Chapter 50

111 2 0
                                    

Helga's POV

After one week, ngayon ang kasal nina Amanda at Michael. Sa one esplanade yung reception. Busy ang lahat sa pagkain and panunuod ng slide show ng mga pictures nung newly wed couple. May mga video din sila na kinikwento ang love story nila. Lahat natutuwa at kinikilig para sa dalawa. Kung natuloy kaya ang kasal namin ni Denzel noon, ganyan din siguro kami. Mas nakakakilig pa siguro. Wait! Ano ba, Helga? Bat yun ang iniisip mo? Diba dapat ang iniisip mo yung kasal niyo ni Van 3 weeks from now? Kung ano anong iniisip eh.

Nadako ang tingin ko sa katabi naming table, nakita ko si Denzel na kausap yung dating patay na patay sakanya na si Nicole. Nagtatawanan sila, nagbubulungan, at nagpapacute pa tong si Nicole kay Denzel. Akala mo naman ang cute, nakakataCute kaya! Teka teka, Helga bat ganyan? Nagseselos ka ba? No! Hindi, hindi ako nagseselos. Ang creepy lang kasi tignan and ang weird. Mga professional na kasi kami, di na kasi dapat ganyan mag act eh.

Maya maya nagulat ako ng tumayo ang dalawa. Magkahawak pa yung kamay. Wait! Dont tell me they're dating. Yuck! Shit, bitter alert. Ano bang nangyayari sakin? Ano ba tong mga sinasabi ng utak ko? Bat ang bitter ko? Kailangan ko malaman to. Bumulong ako kay Stacy na nasa right side ko.

"Stacy, Restroom tayo." bulong ko sakanya.

"Ha? Wait! Nanunuod ako ng video nila eh." sabi ni Stacy.

"Alam mo naman love story ng mga yan eh. Sige na please?" sabi ko.

"Fine. Tara na nga!" sabi ni Stacy. Tumayo siya, tumayo na din ako. "Where are you two going?" sabi ni Van.

"We'll just go to the restroom." sabi ko. Tumango si Van.

Hinila ko si Stacy palabas ng main door nung One Esplanade. "Oh bat tayo nandito sa labas? Akala ko ba sa restroom lang?" sabi ni Stacy na parang naguguluhan.

"Wait ka lang. Okay?" sabi ko. Umarte ako na parang may hinahanap. Totoo namang may hinahanap ako, hinahanap ko kung saan nagpunta yung dalawa.

"Ano bang hinahanap mo? Wait! Helga, are you two timing?" sabi ni Stacy.

Napatigil ako sa paghahanap sa dalawa at napatingin ako kay Stacy. "Ano? Loka ka! Hindi. Hinahanap ko lang kung saan nag punta si Denzel and Nicole." sabi ko.

"Bat mo sila hinahanap?" tanong ni Stacy. Nagtataka yung mukha niya.

"Nakita ko kasi silang magka holding hands and lumabas." sabi ko.

"And so? They're dating. Anong masama dun?" sabi ni Stacy.

Napatigil ako sa sinabi ni Stacy. Bat nasasaktan ako? Gusto kong bawiin niya yung sinabi niya.

"Wait! Dont tell me na affected at nagseselos ka?" sabi ni Stacy.

"Uh n-no, of course not! Since when pa?" sabi ko.

"Two days ago." sabi ni Stacy.

"Official na?" tanong ko.

"Yan ang di ko alam. Oh wait! Sila ata yun oh." sabi ni Stacy sabay turo sa dalawang tao na naglalakad sa side ng dagat. Yung one esplanade, sa moa. So malapit sa dagat. So ayun, magkaholding hands nga yung dalawa, nagulat ako nang tumigil sila. Mag kaharap na sila ngayon, nilapit ni Nicole yung lips niya sa lips ni Denzel. Fuck! Di ko na kaya. Ang sakit. Nagulat nalang ako nang may tumulong luha na sa mukha ko.

"Helga? Umiiyak ka?" pagtataka ni Stacy.

Napayakap nalang ako sakanya. Humagulgol ako pero mahina lang. "Stacy, bat ang sakit pa rin? bat ang sakit sakit pa rin?" sabi ko habang umiiyak.

"Sa mga nakikita kong ikinikilos mo, alam kong mahal mo pa si Denzel. At yun din ang nakikita ko kay Denzel, mahal ka pa niya. Kahit kailan never nawala ang pagmamahal niyo sa isa't isa." sabi ni Stacy.

"Pero anong gagawin ko? Ikakasal nako 3 weeks from now." sabi ko.

"Kausapin mo si Van. Kailangan niya malaman yan." sabi ni Stacy.

"Ayokong saktan si Van. Mahal niya ko, at alam ko mahal ko din siya." sabi ko.

"Nope. Di mo siya mahal. Mahalaga siguro oo, pero mahal? No. Siya kasi yung nandyan para sayo nung sobrang nalungkot ka kaya akala mo mahal mo siya. Helga, bestfriend kita. Kilalang kilala na kita, alam ko paano mo tignan ang taong mahal mo. At kung paano mo tignan si Van, ibang iba kung paano mo tignan si Denzel noon." sabi ni Stacy.

"You're right. Siguro nga pinipilit ko lang sa sarili ko na okay na ko at mahal ko si Van, pero ang totoo di pa ko okay at mahalaga lang sakin si Van." sabi ko.

"Stop na. Mag usap nalang kayo ni Van." sabi ni Stacy. Pinunasan ko ang mga luha ko.

Bumalik kami ni Stacy sa loob. After nung party, habang nasa kotse kami ni Van. Nagtataka ako sa itinatrato sakin ni Van, silent treatment.

"Babe?" sabi ko.

Tinigil niya yung kotse sa gilid. "Babe, I love you." Sabi ni Van at bigla niya kong hinalikan ng sobrang diin na halik.

Tinigil ko yung kiss na ginagawa niya. "Van, ano ba? Nasasaktan ako!" sabi ko.

Di siya sumagot at pinaandar lang ulit yung kotse. Hinatid niya ko sa condo ko and umuwi siya agad. Nag bihis ako at natulog agad.

Pag gising ko kinaumagahan may natanggap akong text mula kay Denzel.

"From: Denzel Ashen

Good morning! I'm here at the resort. You coming?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagreply agad ako.

"To: Denzel Ashen

Yup, I'm coming." reply ko. Hindi naman talaga dapat ako pupunta dun eh.

"From: Denzel Ashen

See you later, gorgeous. And hey! Drive safely okay?" sabi ni Denzel.

Di na ko nagreply pero kinikilig ako. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin, and yes namumula nga ako. Naligo ako, nag ayos at nag bihis agad. From Manila to Batangas para lang makasama si Denzel. Wow! Lahat talaga gagawin ko para lang makasama tong mokong na to.

After 2 and a half hours nakarating nako sa resort. Hinanap ko agad si Denzel.

"Looking for me?" sabi ni Denzel na nasa likod ko na pala.

Ngumiti muna ako bago lumingon. "H-hi." nauutal ko pang sabi.

"Did you have breakfast already?" tanong ni Denzel.

Umiling ako. "Tara! Breakfast muna tayo." sabi ni Denzel.

Ngumiti ako. Nag breakfast kami, after nun nagtrabaho na kami para sa gagawin sa resort. Nasa labas lang kami, tinitignan namin yung mga construction worker na nagsisimula ng mag trabaho. Una sobrang seryoso at may sarili kaming mundo. Then nagulat nalang ako ng may pinahid siya sa mukha ko. Lupa? Yuck! Kadiri.

"Denzeeeel." sabi ko na naiinis. Tinawanan lang niya ko. Pasalamat ka gwapo ka at mahal kita. Kumuha din ako ng lupa at binato ko sakanya. White na polo pa naman ang suot niya. Hahaha buti nga sakanya! Hinabol ko siya at nilagyan ko siya sa mukha.

"Yuck, Helga!" sabi ni Denzel. Tumawa ako. Hanggang sa nag batuhan at nag gantihan nalang kami. Para kaming bata na naglalaro ng lupa. Pareho kaming tumatawa.

Van's POV

Magpapark na sana ako sa loob ng parking area ng condo ni Helga. Pero nakita ko siya na sumakay ng sasakyan niya. Hindi niya alam na sinundan ko siya. Ngayon pinapanuod ko kung paano  maghabulan at maglaro si Denzel at Helga. Oo, kanina pa ko nanunuod sakanila, kanina ko pa sila sinusundan. Paano ko nalaman na siya ang EX ni Helga at Denzel ang pangalan niya? Last night tinanong ko yung boyfriend ni Stacy na si Jake.

Si Denzel Ashen pala ang EX and ang engineer at architect na nag aayos ng resort ng fiance ko. Wow, Just Wow! They look so happy together, at tama nga yung narinig kong sinabi ni Stacy kagabi. The way she looked at him, ibang iba. Mahal pa nga niya si Denzel, at mahalaga lang ako sakanya.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon