Chapter 31

199 4 1
                                    

Helga's POV

*Fast Forward*

Tonight is the night. Debut ko na, 18 na ko. Omg! Legal na ko. Nasa room ako sa Fairmont, inaayusan ng buhok, minemake up-an and stuff. Kasama ko syempre ang super duper bestfriend kong si Stacy. Magkatabi kami at pareho kaming inaayusan.

"Omg babe! 18 ka na. Pwede na tayong mag roadtrip na ikaw na ang nagdadrive." sabi ni Stacy habang hawak ang Iphone 5S niya.

"Oo nga eh. Im so excited." sabi ko at ang laki laki ng ngiti ko, abot tenga.

"Ano kaya itsura ng escort mo tonight?" sabi ni Stacy na kinikilig pa.

"Yun? Nako! Sobrang pogi nun, for sure." sabi ko at kinindatan si Stacy.

"Uhuh, pero syempre mas gwapo pa rin ang baby ko." sabi ni Stacy at inirapan ako.

"Uh okay?" sabi ko at tumawa.

Maya maya pumasok na si mommy.

"Hi baby." sabi ni mommy at kiniss ako sa cheeks. "Hi Stacy." at nag beso din kay Stacy.

"Hi po tita." sabi ni Stacy.

"Ma naman. Baby pa rin ang tawag mo sakin? 18 na ko. Ayoko na ng baby." sabi ko at nag pout.

"Eh kahit naman 18 ka na, ikaw pa rin ang baby namin ng daddy mo." sabi ni Mommy.

"Oo, ma. Alam ko yun, pero stop calling me baby na. Kasi big girl na ko." sabi ko.

"Okay. Sige. Eh ano nang itatawag ko sayo?" sabi ni mommy.

"Helga. Okay na yun." sabi ko.

"Di ako sanay, Helga." sabi ni mommy.

"Edi sana Baby or Princess nalang ipinangalan niyo sakin." sabi ko.

"Eh kung Princess nalang din kaya itawag ko sayo? ay di pwede. Magagalit sakin ang daddy mo. Siya lang daw pwedeng tumawag sayo nun." sabi ni mommy.

Tumawa ako. "Cute ni Daddy." sabi ko.

"Sige na. Baby pa rin ang tawag ko sayo." sabi ni mommy. "Magpapaayos na din ako. Happy birthday baby. I love you."

"I love you too, Mom." sabi ko.

Lumabas na si mommy. Maya maya tinawag na ko ng photographer para sa photoshoot ko. Tatlong klase ang mga kinuha sakin. Yung naka formal ako, naka casual ako, and naka costume ako ( parang princess), Meron din akong picture kasama ang family ko and si Stacy. After ng photoshoot, bumalik kami sa room para mag retouch. Binihisan nako ng dress na susuotin ko mamaya. Ohemgeee! This is it!

Denzel's POV

Hinihintay nalang namin ang princess ng buhay ko, Si Helga. Damn! She's so beautiful. Naglalakad na siya sa red carpet. Lumapit ako para alalayan siya. Kinuha ko ang kamay niya at kiniss ko yun.

"Happy Birthday Panget!" bulong ko.

"Thank you fag!" sabi niya at ngumiti.

Diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang table na uupuan naming dalawa sa gitna.

"Next time sa Paris na talaga tayo pupunta." sabi ko.

"Crazy! Matagal pa yun." sabi niya.

"Malapit na yun." sabi ko.

Nag start na ang party niya. 18 treasures, 18 roses, and 18 shots. Naiiyak nga siya sa mga message sakanya ng mga friends niya eh.  Lumapit sa harap si Tito Marco and Tita Cynthia.

"Good evening to each and everyone of you. Uh first of all, Im very thankful to God na binigay niya samin tong angel na to." Sabay turo kay Helga. "We're so lucky to have her. Sobrang caring, loving, and thoughtful. Hindi ko sinasabi to dahil favorite and bunso namin siya pero yun kasi ang nakikita namin, right hon?" sabi ni Tito Marco.

"Yes. Ngayong 18 ka na, sana wag na wag kang magbabago ah, baby? Kahit nasa legal age ka na, baby ka pa rin namin ng daddy mo. Kanina nga, nag usap kami ni Helga, hindi na daw siya baby, wag ko na daw siyang tawaging baby, but I cant help it. Nasanay nako eh. Sorry kung masyado ka naming binebaby ng daddy mo. Siguro kaya ganun, kasi sainyong apat, sayo kami mas walang time. Hindi mo kami gaanong nakakasama. Pero we know naman na naiintindihan mo kami diba? We're doing this for you and your future. I love you so much, Helga." sabi ni Tita Cynthia. Lumapit siya kay Helga na naiiyak na, niyakap at kiniss niya sa cheeks si Helga.

"Helga, Ikaw pa rin ang princess ko. I love you, Princess." sabi ni Tito Marco. Lumapit din siya kay Helga at niyakap ito.

"Mommy, Daddy. I love you too." sabi ni Helga.

Busy ang mga tao sa pagkain at pag inom ng different kinds of drinks sa mobile bar, and magpakuha ng pictures sa photobooth. Si Helga, busy din kausap ang mga friends niya. Hinahanap ko si Tito Marco, ayun! Nakita ko siyang naglalakad mag isa, kalalabas lang ng comfort room.

"Uhm Tito Marco." sabi ko. Ang lakas ng heartbeat ko. Shit!

"Oh Denzel, bakit?" sabi ni Tito.

"Can I talk to you?" sabi ko sabay kamot sa batok.

"Sure. Ano bang gusto mong pag usapan?" sabi ni Tito.

"Is it okay if I ask for your daughter's hand in Marriage? Right here, right now?" sabi ko.

"As in ngayon na?" sabi ni Tito.

"Uhm yes, Tito. As in tonight." sabi ko.

"Hmmmm? Paninindigan mo ba yan?" sabi ni Tito. "Hindi porket boto ako sainyong dalawa, eh papayag nalang ako basta basta. Ayokong nakikitang umiiyak yang princess ko." sabi ni Tito.

"Yes Tito. Paninindigan ko tong mga sinasabi ko ngayon. Syempre, mauuna po ako grumaduate diba? Gusto ko sana pag graduate niya, magpakasal na kami agad." sabi ko.

"Siguraduhin mo yan, Denzel ah. Okay, sige. You already have my permission." sabi ni Tito at inakbayan ako. "Goodluck!"

"Thank you Tito." sabi ko at ngumiti abot tenga.

Nilapitan ko ang host ng party ni Helga para sabihan na mag settle down muna yung mga tao.

"Uh excuse me? Everyone, please settle down first. May mahalagang announcement na sasabihin si Mr. Denzel Ashen. Thank you." sabi ng host na si Ashley, pinsan ni Helga.

Nakita ko si Helga sa isang table kasama ang mga friends niya, lumingon siya sakin at nakangiti. Yes, siya. Siya ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Si Helga yun, siya ang gusto kong tatawaging mommy ng mga anak ko.

Naglakad ako palapit sakanya, hawak ang mic. "Uh Helga?" sabi ko.

Halata sa mukha niya na nagtataka siya. Makikita mong may "What the hell is going on here look" sa mukha niya. Pero nakangiti pa rin siya.

"I really dont know how to say this, Im not good at this. And I know masyadong mabilis. But can I say something crazy?" lumuhod ako and nilabas yung ring na binili ko sa Pandora. "Will you marry me?" sabi ko.

*Dub dub* *Dub dub* *Dub dub* Damn it! Kinakabahan ako. Si Helga, gulat na gulat. Nangingiyak na ewan. Shit! Magsalita ka, Helga. Wag ganyan, mas lalo akong kinakabahan. Yung mga tao, tahimik lang. Naghihintay din sa sagot ni Helga.

"Can I say something even crazier? Yes! Of course, yes!" sabi niya.

Sinuot ko sakanya yung ring. Tumayo ako at niyakap siya ko siya ng sobrang higpit. "I love you." sabi ko at kiniss ko siya sa lips. Smack lang, syempre.

"I love you too." Niyakap niya ulit ako. Parang baby talaga to. Pinunasan ko yung luha niya gamit ang thumb ko.

This is the happiest day of my life. Thank you, Lord.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon