Chapter 41

153 4 0
                                    

Helga's POV

After one month.

Bukas ikakasal na kami ni Denzel, dumaan ang one month na ganun lang kami. Paulit ulit na lagi akong "out of place" sakanilang dalawa ni Kendall at hindi ko nasasabi sakanya na nasasaktan na ko. Tiis nalang siguro kasi ikakasal na rin naman kami bukas. One week na kaming hindi nagkikita ni Denzel, ganun kasi diba? Hindi pwedeng magkita yung dalawang ikakasal. May stag party si Denzel mamaya, and Bachelorette party naman sakin. Natatakot ako, sana behave lang si Denzel dun.

"Huy, Helga! Nakatulala ka na naman dyan. Behave yun, dont worry! Nandun naman si Jake." sabi ni Stacy.

"Alam ko." sabi ko nalang.

Nag ready na kami para sa party namin ng mga girls mamaya sa Republiq, sa resorts world. For sure, inuman and sayawan lang naman magaganap dun. Kwentuhan and konting drama din.

Denzel's POV

Nasa Seventh high kami ngayon ng barkada, kasama din yung mga lalaking barkada ni Helga. Last night ko na to! Kaya sulitin na, pero syempre itatry ko pa rin mag behave. Ayoko lokohin baby ko. Ikakasal na kami bukas.

"Hoy Denzel! Huling gabi mo na to. Sulitin mo na!" sabi ni Michael.

Pinatay ni James yung mga ilaw, si Ethan naman nilagyan ako ng blindfold sa mata. Bigla namang may kumatok, binuksan ni Michael yung pinto at narinig kong may limang babae na nag salita, nag sigawan na yung mga loko.

May lumapit sakin, sinasayawan ako. Hindi ko siya nakikita pero familiar siya sakin. Yung amoy niya, yung skin niya, yung katawan niya. Parang si Kendall. Wait! Anong ginagawa niya dito? Tinanggal ko yung blindfold na nakatakip sa mata ko.

"Ken.." Hindi ko natapos yung sasabihin ko.

"Ssshhh." sabi ni Kendall. She's flirting with me. Nagulat ako nang itulak niya ko sa couch at halikan ako.

Tinigil ko yung pag halik. "Ken, anong ginagawa mo?" sabi ko.

"I love you, Denz. Kahit ngayon lang, please." sabi ni Kendall.

"No." sabi ko at lumayo ako sakanya.

Nag inuman kaming lahat kaya lasing na din kaming lahat. Nakahiga ako ngayon, ang labo ng paningin ko. Di din ako makatayo ng maayos. May tumulong sakin tumayo at inalalayan ako. Sumakay kami ng sasakyan. Di ko alam kung sino siya, pagbaba namin ng sasakyan, pumasok kami sa isang building. Kaninong condo to? Nilapag niya ko sa kama at isa isang hinubaran ng shirt, pants, boxers, and underwear.

Sinimulan niya kong halikan and hawakan. Di na ko makagalaw. Di ko siya makita. Sobrang lasing ako.

Helga's POV

Nasa simbahan na kaming lahat. si Denzel nalang ang hinihintay namin. Nasan na kaya yun? Pati yung mga ibang kasama niya kagabi wala pa, pero si Jake, Carson, and Tyler nandito na. Lahat kami natataranta na.

"Babe, nasan ba si Denzel?" sabi ni Stacy kay Jake.

"I dont know. Basta pag gising namin kaninang umaga, kami nalang yung nandun. Di na namin naabutan si Denzel. Akala nga namin, nauna na siyang umalis kasi sobrang hindi na makapag hintay na maikasal." sabi ni Jake.

Ako eto, palakad lakad. Naiiyak na din ako! Iiwan niya ko kung kailan ikakasal na kami? Bat ngayon pa? Nakakahiya to! Ako pa yung hindi sinipot, ako pa. Sht no! This cant be. Nagulat ako ng may humawak sa magkabilang balikat ko.

"Relax, Helga. Dadating yun! Baka na-traffic lang." sabi ni Carson. "Mahal na mahal ka nun, di niya gagawin sayo yun." dagdag pa niya.

Di ko na kaya! Kaya yumakap nako sakanya at nilabas ko na yung luha ko. "Ssshhh. Tahan na!" sabi ni Carson.

Maya maya dumating na din si Michael, Ethan, James, Zeke, and Lloyd. Si Denzel nalang talaga ang nawawala. Sht! Baby, nasan ka na? Tinatawagan na siya ni Tito Gary, Tita Victoria, and ni Mia. Pati na din ng barkada niya pero nakapatay yung phone niya. Hanggang sa hindi na nakapaghintay yung mga bisita, at isa isa na silang umalis.

Pamilya ko, pamilya ni Denzel, barkada namin, at ako nalang ang natitira dito. Kahit yung priest na magkakasal samin, wala na din. Di ko na alam gagawin ko! Nandito ako nakaupo sa hagdan malapit sa altar, maghihintay ako!

"Helga, we need to go. Madilim na oh." sabi ni Mommy.

Si Daddy at Tito, hindi maipinta yung mukha sa sobrang galit. Si Tita Victoria naman umiiyak. Yung mga kuya ko at ang ate ko, tahimik lang pero alam ko galit din sila. Si Mia, naiiyak din. Yung barkada namin, nakaupo lang, tahimik, naghihintay. Mukhang may galit din sila.

"No! Ma, maghihintay ako! Alam kong hindi niya kayang gawin sakin to, mahal ako ni Denzel." sabi ko. Iyak ako ng iyak, ang sakit na ng ulo at mata ko kaiiyak.

"Helga! Umuwi na tayo!" sigaw ni Daddy.

"No, Dad. Please no. Mahal ako ni Denzel. Mahal ako ni Denzel. Mahal ako ni Denzel. Di niya ko kayang iwan." sabi ko.

"Kung mahal ka niya, di ka sana umiiyak at naghihintay dyan ngayon. Tara na!" sabi ni Daddy.

Wala nakong nagawa kundi ang sumunod sakanila. Umuwi na kaming lahat. Pag uwi, nag bihis ako at nag kulong sa kwarto ko. Mababaliw na ata ako. Ayokong kumain, ayokong lumabas ng kwarto, wala akong kinakausap kahit sino sakanila. Di ko na kaya!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon