One

60.2K 1.5K 39
                                    

Mabilis na pinatakbo ni Elisha ang kanyang kabayong si Hellion patungong hacienda Illustre, napangiti siya nang tanaw na ng kanyang mata ang kanilang hacienda. Easy win. Pero laking gulat nalang niya nang mabilis na nilagpasan siya ng kanyang kapatid na si Mella sakay ng kabayo nitong si Thunder. Napailing nalang siya nang hilahin niya ang tali ni Hellion upang tumigil ito.

"Yes! I won, again!" masayang hiyaw ng kapatid niya.

Napapalatak nalang siya at hinayaan ang kapatid na magbunyi. Hinaplos niya ang leeg ni Hellion at dumukwang para bumulong dito. "You did great, boy." sabi niya sa kabayo tsaka bumaba na rito.

"Magandang araw, Ma'am Elisha, Ma'am Mella." salubong sakanila ni Mang Julius, isa sa tagapangalaga ng mga kabayo dito sa hacienda.

"Pakidala na po sila Hellion at Thunder sa kwadra, Mang Julius." sabi niya rito. Agad naman ito tumalima at kinuha na ang dalawang kabayo.

Binalingan niya ang kapatid na malaki na ngayon ang ngisi sa mukha. "I won, ate." sabi nito sakanya.

Nilapitan niya ito at inakbayan. "I know."

Nagpapapadyak ito. "Naman eh! Nanalo ako. Ang sabi mo-"

"I know, Mella. Sasamahan kita mamaya sa bayan." sabi niya at iginiya na ang kapatid papasok sa hacienda.

Nagkarera silang magkapatid dahil gusto nitong pumunta sa bayan kaya lang ayaw payagan ng ma magulang nila kung hindi siya kasama. Ayaw niya naman pumunta sa bayan dahil una, malayo ito. Pangalawa, tinatamad siya.

Pagpasok nila, dumiretso sila sa kusina at nadatnan doon ang Mama nila na naghahanda ng pagkain. "Oh, kamusta?" bungad nito sakanila.

"I won, Ma! Sasamahan ako ni ate mamaya sa bayan." masayang sabi ng kapatid niya at umupo na.

Tinignan siya ng Mama Ellaine niya at nginitian. Ginantihan niya nalang din ang ngiti ng Mama niya. Kung sa pangangabayo lang naman din kasi, mas magaling talaga si Mella sakanya. Madalas mag-ensayo ito at ang kanyang Papa Mico, habang siya at tahimik na nagbabasa lang madalas ng kanyang mga novels.

"Nasaan po si Papa, Ma?" tanong niya nang maupo na sa tabi ng kapatid.

"Nasa itaas at nagbibihis. Luluwas kaming Manila pagkatapos kumain. Ano nga palang gagamitin niyo papuntang bayan?"

"I'll just use my car." sagot niya. "Ano'ng gagawin niyo sa Manila? Hindi kami sasama?" tanong muli niya.

Sa Manila talaga sila nakatira, pero tuwing summer katulad ngayon ay narito sila sa Rancho Illustre para magbakasyon. Three weeks pa bago magsimula ang klase kaya akala niya babalik na sila sa Manila.

"Sweetie, tumawag na sina Dylan. Kailangan na natin umalis." rinig niya ang boses ng Papa Mico niya na kakapasok lang sa kusina. Hinalikan sila nito ni Mella bago balingan ang Mama nila.

"Ganoon ba? Sige, magbaon nalang tayo ng pagkain." nagmamadaling sabi ng Mama niya.

"Ano ba gagawin niyo sa Manila, Pa? Sama kami." sabi ni Mella.

"Huwag na, anak. Sandali lang kami doon, at babalik din kami sa isang araw." sabi nito.

Lalo siyang naging curious kung bakit pa pupunta ang mga ito sa Manila gayong babalik rin naman pala sa isang araw. If it is business, she's sure marami namang tauhan sila Papa sa Manila para umasikaso.

"Eli, ikaw na muna bahala dito sa rancho ah? Ang kapatid mo, bantayan mo. Ikaw, Mella. Huwag ka magpasaway sa ate mo." sunud-sunod na bilin ng Mama nila habang ang Papa naman niya ay lumabas para kunin ang kotse.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon