Chapter 45

137 3 0
                                    

Denzel's POV

Lahat kami ngayon nasa kwarto na kung saan kami nag check-in sa resort. Tahimik lang kami. Bakit? dahil sa nakita namin kanina. Sila Michael, Ethan, James, at Carson nakatingin sakin at ang lalim ng iniisip nilang apat.

"Hoy! Ano ba? Wag niyo nga ako tignan ng ganyan." sabi ko.

"Bro, paano na yan?" sabi ni Michael.

"Anong paano na yan? Ano bang sinasabi mo?" sabi ko.

"Ano nang gagawin mo?" sabi ni Michael.

"Ano nang plano mo?" sabi ni Ethan.

"Wala ka bang sasabihin?" sabi ni James.

"Mahal mo pa ba talaga?" sabi ni Carson.

"Shut up! Please? Tama na! Kasi kahit ako di ko alam ang gagawin ko. Sobrang nasasaktan ako. Akala ko magiging masaya tong bakasyon na to. But it turned out to be the opposite of it. Damn it!" sabi ko at sumuntok sa wall.

"So mahal mo pa nga?" sabi ni Carson.

"Ano ba namang tanong yan, Cars? Kailangan pa bang itanong yan? Tignan mo nga makareact yang kaibigan naten. Parang bumabalik sa dating gawi." sabi ni Michael.

"Guys, tama na! Hayaan na muna naten mapag isa si Denzel para makapag isip siya ng maayos." singit ni James.

"Osige, If that will make him happy. Bro, billiards muna kami ah." sabi ni Ethan.

"Bro, una na kami." sabi ni Michael at Carson.

Nauna nang lumabas ang tatlo, nilapitan ako ni James. "Sana gawin mo kung ano ang tama. May boyfriend na si Helga. Sana alam mo kung hanggang saan ka lang. Friendly advice lang." sabi ni James at tinapik niya ang balikat ko. "Una na kami." dagdag pa niya.

Paglaho nilang apat sa paningin ko. Humiga ako sa kama at nakatingin lang ako sa ceiling. Sobrang nasasaktan ako. Bakit hindi niya ko kayang bigyan ng pagkakataon mag explain? Bat hindi niya ako ipag explain? Nahihirapan nako! Mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon si Helga. Siya pa rin ang gusto kong kasama habang buhay. Pero ano ng gagawin ko? Eh meron na siyang kasamang bumuo ng pangarap niya? Masaya na siya. Hindi naman ako ganun kasama at ka-immature para gumawa ng hindi maganda. And besides, mukhang mahal na mahal naman siya ni Van. Fuck! Pero pwede naman kaming mag usap diba? Ay ewan ko na. Pupunta nalang ako sa pool area at magpapahangin.

Pag dating ko sa pool area, nakita ko si Helga na nakatayo lang. Mukhang malalim din ang iniisip ng babaeng to. Lalapitan ko ba? Baka makaistorbo ako eh. Pero hindi, chance ko na to kaya lalapitan ko na siya.

Nag clear muna ako ng throat bago nag salita. "Hey.." sabi ko.

Tumingin siya sakin at ngumiti lang. Tapos nag look away ulit. "It's been four years no, since nung last tayong nagkita?" sabi ko.

Tumango lang siya at nakatingin pa din sa napakagandang view ng batanggas or tagaytay. "So kamusta ka naman?" tanong ko.

"Okay naman. Ikaw?" sabi niya

"Okay lang din. May family ka na?" tanong ko. Sht Denzel! Bat mo tinanong yan? Ang tanga mo talaga.

"Nope. Wala pa. Ikaw?" sabi niya.

~ Ako? Fuck it! Ikaw ang gusto kong kasama buong buhay ko, Helga. Ikaw lang. Wala ng iba. sabi ko sa isip ko.~ "Wala din. Sino nga palang kasama mo ngayon dito?" tanong ko, kahit alam kong nakita niya na kami na nakatingin sakanila ni Van kanina.

"Fiance and nephew ko." sabi niya.

Fck! Fiance? Ikakasal na sila? Put*ng*na! "Ah. Ikaw, di mo ba tatanungin kung sino ang kasama ko?" sabi ko nalang.

Ngumiti siya. Nice Denzel! One point, napangiti ko din siya. "Nakalimutan mo na agad? Sinabi mo na sakin kanina nung nagkita tayo." sabi niya.

Ay, nakakahiya! Napakamot ako sa batok ko. "Ayy, sorry. Di ko naalala eh." sabi ko.

Ngumiti na naman siya. "It's okay. So kamusta naman sila Michael?" sabi niya. Aba! Atleast siya na naunang nag tanong ngayon.

"Okay naman. Ganun pa rin pero mas nag mature syempre." sabi ko.

"Babaero pa rin?" tanong niya at natatawa siya sa tinanong niya.

"Hindi naman na gaano. Slight lang." sabi ko.

"Ah." sabi niya.

Ngumiti na lang ako. Wala nakong masabi. Hindi ko na alam gagawin ko. Pareho kami nakatulala sa kawalan. Namiss ko yung ganito lang kami dati. Masaya na kami agad, basta magkasama kami. I miss you so much, Helga.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon