Chapter 33

183 4 0
                                    

Helga's POV

Pagkagaling namin ng bakasyon sa Baguio, balik kami sa reality. May pasok na naman kami, kailangan na naman mag seryoso. Halos wala na din akong time para kay Denzel, kaya ayun madalas na din kami mag tampuhan. Lalo na si Denzel, sobra sobra mag tampo. Hinahayaan ko nalang nga eh, kasi kapag sinabayan ko baka magkaron pa ng World War III. Pag gusto ko naman bumawi sakanya, sasabihin niya may lakad sila ng barkada niya. Hay nako! Bahala nga siya sa buhay niya. Mag aaral nalang ako.

Nasa library ako nang lumapit sakin si Stacy. Una napangiti ako kasi akala ko si Denzel, kaya lang nung nakita ko na si Stacy, nag transform ang mukha ko.

"Hey babe!"sabi ni Stacy.

"Hi.." sabi ko.

"Akala mo si Denzel no? Wala eh, nasa field kasama sila Michael." sabi niya.

"Of course not! Tsaka ano naman paki ko dun?" sabi ko.

"Asuuus. Di ka pa rin ba kinakausap?" sabi niya.

Umiling lang ako. Namimiss ko na nga yun eh, it's been 3 days since di kami nag uusap.

FLASHBACK

Pinuntahan ako ni Denzel sa mansion para yayain umalis.

"Babs labas tayo." sabi niya.

"Ayoko. Mag aral nalang tayo, may exam na tayo bukas." sabi ko.

"Kayang kaya naten yan babs! Lalo ka na. Kaya tara na." sabi niya at hinila yung kamay ko.

"Ikaw nalang, isama mo sila Michael." sabi ko.

"Sige na babs please?" sabi niya at nag pacute pa.

"Next time nalang." sabi ko at bumalik sa pag rereview.

"Babs?" sabi niya.

"Ano na naman?" sabi ko.

"I miss you." sabi niya.

Nag stop ako sa pagbabasa at lumingon sakanya. "Kaya nga next time diba?" sabi ko.

"Damn it! Bahala ka nga! Kung ayaw mo, edi wag." sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako, ang bipolar naman nito. Tsk, lumabas ako para sundan siya. Pero pagbaba ko nakaalis na siya. Away na naman. 2 weeks na din kaming ganito eh. Sinasabayan niya kasi ako eh, mas importante naman sakin future ko no.

END OF FLASHBACK

"Bat di mo kaya kausapin?" sabi ni Stacy.

"Ayoko. Bahala na." sabi ko.

"Hay nako! Masyado kasing mapride." sabi niya.

Lumabas kami ni Stacy ng library. Nagulat ako nang lapitan ako ni Tyler habang naglalakad kami ni Stacy papunta sa cafeteria.

"Helga.." sabi ni Tyler.

"Oh Tyler, bakit?" sabi ko.

"Excuse me lang ah? Iwan ko na muna kayo. Sumunod ka nalang sa caf, Helga." sabi ni Stacy at iniwan na kami.

"So? Uhm? May sasabihin ka ba?" sabi ko.

"Yes. Pwede ba tayong mag usap?"  sabi ni Tyler.

"Sure. Saan tayo mag uusap?" sabi ko.

"Lakad lakad nalang tayo." sabi niya.

"Okay. Sige." sabi ko.

So ayun naglakad lakad kami habang nag uusap.

"Helga, can we be close friends again? Like dati? Kasi nung ng Baguio tayo, di din tayo nag uusap. Sobrang iwasan." sabi niya.

"Oo naman. Ikaw lang naman ang umiiwas eh." sabi ko.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon