Chapter 25

217 4 0
                                    

Helga's POV

Yaaay! It's shopping day today. Thank God at makakabili na naman ako ng new clothes, shoes, bags, accessories, and etc. Hmmm? Teka, tawagan ko na nga si Stacy, para makapag ready na yung babaeng yun.

"He-ll-o?" sabi niya. Mukhang yung tawag ko pa ata ang dahilan at nagising siya.

"Stacy, Bangon na! Shopping tayo!" sabi ko.

"Ha? Pagod ako dear!" sabi niya. Aha! Oo nga pala, nasa pad pala sila ni Jake last night. Wait! Whaaat? May nangyari sakanila? Oh No Stacy! Oh no!

"Nasaan ka ba?" sabi ko.

"Nasa pad ako ni Jake." sabi niya. I knew it!

"Nasa pad ka ni Jake? Bat di ka pa umuwi kagabi?" sabi ko.

"It's a long story, honey. I'll make kwento nalang bukas. Pagod talaga ako eh. Why not ask Tyler? baka yun samahan ka. Sige na, bye." sabi niya.

"Hep hep hep! Teka lang naman. May nangyari ba sainyo ni Jake?" sabi ko.

"Bukas na, Babe. Bye, I love you!" sabi niya at binaba na ang phone.

Ay kaloka tong bestfriend ko. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, medyo naging b*tch na siya. Pero di naman niya pinababayaan ang studies niya, yun lang mahilig na siya mag party every night and yun nga b*tch na siya. Lagot talaga sakin tong bruha na to bukas. Hay! Matawagan na nga si Tyler.

"Tyler?" sabi ko.

"Yes sweetheart?" sabi niya.

"Pwede mo ba ako samahan?" sabi ko.

"Sure. Saan ba?" sabi niya.

"Makati." sabi ko.

"Saan sa makati dear?" sabi niya.

"Greenbelt." sabi ko.

"Greenbelt?" sabi niya.

"Yeah, Greenbelt." sabi ko.

"Greenbelt ano nga?" sabi niya.

"Ay nako Tyler! Ang dami mong tanong! Bahala na kung anong Greenbelt, basta Greenbelt." sabi ko.

"HAHAHAHA cute mo! Okay okay, I'll be there in 30 minutes." sabi niya.

"Agad?" sabi ko.

"Uhuh. What time ba plan mo?" sabi niya.

"Uh, maaga pa naman eh. So mga 12 siguro?" sabi ko.

"Mas okay pag maaga. Wag ka na maraming arte. Basta in 30 minutes nandyan na ko." sabi niya.

"Okay okay. Bye." sabi ko.

"See you! Bye sweetheart." sabi niya at binaba na ang call.

Hey! Wait, baka kung ano iniisip niyo ah. Wala kaming something ni Tyler and hindi din ako ang nililigawan niya. Siya lang talaga ang pinaka close ko na lalaki sa barkada, tsaka sakanya ako sobrang comfortable. Masaya siya kasama, and masaya kausap. May sense kausap, and mabait. Yun lang naman.

(Singit ko lang ah, sa Dasmariñas Village in Makati located ang mansion namin.)

*knock knock* Ay kaloka! Naghahanap ako ng susuotin ko sa loob ng walk-in closet ko eh. Sino naman kaya to?

"Come in!" sabi ko.

"Helga?" si Yaya.

"Oh ya? bakit?" sabi ko.

"Aalis ka ba?" sabi niya.

"Yes. Why?" sabi ko.

"May kasama ka o mag isa ka na naman?" sabi niya.

"Sinabihan ka ba ni mommy na wag ako paalisin nang mag isa? Dont worry! May kasama ako, si Tyler. Susunduin niya ko." sabi ko.

"Mabuti naman hija. Sige na, bababa na ko. Mag almusal ka na." sabi ni yaya.

"Maliligo muna ako ya." sabi ko.

"Kumain ka na muna para di ka na madumihan." sabi ni yaya.

Natawa ako dun ah. "Hahaha yaya naman. Ganun ba ko kabata para maging makalat kumain?" sabi ko.

"Hindi naman hija. Ang ibig kong sabihin, eh pag naligo ka na, nakapag toothbrush ka na. So kumain ka na muna para di ka na mag toothbrush ulit." sabi ni yaya.

"Ay ganun? Hahaha ang kulit mo talaga forever, yaya. Sige na, mag aalmusal na ko." sabi ko.

"Tara na! Bumaba na tayo." sabi ni yaya. Lumabas kami at isinara niya na ang pinto.

Bumaba kami ni yaya at hinanda niya na ang kakainin ko. Nasa loob ako ng kitchen at sa center table ako ng kitchen kumakain. Nanunuod ako ng T.V. nang may bumusina sa labas.

"Ya, may tao sa labas." sabi ko.

Tinignan ni yaya sa intercon na may camera kung sino yung bumusina. Hindi sinabi sakin ni yaya kung sino yun at binuksan nalang ang gate.

"Hi sweetheart!" si Tyler papasok ng kitchen.

Ibinaba ko ang basong hawak ko. "Ang aga mo sobra." sabi ko.

"I miss you already." sabi niya at niyakap ako.

"Che! Di pa ko naliligo, wag mo ko yakapin." sabi ko.

"It's okay sweetheart. Mabango ka pa rin." sabi niya.

"Ewan ko sayo! Kumain ka muna, maliligo nako." sabi ko. "Ya, ikaw na bahala dyan."

"Sige na hija, umakyat ka na at maligo." sabi ni yaya.

"Yes, sweetheart. Maligo ka na para mahug na kita." sabi niya at kinindatan ako.

Tinignan ko lang siya ng masama at umakyat na. Ano bang problema ng lalaking to? Ang weird niya. Di naman siya ganyan dati. Ang nakakaloka pa, bigla ako nagwapuhan sakanya. Eh talaga namang gwapo tong si Tyler, di ko lang type kasi hindi ko nga type. Hahaha medyo magulo pero hindi ko talaga siya type.

Pagkatapos kong maligo, at mag ayos. Bumaba agad ako at nakita kong nanunuod si Tyler sa sala.

"Huuuy! Ano? aalis na ba tayo?" sabi ni Tyler na natatawa.

"Huuuh? Uh.." Nauutal na sabi ko. Sht! Bat natulala ako sakanya? Nakita niya kaya yun? Nako naman! Dont tell me attracted ako sa lokong to. No way!

"May dumi ba ko sa mukha?" sabi niya.

"Wa-la na-man." sabi ko.

"Eh kanina ka pa nakatitig sakin eh. Are you okay sweetheart?" sabi niya.

"Nako, Tyler! Tigil tigilan mo pa nga yang mga endearment na tawag mo sakin." sabi ko.

"Huh? Why? Okay lang naman sayo to dati ah?" sabi niya.

"Basta. Tigilan mo na yan." sabi ko.

"Hmmm? Baka naman you're falling inlove with me already?" sabi niya at nag smirk pa.

"Libre mangarap. Tara na!" sabi ko.

"Cute mo talaga!" sabi niya at kinurot ang nose ko. "Tara na."

"Ya, una na kami." sabi ko.

"Sige, mag iingat kayo hija." sabi ni yaya.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon