Chapter 18

235 4 0
                                    

Helga's POV

Nagshoshopping ako sa mga store / boutique ng Bonifacio highstreet nang may lumapit sakin at inakbayan ako.

"Ikaw ah, umaalis ka nang hindi ako niyaya. Nagsosolo na ngayon ang bestfriend ko." sabi ni Stacy at nag pout pa. Pacute much? Sapakin ko to eh.

"Oh anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" sabi ko.

"Wala. Pero ngayon may kasama na ko. Bat ka nga pala nandito? And himala, mag isa ka lang." sabi ni Stacy.

"Uh.. Wala lang, naisip ko lang mamasyal mag isa." Nauutal na sabi ko.

"Helga, may tinatago ka ba sakin? May dapat ba kong malaman?" sabi ni Stacy.

"Uh Stacy kasi ayoko talagang makita si Denzel eh. Parang minsan tuloy tinatamad na ko pumasok." sabi ko.

"Nako! Umayos ka Helga ah! Wag mo hahayaan na maapektuhan yung studies mo dahil lang sa Denzel na yun. OR just go with the flow, wag mo nalang seryosohin yung mga ginagawa niya sayo." sabi ni Stacy. Kahit medyo may pagka maarte yan, Salutatorian ng batch namin yan.

"Yes ma'am." sabi ko nalang kay Stacy.

Nag shopping at namasyal kami ni Stacy, ngayon nalang ulit kami nakapag bond ng ganito dahil na rin sa sobrang busy namin. Tambak kami ng paper works dahil sa thesis na pinapagawa samin ng prof namin.

Umuwi din kami agad ni Stacy after namin mamasyal. Naisipan din niyang sa mansion nalang namin matulog at sabay na kaming papasok bukas. Nag momovie marathon kami ngayon ni Stacy at nasa den room kami.

"Helga?" may tumawag ng pangalan ko mula sa labas ng pintuan ng den room at kumatok.

"Pasok!" sabi ko.

Si yaya lang pala. "Helga, pinapasabi ng mommy mo na may iniwan daw siya sa kwarto mo, kunin mo nalang daw."

"Okay. Yaya, nasan sila?" sabi ko.

"Umalis na sila ng daddy mo. May aasikasuhin daw sila sa states." sabi ni Yaya.

Ayan! Ganyan sila mommy. Saglit lang silang nasa mansion kasi umaalis din sila agad. After namin manuod, umakyat nako sa kwarto ko. Si Stacy naman nagpaiwan sa kitchen dahil magbebake daw siya para may midnight snack kami.

Pagkaakyat ko sa kwarto, nakita ko yung iniwan ni mommy na cash at bagong ATM ko sa aking study table. Ang laki naman ng cash na iniwan ni mommy. Sobrang spoiled talaga ako. And may letter din pala siyang iniwan na nagsasabing si Yaya at yung ibang kasambahay na namin muna ang bahala sa debut ko, sinabi na rin naman ni mommy sakanila ang dapat gawin.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon