Chapter 37

169 4 0
                                    

Helga's POV

Papunta kami ngayon ni Denzel sa airport para sunduin si Kendall, ang childhood friend and first love niya. Ayoko nga sanang sumama para bigyan sila ng time dalawa, pero mapilit tong si Denzel kaya pumayag nako.

"Babe?" sabi ni Denzel.

"Hmmm?" sabi ko.

"Magkakasundo kayo ni Kendall kasi halos pareho kayo ng ugali. Madaldal din siya like you." sabi ni Denzel. Ang laki ng ngiti nito ah.

"Ganun? Siguro nga." sabi ko nalang.

"Excited na ko." sabi niya.

Ngumiti lang ako. After ng ilang minuto nasa NAIA terminal 3 na kami, pinarada na ni Denzel sa gilid ang sasakyan.

"You stay here. I'll just look for Kendall. Okay?" sabi niya at bumaba na ng sasakyan.

After 5 minutes, narinig kong may nag bukas ng compartment sa likod ng sasakyan. Narinig ko ang usapan nila.

"Ken, sa likod ka nalang umupo ah. I'm with my fiance kasi eh." sabi ni Denzel kay Kendall.

"Yeah, sure. Wait, Fiance? Ikaw ah, ikakasal ka na pala di ka man lang nagsasabi." sabi ni Kendall kay Denzel at pinalo pa sa braso ang lalaki.

"It was supposed to be a surprise." sabi ni Denzel.

"Che!" sabi ni Kendall. "Sobrang namiss kita." dagdag pa nung babae.

"Aww. Namiss din kita." sabi ni Denzel.

Tumingin ako sa rear view mirror at nakita kong mag kayakap ang dalawa. Napangiti ako sa nakita, ang sarap siguro sa feeling na makita mo ulit yung taong malapit sayo after ng matagal na panahon. Maya maya pumasok na ang dalawa.

"Babe, si Kendall. Ken, si Helga, Fiance ko." pagpapakilala ni Denzel saming dalawa ni Kendall.

"Hi." sabi ko kay Kendall at lumingon ako sa likod.

"Hi Helga." sabi ni Kendall. "Wow! Ang ganda naman pala ng mapapangasawa mo."

"Of course! Gwapo din ako eh." sabi ni Denzel. Tumawa kaming tatlo.

"Alam mo Helga? Yang si Denzel, bata pa lang kami ganyan na kakapal yang mukha niya. Feel na feel niyang ang daming nag kakagusto sakanya." sabi ni Kendall.

"Oo, isa ka nga sa mga yun eh." sabi ni Denzel.

Ginulo ni Kendall ang buhok ni Denzel. "Ang kapal talaga ng mukha mo!" sabi ni Kendall.

"Ken, not my hair please." sabi ni Denzel.

"Hahaha. And Helga? Ayaw din niyang nagugulo ang hair niya." sabi ni Kendall sakin. Oo, alam ko naman na yun. Di mo na kailangan sabihin sakin. Tumawa nalang ako kahit medyo nagseselos nako. Sila nag tatawanan, nagkkwentuhan habang ako tahimik lang na nakikinig sakanila halos kalahati ng biyahe. Nung nakatulog na si Kendall tsaka lang ako nag salita ulit.

"Eh Babe, saan siya mag sstay?" sabi ko kay Denzel.

"Dun muna siya sa condo ko. Dun sa isang bedroom." sabi ni Denzel.

Nagulat ako sa sagot ng fiance ko. Magsasama si Kendall at Denzel sa iisang condo? Di ko ata kakayanin to. Sobrang hindi, ayoko naman sabihin kay Denzel na labag sa kalooban ko yung idea na yun. Baka sabihin na masyado naman akong selosa, na pati childhood friend pagseselosan pa.

"Ah. Gaano ba siya katagal dito?" sabi ko.

"Siguro 1 year din." sabi niya.

"Ang tagal pala no? so ibig sabihin 1 year din kayong magkasama sa condo mo?" sabi ko.

"It depends. Siya naman mag dedecide if she wants to stay at my condo or kukuha siya ng sarili niyang unit. Kasi kung ako tatanungin, di na ko kukuha ng bago. Para di magastos." sabi ni Denzel.

"Ah sabagay." sabi ko nalang.

Hinatid ako ni Denzel sa office at mag cocoffee daw muna yung dalawa. Pumayag nalang ako kahit masakit, wala naman akong magagawa eh. Childhood friend yun. Kilalang kilala nung dalawang yun ang isa't isa.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon