Chapter 47

125 3 0
                                    

Denzel's POV

After 1 week.

Bumalik na kami sa Manila. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging usapan namin ni Helga. Pag dating ko sa condo ko, agad na nag ring ang phone ko. si Mia, nako! Namiss na naman ako nitong kapatid ko.

"Hello?" sabi ko.

"Ahya! I miss you." sabi ni Mia. Sinasabi ko na nga ba eh.

"I miss you too. Musta na kayo ni Dexter?" sabi ko.

"Doing great! And good news ahya. I'm one month pregnant." sabi ni Mia. 23 palang to, naunahan pa ko. Kinasal sila ni Dexter last year.

"Wow. Ang bilis ah." sabi ko at tumawa ako.

"Eh ikaw ahya? Kailan ka ba mag momove on? Para naman magkaroon ka na ng pamilya." sabi ni Mia.

"Move on? Shobe, sagutin mo nga ako. Paano ako magmomove on, ngayong nagkita ulit kami?" sabi ko.

"Ewan ko... Wait! What? Nagkita na ulit kayo ni Achi Helga?" sabi ni Mia.

"Uhuh.." sabi ko.

"How? Where? What did she say?" sunod sunod na tanong ni Mia.

"How? Nakita ko lang siya. Where? Sa Hillside Resort sa Batangas. She owns the place. What did she say? We totally need to part ways and magkanya kanya na daw kami. She's engaged already." sabi ko. May lungkot sa boses ko.

"Ahya? Are you okay?" Tanong ni Mia.

"No, but I'm trying to." sabi ko.

"Eventually, makakamove on ka rin." sabi ni Mia.

"Kailan kaya yung 'eventually' na yun?" sabi ko at tumawa ako.

"Tomorrow? The day after tomorrow? Next week? Next month? Siguro naman ngayon, hindi ka na gaanong mahihirapan. May closure na kayo eh." sabi ni Mia. May point nga naman siya.

"I seriously hope so. Sige na, I have to go. Bye Shobs. Loveyou." sabi ko.

"Goodluck Ahya. Loveyoutoo." sabi ni Mia. At binaba niya na ang phone.

Si Mia nalang ang natitirang pamilya ko, Not literally. Pero kasi hanggang ngayon di pa rin kami okay ni Mom and Dad dahil nga sa nangyari 4 years ago. Nag uusap kami, pero hindi na tulad ng dati. Nag explain ako pero napakagago daw ng explanation ko. Hindi daw acceptable. Bukod kasi sa gusto nila si Helga para sakin, nawalan na rin sila ng contact sa parents ni Helga na bestfriend nila. Ang dami kong nasirang relationship, yun siguro talaga ang mahirap kapag family friend mo yung pamilya ng babaeng dapat papakasalan mo.

Helga's POV

Nasa Manila na kami ngayon nila Van. Si Josh hinatid na namin kila Achi Claudia. Ako naman, hinatid ako ni Van sa condo ko sa The Fort. Si Van umalis agad para asikasuhin ang family business nila.

Ako, eto tulala na naman. Nakatingin na naman sa kawalan. Bakit kasi hindi matanggal sa isip ko yung lalaking yun? I cant believe na kaya pala gumawa ng ganung bagay ni Kendall, Desperada! Pero aaminin ko, kung wala si Van ngayon, baka pwede pa. Pwede pa namin maayos or ayusin ang relasyon namin. Kaso mahal ko si Van, higit pa sa pagmamahal na nilaan ko para kay Denzel. Kaya hindi ko masasabing rebound lang siya, ibang saya at kilig ang naramdaman ko sa lalaking to. Hindi ko siya kayang iwan nalang dahil bumalik na si Denzel, hindi ko siya kayang mawala. Excited na nga ako maikasal sakanya eh, pero may takot pa rin. Kasi baka mangyari na naman ang kinatatakutan ko. Parang nagkaroon ako ng phobia sa mga ganun, ang hirap pala ng ganito. Pero tiwala ako kay Van, sobrang tiyaga niya. Hindi ko nga alam paano niya napalambot at napatibok ulit ang puso ko. Sinara ko na to eh, nilock ko pa nga. Tinapon ko pa yung susi pero nabuksan niya pa rin. Yun siguro talaga ang nagagawa mo pag mahal mo talaga yung tao. Lahat gagawin mo para sa taong yun. Magtetake risk ka talaga sa lahat ng bagay.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon