Chapter 42

154 4 0
                                    

Denzel's POV

Nagising ako na ang sakit sakit ng ulo ko. Tinignan ko yung alarm clock na nasa side table ko. 6:30 pm na. WHAT? Shit! Si Helga. Nagmadali akong tumayo, at nag bihis. Pag labas ko ng kwarto, nakita kong nakaupo si Kendall sa sofa at umiinom ng wine.

"Denz.." sabi niya at tumayo.

Tinignan ko lang siya ng masama at lumabas agad ako. Pumunta ako sa church, pero wala na sila dun. Wtf? Ganun ka ba katanga, Denzel? Ano akala mo maghihintay ng ganun katagal si Helga? Fvck! Dumiretso ako sa mansion nila Helga. Bumusina ako pero walang nagbubukas ng gate. Sht! Lumabas ako ng sasakyan at sumigaw ako.

"Babe! Babe, let me explain." sigaw ko.

May nag bukas ng maliit na gate. Si Manong!

"Manong, si Helga po?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya. Hijo, Ano nangyari? Bat mo ginawa yun?" sabi ni Manong.

"Manong, wala akong oras para mag explain sayo. Si Helga ang kailangan kong makausap. Please, Manong." pagmamakaawa ko.

"Di ka na pwede ngayon dito, Denzel. Pasensya na." sabi ni Manong.

"Manong please... Nagmamakaawa ako sayo. Mahal na mahal ko si Helga." sabi ko.

"Napagbilinan na kami. Pasensya na talaga." sabi ni Manong.

Yumuko ako at nag kunwaring tatalikod na. Lumingon ulit ako, tinulak ko yung pintuan ng gate at nagmadaling pumasok. Di na ko hinabol ni manong kasi alam naman niyang hindi din ako magpapapigil. Walang tao sa living room, kaya dumiretso nako sa kwarto ni Helga. Kumatok ako, pero hindi ako nag salita.

"Ma, Dad, ayoko muna ng kausap please. Iwan niyo muna ako." sabi ni Helga mula sa loob.

Sht! Yung baby ko. Miss na miss ko na yung baby ko. Hindi naman nakalock yung pinto kaya pumasok na ko. Nakatalikod si Helga mula sa pinto, nakahiga siya, at lumingon siya sakin.

"Baby.." sabi ko. Tumulo na yung luha ko.

Si Helga naman, magang maga yung mata. Lalo pa siyang naiyak nung nakita niya ko. Lumapit ako sakanya, niyakap ko siya kahit nakahiga siya.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka dito! Gago ka! Fuck you!" sabi ni Helga at pinagsusuntok suntok ako.

Hinayaan ko siya na suntokin ako. "Ssshh. Babe, mag eexplain ako." sabi ko.

"Wala akong panahon sa kung ano man ang sasabihin mo. Umalis ka na! Ayoko makita yang pagmumukha mo. Umalis ka na!" sabi niya.

Sa sobrang lakas ng iyak at boses ni Helga. Narinig kami ni Manang at Manong, kaya pinalabas nila ako. Nag pupumiglas ako pero tinawag na pati yung ibang boy para mailabas ako sa mansion.

"BABE!" sigaw ko.

Wala nakong nagawa. Uminom ako, nagpakalasing ako hanggang sa hindi ko na kaya. Umuwi ako na lasing na lasing at binuhos ko lahat ng galit ko kay Kendall, harsh sex. Pag tapos nito, aalis na siya. Di ko masikmura yung pagmumukha niya. Nandidiri ako sakanya.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon