Chapter 7

253 3 0
                                    

Helga's POV

Hay nako! Eto na naman kami. Pinagdadasal ko na sana lang, sana lang talaga hindi kami magkita ni Denzel sa university. For sure, sisirain na naman ng mokong na yun ang araw ko.

So nandito kami ng barkada ko at si Stacy sa garden, dito na ang naging tambayan namin. Gumagawa ako ng assignment nang may tumamang bola sa sinusulat ko.

"Ay! Sht!" sabi ko. Nainis ako kasi nagulo yung sulat ko, tumama pa sa daliri ko yung bola. Ang sakit kaya!

"Helga, okay ka lang?" sabi ni Tyler.

Tumayo ako hawak ang bola at hinanap kung saan galing yung bola na yun. Nakita kong papalapit si Denzel. Wtf?! Siya na naman?!

"Bola? Akin na!" sabi niya.

"Aba! Hindi ka man lang ba mag sosorry?" sabi ko.

"Bat ako mag sosorry?" sabi niya.

"Hindi mo ba kami nakitang nandun ako kung saan napunta ang bola? Malamang, natamaan ako ng bola mo. " sabi ko.

"Oh? Tapos?" sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Nabibwisit na talaga ako sa lalaking to ah. Walang pinagbago. Gago pa rin siya.

"Ano pang hinihintay mo? Akin na yung bola." sabi niya.

"Ayoko!" sabi ko.

"Di wag! Pwede naman bumili ng bago." sabi niya.

"Yun naman pala eh. Edi bumili ka nalang ng bago." sabi ko.

"Bwisit!" sabi niya at tumalikod na siya.

Nang nakatalikod na siya nag salita ako at binato ko yung bola sa ulo niya.

"Hoy panget! Eto na yung bola mo. Sayang naman kung bibili ka pa ng bago." sabi ko.

"Fvck! Ang sakit nun ah!" sabi niya at humarap sakin.

Tumawa ako at bumalik na ko sa mga kaibigan ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa field. Wala akong paki! Palibhasa kasi sila di nila kayang ganunin si Denzel kasi takot sila. Porket gwapo? Tsk! Gwapo nga, gago naman. Wala rin. ooopsss, medyo bitter. Hahahaha :))

Nung dismiss na ko, mag isa ako kasi lahat sila may class pa. Naglalakad ako papunta sa parking lot kasi nandun na si manong at naghihintay. Biglang may nanggulat sakin.

"WAAAAH!!" sabi ni Denzel.

Napaatras ako dahil sa gulat.

"HAHAHAHAHA sana pala vinideohan kita. HAHAHAHA" sabi niya.

Lumapit ako sakanya at sinapak ko siya.

"Gago ka!" sabi ko.

Nagulat siya sa ginawa ko. Hah! Di niya ba alam? Nag aral ako ng karate, para self defense daw kasi sabi ng mga kuya ko. Hinila ako ni Denzel. Hindi ko alam saan niya ko dadalhin.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin?" sabi ko habang hinihila yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Shut up!" sabi niya.

"Denzel! Ano ba?! Nasasaktan ako! Bitiwan mo ko!" sabi ko. Hindi niya ko binitiwan kaya sinipa ko ang paa niya.

"Aray! Helga, masakit!" sabi niya.

"Masakit din yung hila mo sakin. Saan mo ba ako dadalhin?" sabi ko.

"Gusto kong mag usap tayo." sabi niya.

"Next time nalang. Uuwi na ko." sabi ko.

"Makakapaghintay naman si manong diba?" sabi niya. Yes, kilala niya si manong. Close nga sila nun dati eh. Pero dati lang yun.

"Eh ano bang pag uusapan?" sabi ko.

"Hindi tayo nagkaron ng pagkakataon para makapag usap ng maayos at ayusin ang break up, kaya gusto kong ayusin yun." sabi niya.

"Ano? Hahaha! That was 2 years ago, Denz. Ang tagal na nun! Naka move on na tayo pareho. Bat pa naten kailangan pag usapan yun?" sabi ko at nag smirk ako.

"Helga, siguro ikaw naka move on na. Pero ako? Ako, sa tingin mo naka move on na ko sayo? Sayo lang ako nag seryoso, Helga. Yung 2 years na yun, never ka nawala sa isip ko. Hindi ko alam bakit ganun kalakas ang tama ko sayo. Pero sa tuwing naririnig ko yung pangalan mo, inaassume ko na lagi ikaw yun..." sabi niya.

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nag salita na ko.

"Hindi tamang pinag uusapan pa naten to ngayon. Matagal na yun. Kalimutan nalang naten lahat ng yun." sabi ko at naglakad na ko papunta sa kotse.

Nang makauwi ako sa bahay, inisip ko yung nangyari ngayong araw na to. Medyo hindi din maganda timpla ang araw ngayon. Bwisit! Kumain nalang ako at natulog nalang ako. Ayoko na isipin yun.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon