Chapter 23

227 4 0
                                    

Helga's POV

Nasaktan ako sa nakita ko kanina kaya napasobra ako ng inom at mukhang lasing na ko. Ngayon, nakikipag sayawan ako sa lalaking hindi ko kilala, gwapo din siya at gentleman, wala naman siyang ginagawa sakin na hindi ko magugustuhan. At sigurado din ako na hindi siya yung pervert na lumapit sakin kanina.

"Miss, are you okay? Hindi ka pa ba pagod?" sabi nung lalaki.

"Hindi pa. Sayaw pa tayo." sabi ko.

"Pero miss, lasing ka na." sabi niya.

"I dont care, mister. Sabayan mo nalang ako." sabi ko.

Hindi na siya nag salita ulit at sinabayan nalang niya ako. Maya maya hinila niya na ako pabalik sa kung saan kami nakaupo kanina.

"That's enough!" sabi nung lalaki.

Bigla ko naman narinig ang boses ni Stacy. "Ohmygaad! Anong ginawa mo sakanya?"

"Lasing na ang kaibigan mo. Ayaw pa umalis ng dance floor." sabi nung lalaki.

"Ganun ba? Uh sorry." sabi ni Stacy.

"Thanks bro. Sige, kami na bahala sakanya." sabi ni Jake.

"Okay." sabi nung lalaki at umalis na.

Narinig ko ang boses ni Denzel. "Stacy, ano nangyari kay Helga?"

"Napasobra ata ng inom ang loka." sabi ni Stacy.

"Paano kayo uuwi?" sabi ni Denzel.

"Magpapasundo ata si Helga kay manong." sabi ni Stacy.

"Pwede bang ako nalang ang mag hatid sakanya?" sabi ni Denzel.

"No.." sabi ni Stacy.

"Sige, okay lang." sabi ni Jake.

"Babe." sabi ni Stacy kay Jake.

"It's okay babe. Para maka diretso na rin tayo sa pad ko." sabi ni Jake.

"Pero paano ang bestfriend ko?" sabi ni Stacy.

"Si Denzel na ang bahala sakanya." sabi ni Jake. "Kaya mo na yan Denzel ha. Una na kami."

Yun lang ang narinig ko, mukhang nag solo na yung dalawa. Binuhat ako ni Denzel (yung parang sa newly wed couple, alam niyo naman na siguro yung itsura nun) papunta sa parking lot. Sinakay niya ko sa passenger seat at sinuotan ng seatbelt. Sumakay na rin siya at nagsuot rin ng seatbelt. Pero hindi pa niya inistart ang kotse niya. Narinig kong may kausap siya sa phone kaya medyo nagising ang diwa ko.

"Shobe, papasundo nalang kita kay manong ha." sabi ni Denzel.

PAUSE

"Ihahatid ko lang si Helga."

PAUSE

"Okay okay. Happy birthday ulit. love you."

PAUSE

"Bye."

Binaba niya na ang phone at tumingin sakin.

"Bat ang dami mong ininom?" sabi niya sakin.

"HAHAHAHA feel ko lang." sabi ko in lasing way.

"Anong feel mo lang? Eh paano kung may nangyaring masama sayo dun?" sabi niya.

Hindi ko siya sinagot, tumawa lang ako ng tumawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin at nagkakaganito ako.

Denzel's POV

"Helga, kinakausap kita." sabi ko.

Damn! Ang sexy niya tumawa. Alam kong hindi niya intention, but she's teasing me. I want to kiss her.

"Helga.." sabi ko at hinawakan ko ang mukha niya.

"Hmmm?" sabi niya.

Sht! Naseseduce ako. Hindi ko na napigilan kaya hinalikan ko siya. Nagrerespond naman siya pero bigla kong naalala na lasing siya. I dont want to take advantage of her. Nang magbitaw ang labi namin, nakita ko sa mukha niyang nabigla din siya.

"I'll take you home." sabi ko.

Hindi siya sumagot. Tahimik lang sa kotse hanggang sa marating namin ang mansion nila. Automatic yung gate nila, may pinipindot para bumukas. pero sila sila lang meron nun.  Pinasok ko ang kotse sa loob ng gate, bumaba ako para pag buksan siya ng pinto.

"Helga, Good night." sabi ko.

"Good night." sabi niya at naglakad na.

Sasakay na ko ng kotse nang bigla niya akong tawagin.

"Denzel?" sabi niya. Tumingin ako sakanya. "Thank you." sabi ni Helga.

Nag smile lang ako at sumakay na ng kotse. Pumasok na rin siya sa loob ng mansion. Siguro kung madamin din ang nainom ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina. I respect her kaya hindi ko kayang gawin yung gustong gawin ng katawan at labi ko sakanya kanina.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon