Chapter 13

235 3 0
                                    

Helga's POV

Today is Sunday, and mamayang gabi na ang dinner namin with Ashen family. My goodness gracious! Lord, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob para harapin si Denzel kasama ang pamilya niya at ang pamilya ko.

Nasa mansion ngayon si Stacy at Jake. Im happy for Stacy kasi sila na pala ni Jake. Ang bilis no? Wala eh, ganyan ang bestfriend ko. Kasalukuyang nasa garden kami ngayon, nakaupo kami at nagmemerienda, si Jake naman ay nagsiswimming.

"So, paano na yan mamayang gabi girl?" sabi ni Stacy.

"Hay! Hindi ko rin alam, Stacy eh. Para ngang ayoko pumunta, kaso ayoko naman madisappoint sila daddy." sabi ko.

"Pero di mo ba naisip na baka mas madisappoint sila pag nalaman nila na ang anak ng mga kaibigan nila ay ang ex ng kaisa isang prinsesa nilang si Helga? Ang nagpaiyak at nagparanas ng sakit sa prinsesa nila? Diba girl?" sabi ni Stacy.

"Naisip ko rin yan. Ang kaso lang hindi ko nga masabi sakanila yun." sabi ko.

"At bakit naman?" sabi ni Stacy.

"Ewan ko." sabi ko.

Tulalang tulala ako sa kaiisip sa kung anong pwedeng mangyari mamayang gabi habang si Stacy naman ay titig na titig sa gwapo niyang boyfriend na si Jake. Hay nako! Pag inlove nga naman talaga.

Biglang may nagsalita mula sa likod namin ni Stacy.

"Hi baby! Oh Stacy, nandito ka pala. Long time no see." sabi ni mommy at nakipagbeso samin ni Stacy.

"Oo nga tita eh, busy kasi tayo." sabi ni Stacy.

"Hi po tita! Good Afternoon ho." sabi ni Jake na umahon sa pool at kinuha ang towel para ipunas sa basa nitong buhok. Ay ang hot nga ng boyfriend ng bestfriend ko! Hahaha.

"Oh. Who is he? Ang pogi ha." sabi naman ni mommy. Nako! Feeling bata na naman tong nanay ko.

"Ma, ano ka ba? You're not a teenage girl anymore, so stop acting like one." sabi ko na natatawa.

"Eto namang baby ko, masyadong sensitive. So sino siya?" sabi ni mommy.

"Ma, boyfriend siya ni Stacy, barkada kami. He's Jake." sabi ko.

"Ang pogi tita no?" sabi naman ni Stacy na nakakapit sa braso ni Jake at inaamoy amoy pa. "At ang bango pa tita." Ay ang arte talaga ng babaeng to!

Tumango naman si mommy at nakipag shake hands kay Jake. Yes, sobrang open ang mom ko sa mga ganyang bagay. Kahit kay Denzel dati, tinanggap niya agad yun ng buong buo. Hindi siya nangingialam pero once na nasaktan ako, ayun mahirap ng i-earn ang trust niya.

"Helga, prepare yourself. Mga 6 aalis na tayo." sabi ni Mommy.

"Okay, mom." sabi ko.

Pinahatid ko na sila Jake at Stacy kay manong. Syempre, I want to make sure na safe ang mga kaibigan ko. Ako naman umakyat nako sa kwarto ko, naligo, nag lagay ako ng light make up lang. Naka black dress ako na above the knee. Fitted siya kaya kitang kita ang korte ng katawan ko. Naka messy bun ang buhok ko. At nag black na high heels ako. Simple but elegant, perfect! And now, I'm ready!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon