Chapter 51

115 2 0
                                    

Helga's POV

3 weeks na kaming madalas na magkasama ni Denzel, ang saya saya ko pag magkasama kami. And 1 week nalang ikakasal na ko kay Van. Paano na yan? Nahihirapan nako. Di ko na alam ang gagawin ko.

Van Hedges Calling:

"Hello?" sabi ko.

"Babe, mag bihis ka." sabi ni Van.

"Why?" sabi ko.

"Basta, mag bihis ka. I'll pick you up in 15 minutes." sabi ni Van at ibinaba na ang phone.

Sinunod ko nalang siya. Nag bihis ako at nag ayos konti. Maya maya may tumawag na sa phone ko, bumaba ako at sumakay na sa sasakyan ni Van. Nandito kami ngayon sa Antipolo, dun sa pinakatuktok ng antipolo. Ang ganda talaga dito. Ang daming ilaw, makikita mo buong Manila.

"Van, anong ginagawa naten dito?" tanong ko sakanya.

Nagtako ako nung may makita akong luha sa mga mata niya. "Van, umiiyak ka ba?"

"Helga, I'm really not good at hiding something from you. Aaminin ko, everytime na nakikipagkita ka sa engineer and architect na nag aayos ng resort mo lagi akong nakasunod sayo. Creepy? Yes, I know. Remember nung wedding nila Amanda? Sinundan ko din kayo ni Stacy nun, I've heard everything." sabi ni Van. Hindi ko siya pinatapos, nag salita ako.

"Van.." sabi ko.

"Sshh sshh sshh, Let me talk first. Nung narinig ko yun, I was really hurt. But do you know what hurts me the most? Yun ay yung nakikita kong nasasaktan ka dahil sa nakita mo that night and yung umiiyak ka dahil wala kang magawa at naguguluhan ka sa nararamdaman mo. But to make everything clear, yes si Denzel ang mahal mo. The way you looked at him, and yung mga ngiti at tawa mo pag kasama mo siya iba talaga eh. And I realized that I really have to set you free and masaya nako makita lang kitang masaya, Contented nako dun. Helga, there's still 1 week oh. Pwede ka pang mag back out." sabi ni Van.

Seriously, di ko alam anong sasabihin ko. Basta ang alam ko natutuwa ako dahil mahal na mahal ako ni Van, pero nalulungkot ako kasi alam kong nasasaktan siya. "Are you not going to say anything? Sige ka, baka magbago isip ko." sabi ni Van, he chuckled.

Niyakap ko siya. "Thank you so much for loving me." sabi ko.

"You'll always have a place in my heart, Helga. Kaya pag sinaktan ka ulit ni Denzel, sakin ka babalik ah." sabi niya. Biglang nagbago anyo ng mukha ko. "Oh Helga, why?" tanong ni Van.

"May girlfriend na siya eh." sabi ko.

"Hahaha girlfriend? fling lang niya yun. Ikaw ang mahal nun. Cheer up!" sabi ni Van.

Ngumiti ako "Cheer up? Diba sayo ko dapat sinasabi yan?" Biro ko.

"Oo nga eh." Sabi ni Van.

"Friends?" sabi ko at inabot ko ang kamay ko.

Inabot niya yung kamay ko. "Friends." sabi ni Van.

"You deserve someome better, Van. Yung mamahalin ka ng sobra sobra tulad ng pagmamahal mo sakanya." sabi ko.

"Nope. Ikaw lang mamahalin ko ng ganito. Tara na nga! Baka mag bago isip ko at di na kita pakawalan." sabi ni Van.

"Crazy!" sabi ko. Tumawa kami.

After nun kumain kami at hinatid niya na ako sa condo ko. This day was so unexpected. Di ko akalain mangyayari to. Sobrang wow!

Denzel's POV

Kakauwi ko lang galing sa office nang mag ring ang phone ko. Unknown number, sino kaya to?

"Hello?" sabi ko.

"Denzel?" sabi nung nasa kabilang linya.

"Yes. Who's this?" tanong ko.

"This is Van you're talking to." sabi niya.

"Van Hedges?" paninigurado ko.

"Yes." sabi niya.

"Uh okay. So why did you call me?" tanong ko.

"Can we talk?" tanong ni Van.

"Ano bang ginagawa naten ngayon? Di pa ba tayo nag uusap?" pang aasar ko.

"Jerk! Mag usap tayo ng personal." sabi ni Van.

"Ah. Be specific kasi. Where?" sabi ko.

"Let's drink. Space club?" sabi ni Van.

"Okay. Im on my way." sabi ko.

Binaba ni Van ang kabilang linya. Pag dating ko sa Space Club, nakita ko agad si Van. Umupo ako sa tabi niya, nag order siya ng dalawang vodka.

"So anong dapat pag usapan?" tanong ko kay Van.

"It's about Helga." sabi ni Van.

Napatingin agad ako sakanya. "What about her?" tanong ko.

"Do you still love her? Yung totoo please." sabi ni Van.

Nag aalangan ako sumagot. Pero sasabihin ko na yung totoo. "Yes. Why?"

"If ever i-let go ko siya at hinayaan kong mapunta ulit sayo, maipapangako mo ba na di mo na siya sasaktan at iiwan ulit?" sabi ni Van.

"I promise." sabi ko.

Tumango lang si Van. Ha? Ang weird naman. So yun lang ang sasabihin niya? "Yun lang ba sasabihin mo? Mauuna nako." sabi ko at tumayo na ko.

Bago ako mag lakad, nag salita si Van. "Pinakawalan ko na siya." sabi niya.

Napako ako sa kinatatayuan ko, lumunok ako bago ako humarap sakanya. "Denzel, mahal ka ni Helga. Oo, masakit para sakin na pakawalan siya at hayaan ulit na mapunta sa gago na tulad mo. Pero mas masakit sakin ang nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan. Nung wedding nila Michael and Amanda. Sinundan niya kayo nung babaeng kasama mo, si Nicole ba yun? Basta yung girl na kasama mo, nakita niya yung nangyari. Umiyak siya kay Stacy, hindi niya alam sinundan ko din siya kaya nalaman ko. Nag usap na kami kanina. Okay na, mag kaibigan nalang kami. Denzel, promise me hindi mo sasaktan at iiwan ulit si Helga. Dahil pag ginawa mo ulit yun, tandaan mo nandito lang ako, naghihintay." sabi ni Van.

"Where is she?" tanong ko.

"Why? Kakausapin mo na siya? Bukas na. Nagpapahinga na yun." sabi ni Van.

Nagulat si Van nang yakapin ko siya. "Thank you bro." sabi ko.

Tumakbo ako palabas ng space club at sumakay ng sasakyan, mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Di ko alam pero gusto ko ng makita si Helga ngayon. Kailangan ko na siya makita. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit. Oo Van, Nangangako ako na hinding hindi ko na sasaktan at iiwan si Helga.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon