Chapter 20

228 4 0
                                    

Helga's POV

*Fast Forward*

Saturday na. Mamayang gabi na ang party ni Mia. Nandito na na rin sa Mansion sina Jake at Stacy. Readyng ready na ang dalawa, samantalang ako di pa nga naliligo. Sila pa ang excited kaysa sakin. Kasalukuyang nasa pool area kami ngayon. Ako tulala, yung dalawa naglalandian. Hahaha.

"Helga, maligo ka na!" sabi ni Stacy. hindi ko agad narinig yung sinabi ni Stacy kaya nag snap siya sa harap ng face ko. "Uyy!" sabi niya.

"Huh?" sabi ko.

"Ano bang iniisip mo at tulalang tulala ka dyan?" sabi ni Stacy.

"Ah.. wala naman. Ano ulit yung sinasabi mo kanina?" sabi ko.

"Ang sabi ko maligo ka na! 5:00 na kaya, 6:00 aalis na tayo." - Stacy

"Bat ba excited na excited ka? Eh lagi naman kayo nasa club niyang boyfriend mo." sabi ko sakanya at tinarayan ko siya.

"Hindi ako excited, ayoko lang malate mamaya." sabi niya.

"Maaga pa!" sabi ko.

"Alam mo, Helga?" sabi ni Jake.

"Di pa. Di ko pa alam." sabi ko.

"Ang taray mo! Mabilis kang tatanda niyan." sabi ni Jake.

"Manahimik ka nga dyan, Babe! Mainit na nga ulo ng babaeng yan eh, gagalitin mo pa." sabi naman ni Stacy.

Tinarayan ko nalang silang dalawa. Tinawag ako ni yaya.

"Helga! Phone oh, Ang mommy mo." sabi ni yaya at iniabot sakin ang wireless telephone.

"Hello mom?" sabi ko.

"Baby, aalis ka daw?" sabi ni Mommy.

"Uh yes mom. Birthday kasi ni Mia." sabi ko.

"Oh great! Susunduin ka ba ni Denzel?" sabi ni mommy na kinikilig pa.

"Of course not!" sabi ko.

"Why not? Nag away ba kayo? Sinaktan ka ba niya? Anong ginawa niya sa baby ko?" sabi ni mommy. Hay nako! Ang OA talaga ng mommy ko.

"Mommy, Ano ba yan?! Wala siyang ginawa, di ko lang siya feel. Siguro naninibago pa ko kasi kakakilala lang naman namin." pag sisinungaling ko.

"Pero lumalabas naman kayo?" sabi ni mommy.

"Hindi din, mom. Sa university lang kami nagkikita. And besides, studies first. Hindi ko priority yang si Denzel no. Sige na, ma. I have to go na! Bye loveyou." sabi ko.

"Oh okay. Bye, I love you more baby. Hindi mo ba kakausapin ang daddy mo?" sabi ni mommy.

"No need. I have to go na talaga. Bye." sabi ko at binaba na ang call. Inabot ko na kay yaya ang phone at tumayo na ko.

"Oh san ka pupunta?" sabi ni Stacy.

"Oh diba pinagmamadali mo ko? Maliligo na ko." sabi ko at naglakad na.

Pag akyat ko sa kwarto, naligo agad ako. Navy blue halter dress na above the knee ang suot ko, black na stilettos, naglagay ako ng light make up, at nag curl ako sa pinakadulo ng hair ko at nakalugay lang siya. Im ready to go! Bumaba na ko at nakita kong napanganga si Stacy at Jake.

"Wow!" sabi ni Stacy.

"You're stunning!" sabi naman ni Jake.

Binatukan ni Stacy si Jake. "Aray!" sabi ni Jake.

"Stunning stunning ka dyan!" sabi ni Stacy. Tinawanan ko nalang siya.

"Bakit? Selos ka? pati ba naman bestfriend mo pinagseselosan mo?" sabi ni Jake.

"Sira! Hindi ako nagseselos. Mali naman kasi yung sinabi mo. Para kaya siyang goddess." sabi naman ni Stacy at kinindatan pa ko. Ay nakakaloka tong bestfriend ko!

"Palusot.com!" sabay naming sinabi ni Jake at nag apir pa kami.

"Tara na nga!" sabi naman ni Stacy.

Papunta na kami sa seventh high nila Stacy. Wew, kinakabahan ako. Ewan ko ba kung bakit, eh maganda naman ako. Sexy naman ako, matalino naman ako, pero parang nacucurious ako na parang may kulang. Bahala na nga si bro.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon