Chapter 53

100 2 0
                                    

Helga's POV

To be honest, kinilig ako. Pero nagulat din ako sa ginawa niya. May girlfriend siya, hindi niya dapat ginawa yun. Busy ako sa pag ayos ng mga ginamit ko pang gamot sa sugat ni Denzel, biglang may kumatok.

"Shobe?" si Ahya Xander.

"Ahya, come in." sabi ko.

Bumukas yung pinto at iniluwa nito si Ahya Xander. Lumapit siya sakin.

"Shobe, I'm sorry." sabi niya.

"Ano ka ba ahya? Okay na. Kalimutan mo na yun."

"Nandyan ba siya?" tanong niya.

Tumango ako, "Nasa loob." sabi ko.

"Pwede ko ba siyang makausap?" tanong sakin ni Ahya.

"Oo naman. Ahya ah? Stop na!" sabi ko.

"Ay bago ko siya kausapin. Ikaw nga muna. Halika nga dito!" Sabi ni Ahya. Hinila niya ko palayo para siguro di marinig ni Denzel ang pag uusapan namin. "Yung totoo nga Shobe, Mahal mo pa ba?" tanong ni Ahya.

Tumango ako. "Sobra! Kahit kailan di naman nagbago yung nararamdaman ko para sakanya eh." sabi ko.

"Paano na si Van?" Natatawa ako sa expression ng mukha ni Ahya. HAHAHA siya pa yung namomoblema eh.

"Ahya, wala na kami, Friends nalang kami. In fact, siya pa nga ang nag let go sakin. Kahit ako nga nagulat, wala naman kasi akong nabanggit sakanya tungkol sa pagbabalik ni Denzel. Kaso wala eh, Fate and Destiny siguro talaga ang may gawa ng mga to. Gumawa ng paraan para malaman ni Van yung totoo." sabi ko.

Nakatingin lang sakin si Ahya, parang di makapaniwala sa mga sinabi ko. Sa sobrang di ko na kayang pigilan yung tawa ko, ayun nilabas ko na. "HAHAHAHA Ahya! Ano ba? Yung mukha mo, nakakatwa!" sabi ko.

Ngumisi lang si Ahya. "Grabe shobs! Ang labo ng lovelife mo. Alam na ba ni Denzel yan?" sabi ni Ahya.

"Sa pagkakaalam ko, nope. Di pa niya alam." sabi ko.

"Mahal ka pa ba niya?" tanong ni Ahya.

"That I do not know." nag shrug ako.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Ahya patungo sa kwarto kung nasaan si Denzel. Pinigilan ko siya bago pa kami makapasok sa loob. "Hep hep hep! Teka lang naman Ahya, anong gagawin naten dyan?" tanong ko sakanya.

"Ano? Gusto mo ba malaman kung mahal ka pa niya o hindi?" tanong ni Ahya.

"Sssshhh. Ang lakas ng boses mo! Ayoko ahya, wag muna ngayon please?" pakiusap ko sakanya.

"Eh kailan pa?" Hay ang kulit ng kuya ko!

"Di ko alam pero wag muna ngayon. Di pa ko handa sa isasagot niya." sabi ko.

Binitiwan ni Ahya yung kamay ko. "Okay sige, kami nalang muna ang mag uusap." sabi ni Ahya at iniwan na ko.

Nako tong kuya ko! Baka kung ano na naman sabihin kay Denzel. Eh kung mag eavesdrop kaya ako? Eh noooo! Di ako ganun eh, di ko kaya gawin yun.

Denzel's POV

Papikit na sana ako, kaso biglang may kumatok. Nakabukas naman na yung pinto kaya pag dilat ko nakita ko agad kung sino yung kumatok. It was Xander, di pa rin ba siya tapos gumanti? Gusto pa niya ng isa pa? SIge okay lang, para kay Helga titiisin ko.

"Can we talk?" tanong ni Xander.

Tumango ako. "Four years ago.. Bat mo ginawa yun?" tanong niya.

"Accident lang yun, di ko ginusto yun. Di ko ginusto lahat ng nangyari." sabi ko

"Eh ano ngang nangyari? Bat ganun?" tanong niya.

Inexplain ko lahat sakanya. Hindi siya makapagsalita sa mga sinabi ko. "Nasaan na si Kendall ngayon?" tanong niya.

"Wala na! Bumalik na siya sa pinanggalingan niya." sabi ko.

"So wala ng mangugulo?" paninigurado niya.

Umiling ako. "Wala na." sabi ko.

"Denzel, mahal mo pa ba si Helga?" si Xander.

"Kahit kailan di nagbago yun. Mahal na mahal ko si Helga. Mas mahal ko pa siya kaysa sa buhay ko." sabi ko.

Ngumiti si Xander. "Eh ano pang hinihintay mo? Bat wala kang ginagawa?" tanong niya.

"I'll take it slow. Gusto ko kasi nakikita siyang kinikilig eh. Sobrang cute!" sabi ko.

"Siraulo ka! HAHAHA" sabi ni Xander.

Nagtawanan at kwentuhan kami nang biglang pumasok si Helga. "Dito lang kayo?" sabi niya.

"Oo. Bakit? Lalabas ka na?" tanong ni Xander.

"Oo, kailangan ko na icheck yung construction sa labas eh." sabi ni Helga.

"Iiwan mo dito si Denzel? Hindi pwede! Lalabas nako eh, hinahanap nako ni Lindsay." sabi ni Xander. Tumayo si Xander, nagsalita siya bago siya lumabas "Enjoy each other's company." sabi niya at kumindat pa. Lumabas na si Xander. Nakakatawa yung mukha ni Helga, nagtataka na naiinis na ewan.

"Okay naman na ata yang sugat mo. Tara na! Lumabas na tayo." sabi ni Helga.

Nakatingin lang ako sakanya. "Denzel! Ano? Tutunganga ka nalang dyan?" Ang sungit! 

"Eto na, tatayo na." sabi ko.

Nauna na siyang lumabas, sumunod ako. Nandito lang ako sa likod niya habang naglalakad kami papunta sa construction site. Nakatingin lang ako sakanya, sa bawat galaw at kinikilos niya. Mahal na mahal ko talaga tong babaeng to.

Tumabi ako sakanya habang naglalakad, hinawakan ko yung kamay niya. Tumingin siya sakin. "Wag ka ng umangal please?" sabi ko. Sinunod naman niya ko, hindi na siya umangal. So naglalakad kami ngayon na magkahawak ang kamay namin. Ang sarap sa feeling!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon