Chapter 54

88 2 0
                                    

Helga's POV

Ano ba naman to? Ang awkward! Naglalakad kami na magkahawak ang kamay. Gusto kong tanggalin kaso sobrang higpit ng hawak niya. Namamawis na nga yung kamay ko eh, nakakahiya naman. Pagdating namin sa construction site, tinignan ko siya.

"Oh bakit?" pagtataka ni Denzel.

"Baka kasi pwede mo ng bitawan yung kamay ko? Pawis na kasi eh." sabi ko.

"Ayy, sorry." sabi niya, sabay bitaw sa kamay ko.

Nakatingin lang kami sa isa't isa nang may marinig kaming naghihiyawan na mga tao. "Uyyyyyy! Ayiiiieee!" sabi ng mga construction worker. Napatingin kami ni Denzel sakanila. Nung una nagkakahiyaan pa pero tumawa nalang kami.

"DENZEL!!!" 

Lumingon kami sa pinanggalingan ng sumigaw na babae. Si Nicole! Nagmamadali itong lumakad papunta samin.

"What's the meaning of this? Bakit kayo magkasama ng babaeng to?" galit na galit na tanong ni Nicole kay Denzel, habang nakaturo siya sakin.

"Halika nga dito. Diba sinabi ko na sayo na wala na tayo? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Denzel at inilayo si Nicole sakin.

Di ko sinasadya mapakinggan pero dinig na dinig ko ang pinag uusapan nila, dahil na din siguro sa lakas ng boses nilang dalawa. Lalo na si Nicole. Ayaw kumalma, galit na galit.

"Denzel, Hindi ko kayang mawala ka! Ang tagal kitang pinangarap. Ano ibig sabihin nung mga nangyari satin? Wala lang? Landian lang?" sabi ni Nicole na umiiyak na.

"Oo.." sabi ni Denzel.

"Kung sayo ganun, sakin hindi. Denzel, mahal kita!" sabi ni Nicole.

"Nicole, Hindi kita mahal. Si  Helga ang mahal ko kaya umalis ka na!" sabi ni Denzel. 

"Hindi! Di ako aalis dito. Denzel, akin ka lang. Naiintindihan mo? Akin ka lang. At hindi ko hahayaan na mapunta ka ulit sa babaeng yan. Ikakasal na siya tapos nakikipaglandian pa siya sayo? Slut!" sabi ni Nicole at inirapan ako. "Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo. Sisirain ko ang buhay ng babaeng yan, mapunta ka lang sakin Denzel." dagdag ni Nicole.

"SHUT UP!" sigaw ni Denzel. Napaatras si Nicole dahil sa lakas ng boses ni Denzel. Napatayo ako, nakita kong galit na galit yung mukha ni Denzel. Nangingig naman si Nicole. "Kahit anong gawin mo, hinding hindi ko mamahalin ang isang tulad mong desperada. If you ever do anything that will hurt her, I'll kill you. If you touch one hair on her head, I'll kill you. Kaya lumayo ka na! Wag na wag kang lalapit kay Helga dahil lahat kaya kong gawin para sakanya." dagdag pa ni Denzel.

Lumapit ako kay Denzel, hinawakan ko ang braso niya. "Denzel, that's enough." sabi ko. Tinignan niya ko at hinawakan ang kamay ko. Tinignan niya ng "I'm warning you look" si Nicole at hinila niya ko palayo dito. Natatakot ako, kung kaya niya gawin sa iba ibig sabihin kaya din niyang gawin sakin. Pero hindi, kaya lang naman niya nagawa to kasi mahal niya ko diba?

"Denzel.." sabi ko. Tumigil kami sa paglalakad. "Bakit mo ginagawa yun sa mga babae? Bakit mo sila hinahayaang mahalin ka tapos iiwan mo lang din pala? Denzel, babae ako! Nasasaktan din ako sa mga nakikita kong ginagawa mo sakanila." tanong ko.

"Helga, di ko din gusto yung ginawa ko kanina pero yun lang ang paraan para tigilan ka niya, para tinigilan niya ko, tayo. Tsaka simula palang, alam naman nilang hindi ko sila seseryosohin. Helga, ikaw lang ang minahal ko ng ganito, kaya sorry kung nasaktan ka sa ginawa ko kanina kay Nicole. Ayoko lang may gawin siyang hindi maganda sayo." sabi ni Denzel. Hinalikan niya ko sa noo at niyakap ako. "I'm sorry." sabi ulit niya habang nakayakap pa din sakin.

"I love you." sabi ko. Woah! Kahit ako nagulat ako sa sinabi ko.

Nagulat si Denzel sa sinabi ko kaya tinanggal niya ang pagkakayakap niya sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. "Helga, Anong sinabi mo?" tanong ni Denzel na nakangiti at gulat.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon