Chapter 1

375 5 2
                                    

Helga's POV

"Helga, gising na!" gising sakin ni yaya. "Bumangon ka na, Helga.Gusto mo bang maLate sa first day mo bilang isang college student?"

Binuksan ni yaya ang kurtina, at ayun ang naging dahilan ng pag bangon ko. Tumapat sakin ang sinag ng araw. "Yaya naman eh. Ang sarap sarap ng tulog ko eh." sabi ko at tumayo nako.

"Maligo ka na. Pagkatapos bumaba ka na para makapag breakfast ka." sabi ni yaya habang inaayos ang kama ko.

Bunso ako sa apat na magkakapatid. May dalawa akong ahya (kuya), at isang achi (ate). Halo halo ang lahi namin, may chinese, spanish, american, and last but not the least, filipino. Ang parents ko laging busy, kaya si yaya na ang tumayong mommy ko. Yaya na siya dati ni mommy, kaya simula ng ipinanganak si Ahya Sander hanggang sakin, naalagaan niya, pero ngayon ako nalang ang inaalagaan niya. Whaaat? 17 years old, inaalagaan pa? Spoiled kasi me. HAHAHA pero hindi ako brat. Mabait ako, matigas lang talaga ang ulo minsan.

Wait! Pakilala ko muna sainyo ang tatlo kong kapatid na mahal na mahal ako.

First, si Ahya Xander, 27 years old, may Girlfriend? yes, si Lindsay ang girlfriend niya since high school sila, actually fiance na pala niya. Engineer si Ahya Xander, and Dentist naman ang fiance niya.

Second, si Ahya Liam, 25 years old, may girlfriend din, si Madison, girlfriend niya since college. Architect naman si Ahya Liam, Model si Madison but may sarili siyang shop, nagbebake kasi siya.

Third, si Achi Claudia, 22 years old, matagal na rin sila ng boyfriend niyang si Logan, 5 years na sila. Nagmamasteral naman si Achi Claudia para maging pediatrician, si Logan, ganun din. Pareho kasi silang mahilig sa bata.

And then ako, kilala niyo na ako eh. By the way, Marketing Management ang kinukuha ko. Gusto ko sa real estate. Gusto kong magbenta ng mga lupa at condominium. Alam ko mahirap, pero yun talaga ang gusto ko, ang laki kaya ng kikitain ko pag nakabenta ako.

Ang mom ko, si Cynthia, 46 years old. Ang dad ko naman, si Marco, 47 years old. Pareho silang business tycoon.

Naligo na ko at nagbihis. Nakasuot ako ng plain white v-neck shirt at skinny jeans, and ang sapatos na sinuot ko ay Dr.Martens. Iniwan kong nakalugay ang mahabang buhok ko. Pag katapos kong mag ayos, bumaba na ko sa kitchen para kumain, dun nalang ako sa counter table kakain. Tutal ako lang naman, masyadong malaki yung table sa dining room para sakin. Madalas walang tao dito sa mansion, except kay yaya. Tsaka yung limang kasambahay, yung tatlong boy, at tatlong driver.

"Yaya?" sabi ko habang nginunguya ang kinakain ko. Nakatalikod siya at nagluluto.

"Oh?" sabi ni yaya.

"Sila mommy?" sabi ko.

"Nasa Zamboanga sila, May aasikasuhin daw sila ng daddy mo." sabi ni yaya.

"Ah. Eh sila ahya? si achi?" sabi ko. Namimiss ko na kasi sila eh.

"Nasa kani kanilang trabaho ang mga kuya mo. Ang ate mo naman, pumasok na." sabi ni yaya. "Bilisan mo ng kumilos, Helga."

"Yaya naman, pinapagalitan pa ko. Tayo tayo na nga lang nila ate ang magkakasama dito eh." sabi ko at nag pout.

Lumapit sakin si yaya at niyakap ako. "Eh kasi naman ikaw bata ka, kahit kailan ang bagal bagal mong kumilos." sabi ni yaya. "Sige na, tumayo ka na dyan. Naghihintay na yung driver sa labas."

Tumayo na ko at kinuha ang gamit ko. Lumabas ako at sumakay na ng sasakyan. Hinatid ako ni manong sa DU (Danford University). Puro Elite nag aaral sa university na yan. Bumaba ako ng sasakyan.

"Thank you, manong." sabi ko at umalis na ang sasakyan.

Maaga pa naman kaya naglakad lakad muna ako sa loob ng university. Biglang nag ring ang cellphone ko. Si Stacy, ang bestfriend ko since high school. Same university kami, kaso tourism ang kinukuha niya.

"Hello?" sabi ko.

"Helga! Where are you na?" sabi niya.

"Nandito na ko. Nasan ka ba?" sabi ko.

"Nasa cafeteria ako." sabi niya.

"Ano ba naman yan Stacy? Ang aga aga at first day na first day dyan ka pumupunta." sabi ko.

"Nasan ka ba? Pupuntahan kita." sabi niya.

"Nasa garden yata ako." sabi ko.

"Tignan mo tong babaeng to. Hindi pa sigurado kung nasaan siya." sabi niya.

"Wag ka na ngang madaming sinasabi, puntahan mo nalang ako. May fountain dito." sabi ko.

"Yes madam. Bye." sabi niya at binaba na ang phone.

After 5 minutes, dumating na rin si Stacy.

"Ang tagal mo naman." sabi ko.

"Malaki po masyado ang university ma'am. Ang layo nito sa cafeteria." sabi niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dun?" sabi ko.

"I'm checking out their food. And okay siya ha." sabi niya. "Ay di lang basta okay, super okay. Ang dami ding mga pogi na papa dun." dagdag pa niya.

Umiling iling ako, Ngumiti nalang ako at naglakad na. Ang daldal kasi ng babaeng to. Ang daming sinasabi. Simula nang magbreak sila ng boyfriend niya, ganyan na siya.

"Oy Helga! Saan ka pupunta?" sabi ni Stacy.

"Hahanapin ang room ko. Saan pa ba?" sabi ko. Tatlong subject lang kasi ako ngayon. 10:30 dismiss na ko kaya free na ko.

"Ang boring naman ng babaeng to. Ayaw mo ba mag hunt ng bagong boyfriend?" sabi ni Stacy.

"Stacy naman! Nandito tayo para mag aral, hindi para maghanap ng boyfriend. Kung gusto mo ikaw nalang mag isa ang maghanap, basta ako papasok na ko sa first class ko. Okay? Bye dear. I love you so much." sabi ko, at nag beso ako sakanya.

Palayo na ko kay Stacy nang narinig kong sumigaw ang loka loka kong bestfriend. "Helga! Simula nung mag break kayo ni Denzel, ganyan ka na. Lahat nalang ng lalaki kinasusuklaman mo! I hate you!" Lumingon ako sakanya, nagbelat siya sakin at naglakad na siya papunta sa cafeteria.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon