Chapter 29

209 4 0
                                    

Helga's POV

As usual, lagi na kaming magkasama ni Denzel sa university, wala pa namang tampuhan or misunderstandings na nagaganap saming dalawa and that's a good start.

*Fast forward*

It's Saturday today. Ang sarap sarap ng tulog ko nang biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Come in." sabi ko.

"Baby, Denzel is here." sabi ni mommy.

"What? Wala siyang sinabi sakin na pupunta siya ngayon." sabi ko.

"Well, I guess he just wanted to surprise you. May dala siyang brazo de mercedes, your favorite." sabi ni mommy.

"Sige sige. Susunod nalang ako mom. Magtutoothbrush lang ako and mag hihilamos." sabi ko.

"Okay, dear." sabi ni mommy at sinara na ang pinto.

Denzel talaga, he's full of suprises. Wala siyang binanggit sakin na pupuntahan niya ko ngayon. Ano na naman kaya ang paandar ng mokong na yun? Pagkatapos kong mag toothbrush at mag hilamos, tinali ko ang buhok ko, yung magulong tali. Bumaba na ko at nakita kong nag tatawanan si mommy at Denzel.

"Oh ayan na pala ang baby naten eh. Oh sorry, My bad. Ang ibig kong sabihin ayan na pala ang baby MO." sabi ni mommy at tumawa silang dalawa. "Iwan ko na muna kayo ah. Puntahan ko na ang daddy mo sa company." kiniss ako ni mommy sa cheeks at umalis na siya.

Tumayo naman si Denzel para salubungin ako at kiniss ako sa cheeks. "Good Morning Babe." sabi ni Denzel.

"Good Morning." sabi ko, naglakad ako papunta sa kitchen, sinundan niya lang ako. "Gusto mo ng red velvet?"

"Ikaw nag bake?" sabi niya.

"No. Si mommy. Gusto mo?" sabi ko.

"Sure." sabi niya.

Araw araw kasi nagbebake si

mommy ng red velvet. Adik kaming lahat dun eh. Pang himagas namin yun. Inabutan ko siya ng red velvet at kinain niya agad yun.

"Hmmm." sabi ni Denzel.

"Tastes good?" sabi ko.

"Super." sabi niya.

Since nag papahinga pa ang mga kasambahay namin at si yaya ako na ang nagluto para sa almusal namin ni Denzel. Nagulat ako nang biglang ipinulupot niya sa bewang ko ang mga bisig niya at niyakap ako mula sa likod. Hinalikan niya ko sa leeg at inamoy amoy.

"Babe, ang bango mo." sabi niya habang inaamoy ang leeg ko.

"Denz, nakikiliti ako." sabi ko.

"So?" sabi niya at mas kiniliti pa niya ang leeg ko.

Humarap ako sakanya para tumigil na siya. "Denz naman eh." sabi ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. "Hmmm, eto lang solved na ko. Busog na ko." sabi ni Denzel.

"Ewan ko sayo, ang aga aga eh. Teka nga pala, bat di ka man lang nagsabi na pupunta ka dito?" sabi ko at bumalik sa pagluluto.

Siya naman sumandal sa counter pero katabi ko pa rin siya. "I came here because I miss you." sabi niya.

"Ano? Lagi nga tayo mag kasama eh. Nako, Denzel ah. Baka naman magsawa ka na sakin niyan." sabi ko.

"That will never happen. Edi sana di na kita mahal diba?" sabi niya. Kumuha ulit siya ng red velvet at kinain.

"Well, we can never tell." sabi ko. "Oh tapos na tong bacon and scramble egg." Hinanda ko na yung pagkakainan namin at hinain ko na yung mga niluto ko. Nag saing na rin ako, kasi rice ang gusto namin. Nilabas ko ung nestle na low fat milk.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon