Chapter 48

114 3 0
                                    

Denzel's POV

Nasa company ako ngayon, tambak na naman akong mga dapat trabahuhin. Mga documents and records na kailangan ng ayusin. Seryoso ako sa mga ginagawa ko nang may kumatok ang secretary kong si Jenny.

"Sir?" sabi ni Jenny.

"Come in." sabi ko.

Bumukas ang pinto. "Sir, may bisita po kayo." sabi ni Jenny. Kasunod niya naman ang batchmate ko nung college na si Rob Vellejo.

"Rob? Tuloy ka." sabi ko. Tumayo ako para lapitan siya. Lumabas na si Jenny at isinara na ang pinto.

"Yes, Pal. It's me." sabi ni Rob.

"Yeah. So Rob, bat ka nandito?" tanong ko. Hindi naman kasi kami gaanong close nito noong college kami, kaya nagulat lang ako.

"Uh yeah, nagpunta ako dito para tanungin kung pwede ka bang kunin na architect and engineer? Kasi yung brother-in-law ko naghahanap ng architect and engineer na pwede sila makamura. Naisip kita and since batchmate naman kita, baka pwede naman sila makakuha ng mas mababang presyo sayo." sabi ni Rob.

"Ah ganun ba? Saan ba yung place? And ano bang gagawin dun?" tanong ko.

"Sa Batangas. Gusto kasi nung fiance niya ayusin, pagandahin, at mas palakihin yung resort. Yung Hillside Resort, alam mo naman siguro yun diba?" sabi ni Rob.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung pangalan ng resort na sinasabi ni Rob. "Uhmm, Denzel? Ano?" sabi ni Rob.

"Ah, yeah yeah. Sure." sabi ko nalang.

"Okay, good. So, kailan mo gustong mameet yung owner nung resort?" tanong ni Rob.

"Ha?" wala sa sarili kong sabi.

"Anong ha? Sabi ko, when do you want to meet the owner of the resort?" sabi ni Rob.

"Bat ako yung gagawa ng appoinment? Hindi ba dapat yung owner?" Tanong ko.

"She's free almost everyday. Hahaha. Ang sarap nga ng buhay nun eh. Wala masyadong ginagawa, kasi hindi naman ganun kabigat yung negosyo niya. Tsaka ang laki niyang kumita ah. So, ano? Ikaw ang dapat mag appoint kasi mas busy ka eh. Hindi naman niya alam kung kailan ka pwede." sabi ni Rob.

"Tomorrow. Pwede na kami mag meet tomorrow." sabi ko.

"Okay, then. Tomorrow it is. Itetext ko na si Van para ma-inform niya na yung fiance niya." sabi ni Rob.

"Sino si Van?" tanong ko.

"Siya nga yung brother-in-law ko. Kuya siya nung wife ko, 22 palang yung asawa ko. Fiance ni Van yung may ari nung resort." sabi ni Rob.

"Ah. Anong trabaho ni Van?" tanong ko.

"Business man siya. And siya din ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng Hedges family." sabi ni Rob.

"Hedges? Yung ba yung gumagawa ng mga yacht and ship?" tanong ko.

"Oo. Sobrang yaman diba?" sabi ni Rob.

Tumango nalang ako. "Sige na, mauuna na ako. Madami pa kong kailangang gawin. Thank you, Bro." sabi ni Rob. Ngumiti ako, lumabas na si Rob at naiwan na naman akong nag iisip ng malalim ngayon.

Helga's POV

"Babe?" sabi ni Van, habang papalapit siya sakin. Nandito kami sa condo niya. Nanunuod kami ng favorite naming The Walking Dead. "Babe, pumayag daw yung kakilalang architect at engineer ni Rob." dagdag pa niya.

Napa-stop ako sa panunuod dahil sa sinabi ni Van. "Really?" di kapanipaniwalang tanong ko.

"Yes. So, wala ka nang dapat problemahin. Ikaw kasi eh, sabi ko naman sayo ako na ang bahala sa mga gagastusin mo. Ayaw mo naman. Tsaka ang dami dami mo ng pera, ang kuripot mo pa din." sabi ni Van, at tumawa.

Binatukan ko siya. "Loko! Di madaling kitain ang pera no. Kahit lumaki ako sa mayamang pamilya, kailangan ko pa din gamitin ng maayos ang pera. Alam ko anong hirap ang pinagdaanan nila mommy, daddy, at ng mga ancestors namin para maging ganito kayaman. Kaya ako, ayoko i-take for granted lang ang mga to. And ayoko din gamitin ang pera ng iba, gusto ko sariling sikap ko." sabi ko.

"Kaya mahal na mahal kita eh." sabi ni Van at kiniss ako sa lips.

"Yieee kilig!" sabi ko. Kiniss ko din siya sa lips tapos binatukan ko siya. "Yuck! Ewww!" dagdag ko.

"Ouch! What's that for?" sabi ni Van.

"So gross! Para tayong high school na couple." sabi ko.

"Is there anything wrong about that?" sabi niya.

"Wala naman. Ang corny lang." sabi ko na natatawa pa.

Nag shrug lang siya at tinuloy na namin ang pinapanuod namin. I could not ask for more. I'm happy just being with this man. Makita ko lang siyang masaya, masaya na din ako.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon