Chapter 43

155 4 0
                                    

Denzel's POV

Fast Forward, After 4 years.

It's been 4 years since nung nasira ang lahat ng meron kami ni Helga. Wala na din akong balita tungkol sakanya. Lahat ng barkada niya hindi ko na din nakikita. Sila Michael naman, nagalit din sakin dahil sa nangyari pero nagkaayos agad kasi syempre barkada ko yan eh. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin si Helga. Hinanap ko siya, Ilang bansa ang pinuntahan ko para hanapin siya pero wala. Kahit anino niya, wala akong nakita. Sobrang pinutol niya ang lahat ng connection na meron kami. Wala na din siya sa mga social networking sites. Kamusta na kaya siya? Gustong gusto ko na siya makita, pero hindi pa ko ready. Paano kung pag nagkita kami, may sariling pamilya na siya? Masaya na siya sa piling ng iba? Hindi ko ata kakayanin na makita yun, baka ikamatay ko na makita na yung babaeng kasama kong bumuo ng pangarap may iba ng kasamang bumuo ng pangarap niya.

Nandito ako ngayon sa Hillside Resort sa Batangas kasama ang barkada ko. Masyado nakong subsob sa trabaho at nagpayaman. Kailangan ko naman mag relax, kaya niyaya ako ng barkada. Kasalukuyang nasa lobby ako ngayon, hinihintay ko kasi si Ethan dumating. Kahit kailan talaga ang bagal ng lalaking yun, laging nalelate sa mga lakad namin. Biglang nag ring ang phone ko.

Ethan Calling:

"Bro, nasan ka na ba?" tanong ko.

"10-15 minutes pa siguro." sabi niya.

"Faster bro. Kanina ka pa namin hinihintay." sabi ko.

"Okay bro. Ako na lang ba ang wala?" tanong ni Ethan.

Hindi ako nakasagot, kasi may nakita ako. Nakita ko ang babaeng hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin na may kasamang matangkad, at gwapong lalaki. May buhat na batang lalaki yung kasama niyang lakaki (Mga 4-5 years old yung bata). Nagtatawanan silang tatlo, ang saya saya nila. Nanghihina ako sa nakikita ko, hindi ko magalaw yung katawan ko.

"Bro? Nandyan ka pa ba? Hoy!" sabi ni Ethan.

"Huh? uh.. oo." nauutal kong sabi.

"Okay ka lang?" tanong ni Ethan.

"Oo, ok lang ako." pagsisinungaling ko.

"Okay. Malapit na ko." sabi niya.

"Sige." sabi ko.

Binaba na ni Ethan yung phone. Nilagay ko yung phone ko sa loob ng pocket ko. Sinundan ko sila Helga. Pumasok sila sa pool area, si Helga binibihisan yung batang lalaki. Yung lalaki naman pinapatawa yung bata. Eto na ba yung kinatatakutan kong mangyari? Bakit sa lahat ng pwedeng lugar, dito pa? Paano ako mag eenjoy nito, ngayong alam kong nandito si Helga kasama ang pamilya niya?

"Uncle Van!" narinig kong sabi nung bata habang tumatakbo papunta sa lalaki. Ah, so Van ang pangalan nung lalaki. Wait! Uncle? so hindi nila anak yung bata.

"Josh, don't run. Your mom will get mad at me pag nadapa ka." sabi ni Helga. Sht! Yung boses niya -.- sobrang namiss ko. "Van, look at Josh oh. Sobrang kulit." dagdag ni Helga.

Lumapit si Van kay Helga at kiniss sa lips ng smack lang. "Babe, ako bahala kay Josh. Okay?" sabi ni Van kay Helga. Watdafak? Itutuloy ko pa ba tong pinapanuod ko? Di ko na kaya! "Josh, come here." sabi ni Van kay Josh at nag swimming na silang dalawa. Si Helga naman lumabas ng pool area, sinundan ko siya.

"Helga.." tawag ko sakanya. Lumigon siya, gulat na gulat. "Hi?" sabi ko.

"Denzel? Anong ginagawa mo dito?" sabi niya. Halatang pinilit niya lang kumalma.

"Uh.. nag bakasyon lang kasama sila Michael. E-eh Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi.

"Bakasyon din. And Inaasikaso tong resort." sabi niya.

"Inaasikaso? So this property is yours?" tanong ko.

Tumango siya at pilit na ngumiti. Hindi yan yung ngiti na nakita ko kanina nung kasama niya si Van, baka masaya na nga talaga siya kasama yung mokong na yun. Masaya na siya.

"Oh that's great! Natupad na yung dream mo." sabi ko. pero sa isip ko (pero mas okay kung kasama mo kong tumupad ng mga pangarap mo.)

"Yeah. Uh sige una na ko ah." sabi niya.

"Okay. It was nice seeing you again." sabi ko.

Ngumiti siya ng pilit at tumalikod na. Helga! I miss you so much. And hanggang ngayon, Ikaw pa rin. Ikaw lang, at wala nang iba. I want you back, Helga. I want you back.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon