Chapter 16

244 5 0
                                    

Helga's POV

Monday na naman -.- Oh noooo! Medyo tinatamad akong pumasok. I dont know why, first time ko maramdaman to ngayong college na ko. Ay wait! Nasabi ko na ba sainyo na valedictorian ako nung elementary and high school? And yung gago kong EX naman salutatorian ng batch nila. Wala lang, sinabi ko lang kasi candidate kami para maging dean's lister. Hindi lang yun, pareho din kami kasali sa mga sports, and kasali din ako sa dance group ng university. Sobrang balance ko lahat yan. And Prom Princess ako nung 3rd year, Prom Queen naman nung 4th year, yan si Helga Krapf.

Busy akong nagdedaydream sa cafeteria nang may gumulat sakin. Btw, mag isa lang ako ngayon, busy silang lahat. "Huuuy!" Shet, si Denzel na naman?

"Ano ba yan? Nagulat ako!" sabi ko sa gago na yun.

"Ay hindi halata." sabi niya at tumawa pa. Tumabi siya sakin at inakbayan ako.

"Denzel, ano bang ginagawa mo?" sabi ko at tinanggal yung pagkakaakbay niya sakin.

"Payag ka sa gustong mangyari ng parents naten diba? Oh edi ito, manliligaw ako." sabi niya.

Aba aba! Gago pa rin pala talaga to eh no? "Oo, sinunod ko sila. Pero di ko sinabing tototohanin naten yun hanggang dito sa university. Sa harap lang nila tayo mag pepretend na okay tayo." sabi ko at tumayo na.

Tumayo din si Denzel at hinila ako paharap sakanya. "Denzel ano ba?!" Napalakas yung boses ko kaya napatingin samin yung mga tao sa loob ng cafeteria.

"Si Helga ang girlfriend ng Baby Denzel ko?" sabi nung isang babae.

"Mukhang may LQ sila.." sabi pa nung isa.

"Omg! Di pwede! Sakin lang si papa Denzel." sabi naman nung bakla.

"Bagay sila ah!" sabi naman nung isa.

"Amp, naunahan ako ni Denzel kay Helga." sabi nung isang lalaki, di ko kilala.

Yung iba kinikilig pa. Ayy shet! Sobrang nakakahiya naman to. Leche kasing tong si Denzel eh. Ang aga aga, kinukulit ako.

"Guys, wag niyo naman kami titigan ng ganyan ng girlfriend ko." sabi ni Denzel at inakbayan ako.

Ay shoot! Binibwisit mo ko Denzel ah. Tinanggal ko yung kamay sa balikat ko at tinapakan ko yung paa niya. "Girlfriend mo mukha mo!" sabi ko at naglakad na palayo.

"Woaaah!" narinig kong sabi nung mga tao sa loob ng cafeteria.

"Helga!" sabi ni Denzel. HAHAHA mukhang galit si Papa Denzel ha. Bahala siya sa buhay niya! "Helga Krapf!" sabi ulit niya. Galit na nga, sinabi na buong pangalan ko eh.

Lumingon ako sakanya. "Ano?!" sabi ko.

Lumapit siya sakin. Hinila ako palabas ng cafeteria habang tumatakbo. Nagulat ako nang nasa parking lot na kami. "Denzel anong ginagawa naten dito?" sabi ko.

Tumigil kami sa harap ng isang kotse. Toyota 86 na black ang kotse niya. Binuksan niya ang passenger seat at pinasok ako sa loob. Sumakay siya sa driver's seat at inistart ang kotse.

"Saan tayo pupunta?" sabi ko.

"Shut up!" sabi niya.

"Anong shut up? di ko alam saan mo ko dadalhin tapos shut up? Stop the car!" sabi ko.

Binilisan niya ang pag takbo ng kotse. Shit! Scaryyy -.-

"Denzel, ano bang problema mo?" sabi ko.

"SHUT UP SABI EH!" sabi niya.

"Dont shout at me! Urgh, just stop the car!" sabi ko pero di niya pinakinggan ang sinabi ko. "Denzel, i said stop the car! Ano ba?" sabi ko.

Tinigil niya ang kotse sa isang gilid. "Gusto mong bumaba? bababa ka dito? Sigurado ka? Paano ka uuwi? Paano ka babalik sa university?" sabi niya.

"I can call manong." sabi ko at bubuksan ko na ang pinto ng kotse pero pinigilan ako ni Denzel. Sobrang lapit niya na sakin. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isat isa. Nagulat ako nang mas lalo pa niyang nilapit. Ohmygaahd! Ang lakas ng heartbeat ko.

"Mag drive ka na!" sabi ko at inilayo ko ang mukha ko sakanya.

Nagulat ako nang pumalatak siya ng tawa. "What's funny?" sabi ko.

"You should have seen your face! HAHAHAHA" sabi niya.

"What's with my face?" sabi ko.

"It's so red HAHAHAHA" sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Bat ganun? Parang ang lakas pa rin ng epekto sakin ng mokong na yun. Shet talaga!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon