Chapter 11

232 4 0
                                    

Helga's POV

"Baby!" Narinig kong sigaw ni mommy pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng mansion. Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Baby ko, I miss you so much." sabi ni Mommy at kiniss ako sa cheeks.

"I miss you too, Mom." sabi ko at nag hug back sakanya.

"San ka naman nanggaling at ngayon ka lang umuwi? It's almost 7:00 in the evening." sabi ni mommy.

"Nako! Binebaby mo naman ang princess ko." sabi ni daddy at lumapit samin ni mommy. "I miss you, princess." Hinug ako ni daddy at kiniss ako sa cheeks.

"I miss you too, Dad." sabi ko, niyakap ko rin siya.

"Oh saan ka ba galing?" sabi na naman ni mommy.

"Greenbelt." sabi ko.

"Mag isa ka lang?" sabi nilang dalawa.

I nodded. "Princess, wag na wag kang aalis nang mag isa ka lang. Ayoko nang mauulit yun. Okay?" sabi ni Daddy.

"Dad, nasa parking lot naman si manong eh. Okay lang yun." sabi ko.

"Oo nga baby, pero next time kailangan may kasama ka kahit isang friend mo." sabi ni mommy.

"Okay okay." sabi ko kay mommy.

Umakyat na ko sa kwarto ko para magpalit ng damit. Busy akong naglalaptop nang may kumatok.

"Come in." sabi ko.

"Baby, you're turning 18 next month. What's your plan?" sabi ni Mommy.

"A simple celebration will do, mom." sabi ko.

"Of course not! Dapat bongga ang party ng baby ko. Once in a lifetime lang yun no. Dont worry, kami na bahala dun ni manang at ng daddy mo." sabi ni mommy at kiniss ako sa noo.

"Thanks Mom!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya.

"Anything for my baby." sabi ni mommy. "Bababa na ko ha, tutulungan ko si manang. Sunod ka nalang. Okay?" I nodded and smile.

Hay wala nakong mahihiling pa. Kahit na busy sila ni Daddy, alam na alam nila paano babawi sakin. Ang swerte ko sa parents ko, sa family ko. Kaya sobrang thankful ako kay God, dahil i'm so blessed. Lahat ng kailangan ko nasa sakin na, sobra pa nga eh. Lahat ng pagmamahal nasa akin. Beauty and brains pa. 5'6 pa ang height, tama lang sa isang teenage girl na tulad ko.

Maya maya bumaba na din ako para mag dinner. Nagulat ako sa nakita ko pagbaba ko. Nandun na din sila Ahya Xander, Dihya Liam, at Achi Claudia.

"Oh ang laki yata ng ngiti ng baby namin. Abot tenga ah." sabi ni Ahya Xander.

"Wow! Just wow! Kumpleto tayo tonight." sabi ko.

"Pinauwi kami ng maaga ni Daddy eh." sabi naman ni Achi Claudia.

"Oo, kasi I have something important to tell you." sabi ni Daddy.

"Ano naman yun, Dad?" sabi ni Dihya Liam.

"Bukas ng gabi, may dinner tayo kasama ang Ashen family. Dont worry, mababait yung mga yun. Bestfriend ko si Mr. Gary Ashen, and close din ng mom niyo ang wife niyang si Dra. Victoria Ashen. May dalawa silang anak. One boy and one girl pero di ko pa namimeet yung dalawa nilang anak. Nalaman nilang may princess pa ko, so gusto nilang mameet ng unico hijo nila si Helga para daw mag settle na yung son nila. Matalino naman daw yun, basketball player, chic magnet daw sabi ni Gary kasi nga gwapo. Ang kaso lang, ayaw mag seryoso sa mga babae. So ang mission mo princess, ay patinuin ang unico hijo nila. " sabi ni Daddy.

Nanlaki ang mata ko at muntik na kong mabilaukan. Inabutan ako ng tubig ni mommy.

"Okay ka lang baby?" sabi ni mommy.

"Yes, im fine." sabi ko.

"Nako! Marco, just make sure na walang gagawing masama yang anak nila mare sa baby ko ha." sabi naman ni Mommy.

"Of course! Hindi niya pwedeng saktan ang kaisa isang princess ko. Lagot talaga sakin yan si Gary pag may ginawang masama ang anak nila sa princess ko." sabi naman ni Daddy.

"Well, That's good then. Excited na tuloy ako for tomorrow's dinner." sabi ni Mommy at parang kinikilig pa.

Nagkatinginan lang kaming apat na magkakapatid. Nameet na nila mommy si Denzel, pero di nila alam ang buong pangalan nito kaya siguro parang wala lang sakanila. Ma, Pa, Ang anak ng mga bestfriend niyo ay ang EX kong si Denzel Ashen. Mygaaahhd -.- Paano kaya pag nakita na nila bukas ng gabi na si Denzel pala yung anak ng mga kaibigan nila? Patay! Malaking gulo ata to :/

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon