Chapter 8

242 3 0
                                    

Denzel's POV

Ang sarap talaga asarin ng babaeng yun. Hahaha sobrang pikon, pero nagulat ako sa ginawa niya ha. Sinapak ako? Wala pang babaeng gumawa sakin nun, siya lang talaga. Grabe talaga yung babaeng yun.

Alam niyo ba bat mahal na mahal ko yun si Helga dati? Kasi sobrang hard to get ng babaeng yan. Hanggang hug at kiss sa CHEEKS lang ako dyan. Never ko nahawakan yan etc. Unlike nung ibang babae na ibinibigay talaga lahat. Oo, aaminin ko sobrang gago talaga ako nung kami pa (hanggang ngayon naman eh), as in madami akong naging Fvck buddy. Hindi ko naman masisisi si Helga, pero nung iniwan niya ko, sobrang nagalit ako, ang bitter ko sobra. Kumbaga mas naging gago ako kasi gusto ko gumanti sa mga babae.

Naiwan akong nakatayo dito sa parking lot, ang hirap ng kausapin ni Helga, ibang iba na talaga. Bigla namang may humawak sa balikat ko.

"Hey bro! Bat kausap mo yung babaeng yun? Nako, dumadamoves na ata to eh. Hahahaha" sabi ni Ethan.

"Tsk tsk, inuunahan mo ko ah?" sabi naman ni Michael.

"Fag! Hindi no." sabi ko.

"Eh bat kausap mo siya? Tsaka gusto mo makita itsura mo nung kausap mo siya? May picture ako." sabi ni James at tumatawa pa.

"Delete mo yan! Sasapakin kita." sabi ko.

"Ayoko nga!" sabi ni James.

"Mga bro, wag niyo nang subukan si Helga. Malabong pumatok sainyo yun, kasi sobrang hard to get at sobrang wise ng babaeng yun." sabi naman ni Carson, nagulat ako. Kilala niya si Helga? How?

"Kilala mo siya?" sabi ko. Halatang nabigla din siya sa sinabi niya at sa tinanong ko.

"Uh.. Oo. Ako ang kasama niya dito sa campus nung first day niya." sabi ni Carson. "Denzel? Pwede ka makausap saglit?" dagdag niya. Naglakad siya palayo sa barkada. Sinundan ko siya.

"Denzel, tell me the truth. May past ba kayo ni Helga?" sabi ni Carson.

Nagulat ako sa tanong niya. Huh? Paano niya alam? "Wala. Di ko nga kilala yun eh." sabi ko.

"Bro, may narinig ako." sabi niya.

"Ano?" sabi ko.

"Sumigaw kasi yung bestfriend niya, kasama yung pangalan mo sa sinigaw, about sa iniwan thingy? So ibig sabihin may past kayo?" sabi ni Carson.

"Baka ibang Denzel naman yun." sabi ko.

"Pinacheck ko yung record niyong dalawa. Same school kayo ng pinanggalingan, at ikaw lang daw ang may Denzel na pangalan sa school na yun. Magdedeny ka pa?" sabi ni Carson.

"Fine. Oo, Ex ko si Helga. Ano naman paki mo dun?" sabi ko.

"I like her. Ever since nakita ko siya nung first day. I dont know how and why, pero gusto ko siya. Masaya siya kausap. Magpapaalam lang sana ako sayo." sabi ni Carson.

Anak ng pating! Yun lang pala eh. Sus. Sayong sayo na. "Bat ka pa magpapaalam sakin? Ex na nga diba? Sayong sayo na yun!" sabi ko.

"You sure?" sabi ni Carson.

"Oo!" sabi ko "Tara na!" sabi ko ulit at umuwi na kaming magbabarkada.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon