Mamaya nga." sagot nito.
"E di mamaya -_- sungit."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''
"Oh baba na!" utos ni Adrian ng marating nila ang kwarto nila. Agad humiga si Adrian sa kama. "Grabe. Ang bigat mo!"
"Magaan lang ako!" nakasimangot na sagot ni Hayen.
Tinitigan ni Adrian si Hayen.
"B-bakit?" tanong nito na tinuro pa yung sarili. "Tinititigan mo ba ako?"
"Wala. mag-shower ka na nga." utos nito na tumalikod.
"Eh? i-ikaw muna."
"Tapos na ako. Dalian mo na." utos ulit nito.
"Problema ba nun? tss. pinapabilis pa akong mag-shower -____-" bulong ni Hayen sa sarili niya na nag-umpisa ng lumakad ng pa-ika-ika sa cr.
Binilisan na lang ni Hayen ang pagligo nya. Actually, naligo na din naman siya kanina sa bahay nila Gini eh, pero, nanlalagkit na din siya kaya sige... LIGO.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ang gusto ko, simula ngayon, pag-aalis ka, MAGPAPAALAM KA." sermon ni Adrian. Nakasanadal lang sa pader si Adrian habang tinititigan si Hayen na naka-upo sa kama at nagsusuklay.
"OPO." madiin na sagot ni Hayen.
"Dapat lahat din ng sasabihin ko susundin mo." utos ulit nito.
"Luh? e di pag sinabi mong kumain ako ng tae gagawin ko? >.<"
"Bakit napunta ang TAE sa usapang to?"
"Eh sumusobra ka na kasi eh! >_< Grabe ka naman! Parang lagi na lang yatang ikaw ang masusunod? >.<"
"Natural. AKO ANG LALAKE."
"ang daya! Madaya ka!!! DAYA DAYA DAYA!!!!!! >___< Maging patas ka naman!"
"Patas naman ako ah?" sagot ni Adrian na naka-crossarms.
"ang galing." sarcastic na sagot ni Hayen na pairap-irap pa. "Hindi pa nga tayo nagha-honeymoon eh." bulong nito.
"Honeymoon?" ulit ni Adrian. "Kailangan pa ba nun?" tanong ni Adrian.
"Alangan >.<" masungit na sagot ni Hayen.
"tss. Kaartehan lang yan." sagot ni Adrian na umupo sa dulo ng kama. Sumandal siya sa mismong uluhan o board ng kama.
"Anong kaartehan? Lahat ng mag-asawa may ganun!" naiinis na sabi ni Hayen. "Tss. Look! Di mo nga suot yung singsing natin eh." Tinuro niya yung kamay ni Adrian.
Napasulyap si Adrian sa kamay niya. "Makati kaya." sagot nito na nakatingin kay Hayen ng diretso.
"MAKATI." sarcastic na ulit nito. "Ang arte mo." bulong nito. "oo nga, sino nga pala ako dito? haay. Napilitan ka nga lang pala." bulong niyang muli.
"Sige na Adrian, sa sofa muna ako matutulog." paalam ni Hayen.
Tatayo na sana si Hayen sa kama ng bigla siyang hilahin ni Adrian at pinahiga sa kama.
Nasa ibabaw si Adrian at sa ilalim naman niya si Hayen.
[A/n: HAHA! SPG ba? xD ]
"ANO PAPALAG KA?" nakatitig si Adrian kay Hayen at nakangiti ito ng nakakaloko.
"A-ano b-bang ginagawa m-mo?! U-malis k-ka nga!!!" nauutal at namumulang sabi nito.
"Ay sus, pakipot pa ang ASAWA ko." sagot naman ni Adrian na in-emphasize ang word na ASAWA.
"A-asawa?--ASAWA?" ulit ni Hayen na nakatingin ng diretso kay Adrian. "Hindi mo nga suot yung singsing eh. A-at saka... napilitan ka lang naman talaga eh! A-ang totoo... gusto mo lang akong gawing alalay mo!!" galit na sabi ni Hayen.
"Cute ka din pala pag nagagalit noh?" nakangiting sabi nito.
"Nangiinis ka ba talaga?"
"What if i say... YES?" sagot nito. "So, dahil mag-asawa na tayo, gagawin ko ang lahat ng gusto ko sayo." pilyong bulong nito.
"MANIAC KA!!! MANIAC!" sigaw nito. "ALIS JAN!!!!"
"Anong Maniac? tss. Sinusubukan mo talaga ako. *Evil Grin* Asawa kita noh. I will do what i want. Parte to ng pag-aasawa."
Sinuklay ni Adrian ang buhok ni Hayen gamit ang daliri niya at pinagulong ang kamay nito sa mukha ng dalaga, lalo na sa pisngi.
Dahilan upang mamula at manginig si Hayen.
"A-adrian..." bulong ni Hayen.
"Why?" soft voice naman ni Adrian.
Hinalikan ni Adrian ang noo ni Hayen.
"A-adrian... W-wag..."
"Why?" tanong nito.
"K-kasi... ano, di pa ako ready." namumulang sagot ni Hayen.
Pinigilan ni Adrian ang tawa sa pamamagitan ng pag ngiti at pag kagat sa labi niya. "Anong, ready ready?"
"K-kasi... ano, ayaw ko." sagot nito. "P-pwede bang wag dito? A-ano... k-kasi---
"shhhh... Where you want to?" soft na voice ni Adrian.
"sa m-malayo... ano... sa ibang lugar...." nanginginig na sagot niya.
"Bakit sa malayo pa kung pwede naman dito?"
"A-ano bang tinutukoy mong pwede dito? -____-" tanong ni Hayen. "P-parte yun ng honeymoon noh. Dapat dinadala ang bride sa malalayong place."
"SUS." biglang lumayo si Adrian. "Kawalang gana." bulong nito.
"Pwede ba yun?" tanong ulit ni Hayen. "Please na Adrian. Minsan lang to sa buhay ko."
Hindi umimik si Adrian at humiga na lang sa kama na nakatalikod sa kanya.
"S-sige. Wag na lang. Tulog ka na. Goodnight." bulong ni Hayen. Humiga na din si Hayen na nakatalikod kay Adrian.
Iniisip na lang niya na, siguro, di pa ito yung oras para mag-demand siya.
Naaasar man siya kailangan niyang pagpasensyahan. Napilitan lang naman siya eh.
Ipipikit na sana niya ang mata nya ng naramdaman nyang may yumakap sa kanya at nakasanday ang binti sa hita niya.
"Tulog ka na. Bukas aalis tayo." bulong nito na pumikit na din.
Nanlaki ang mga mata ni Hayen at napa-ngiti ng malaki. Gusto nyang sumigaw ng "YESSSSSSSSS!" pero nahihiya siya kaya pumikit na lang siya sa sobrang tuwa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Love at First Bite
Ficção AdolescenteLove? Meron ba talaga nun sa mundo? Eh What if makasama mo sa iisang bubong ang mahal mo?! CARRY mo ba?! This Story ay gawa ko pa ng mga bata-bata pa ko. Joke lang.. matagal na po itong nakasulat sa notebook ko. po-post ko lang.