Chapter 39

158 4 0
                                    

Helga's POV

Nakahiga ako ngayon, nakatitig sa kisame. Iniisip ko kung ano na kaya ginagawa ni Denzel at Kendall ngayon? Bahala na nga sila! Ayoko na mag isip, inistress ko lang sarili ko. Itutulog ko nalang to.

Pumikit ako, pahimbing na sana ang tulog ko nang mag ring ang phone ko.

"Babe Calling"

Bahala ka sa buhay mo! Di ko sinagot ang tawag. Naka sampu na tawag na siya pero di ko sinagot. Hanggang sa sunod sunod na nag vibrate ang phone ko.

From: Babe

1st text - Baby ko, Sorry na. I'll make it up to you tomorrow. I miss you.

2nd text - Babe, I can't sleep. Kahit isang reply lang naman oh para makatulog nako.

3rd text - Babe. Huy! Sorry na.

Wala akong pinansin sa text niya. After 20 minutes nang may kumatok naman sa kwarto ko.

"Helga? Gising ka pa ba?" si manang.

"Manang bakit ho?" sabi ko.

"Pwede ko ba buksan tong pinto?" sabi ni manang.

"Sige ho." sabi ko.

Pag bukas ng pinto, agad akong nagsalita pero hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Manang ano po ba..?" sabi ko.

"May bisita ka." sabi ni manang.

"Hi." si Denzel.

"Sige na, maiwan ko na kayo." sabi ni manang at iniwan na kami.

"Uhm babe? Di mo ba ako papapasukin?" sabi ni Denzel.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. "Alam ko kasi nagtatampo ka na naman eh." sabi niya at kiniss ako sa forehead.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin at lumayo ako sakanya. "Diba sinabi ko naman na okay lang? Hindi ako nagtatampo." sabi ko.

"Di daw. Eh bat hindi mo sinasagot mga tawag ko? Bat hindi ka nagrereply sa mga text ko?" Tanong niya.

"Kasi inaantok na ko." sabi ko. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot.

Nagulat ako ng lumubog yung kabilang side ng bed ko at may yumakap sakin mula sa likod. Tinanggal ko yung pagkaka talukbong sakin ng kumot at humarap ako sakanya.

"Ano bang ginagawa mo? Umalis ka na." sabi ko.

"No. Di ako aalis dito hangga't di tayo nagbabati." sabi ni Denzel.

Ay ang kulit naman! "Hindi nga ako nagtatampo. Okay tayo, okay? okay na okay tayo." sabi ko.

"Promise?" sabi niya at kiniss ako sa cheeks.

"Oo promise, kaya pwede ka ng umalis." sabi ko.

"Babe?" sabi niya.

"Ano na naman?" tanong ko.

"Nagseselos ka ba kay Kendall?" tanong niya.

"No. Sige na, umalis ka na." sabi ko.

"Babe, tignan mo ko sa mata." sabi niya. Tinignan ko siya sa mata. "Nagseselos ka ba kay Kendall?"

"Hindi nga. Ang kulit!" sabi ko.

"Okay. Basta okay na tayo ah?" sabi niya.

"Oo." sabi ko. Bago siya tumayo, hinalikan niya ko. "Paki lock ng pinto."

"Ha?" si Denzel.

"Sabi ko lock mo yung pinto pag labas mo." sabi ko.

"I'll stay. Dito ako sa couch. Sige na, matulog ka na." sabi niya.

"What? Denz naman! Umalis ka na, hindi ako makakatulog ng maayos nyan eh." sabi ko.

"Fine. Goodnight! Ay wait, aalis tayong tatlo bukas ah. Sasamahan naten mag shopping si Kendall." sabi niya at lumabas na ng kwarto.

What the fck? Ano daw? Magmumuka akong third wheel nyan eh. Galing no? ako pa yung third wheel pag tatlo kami yung magkakasama. Nakakabaliw to!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon