Chapter 4

281 4 3
                                    

*flashback*

Helga's POV

JS Prom ngayon. Syempre prom date ko ang 2 years boyfriend kong si Denzel. Next year graduate na siya kaya sulitin na. 4th year high school siya, 3rd year naman ako.

Nagtaka ako kasi bigla siyang nawala. Sabi niya pupunta siya sa restroom, pero halos 30 minutes na siyang wala. Ang tagal naman nun. Nakita ko ang 'High School Barkada' niya, nandun naman. Sa isip ko, baka sinayaw lang niya yung iba babae kaya okay lang. Hep hep hep! Hindi po ako selosa, okay lang sakin na isayaw niya yung ibang girls, pero hanggang dun lang. Chineck ko sa dance floor pero wala din siya dun.

Maya maya narinig kong nawawala din si Amethyst, kabatch ni Denzel. Sa isip ko, EX yun ni Denzel ah? O.O Kaya napatayo agad ako. Malakas ang kutob ko na baka magkasama ang dalawang yun. Meron akong spare key (card) ng hotel room ng barkada nila Denzel, pinalagay niya kasi yun sa bag ko. Sumakay ako sa elevator, sinundan ako ni Stacy.

Pagbukas ko ng door at pagpasok ko sa loob ng room, Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

O.O <---- as in ganyan yung mata ko. Mas malaki pa ata.

Nakahubad silang dalawa at naghahalikan. Nakapatong si Amethyst kay Denzel. Hindi pa nila kami napansin kaagad. Fvck!

"Amethyst, stop." sabi ni Denzel kay Amethyst. Lumingon si Amethyst at napatigil.

Tumakbo akong umiiyak palabas ng kwarto. Sinundan ako ni Stacy.

"Helga! Wait!" Narinig kong sabi ni Denzel.

Binilisan ko ang pagtakbo kaya natapilok ako dahil sa suot kong heels, tinulungan akong makatayo ni Stacy, pero mukhang napilayan ata ako. Hindi ako makatayo. Damn! Naabutan ako ni Denzel. Lumapit siya sakin at tutulungan sana akong tumayo.

"Dont touch me!" sabi ko at tinapik ko ang kamay niya.

"Helga, Look. Let me explain." sabi niya at hahawakan na naman ako.

"Fuck you! Wag mo sabi akong hawakan eh." sabi ko. Tinulungan akong makatayo ni Stacy.

Nang makatayo ako, naglakad na ko, inaalalayan ako ni Stacy.

"Helga.. Please." sabi ni Denzel na nasa likod ko.

Humarap ako sakanya at sinampal ko siya. "Gago ka! Huwag na huwag kang makalapit sakin. Nakakadiri ka!" sabi ko.

"Let me explain first." sabi niya.

Ay ang kapal naman talaga ng mukha! Shit! "Explain? Explain what? Ha Denzel? na hindi totoo yung nakita ko? na namalik mata lang ako? Fuck you and your lies, Denzel! Sawang sawa na kong makinig sa mga kasinungalingan mo. 2 years! 2 years akong nag bulag bulagan sa mga nakikita ko at nag bingi bingihan sa mga naririnig ko. Ginawa ko lahat para mag work tong relationship na to pero you took me for granted, porket alam mong hirap na hirap akong iwan ka. Ang kapal ng mukha mo! Sorry for the foul words, pero you deserve all of that. Magsama kayo ng... ng EX mo!" sabi ko at naglakad na ko papasok ng elevator.

Pagkatapos ng gabing yun. Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas minabuti kong makipag cope up sa mga friends ko at sa buong batch namin. Nagpaka busy ako. Kinulit ako ni Denzel pero nagsawa din agad. Ayoko na! Grabe na eh. After nun, wala na kong naging boyfriend ulit. NaTrauma na ko sa mga lalaki. Takot nakong magmahal at maattached ulit.

*End of Flashback*

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon