Napaigtad si Elisha nang malakas na ibagsak ni Calix ang pintuan ng unit nito. Literal na kinaladkad siya ni Calix papunta dito sa unit nito. Napahawak siya sa kanyang sentido dahil sa hilo na dulot ata ng mga alak na nainom niya.
"What the fuck was that, Elisha?!" sigaw nito ng harapin siya nito.
Hindi niya ito pinansin at tinalikuran na lamang ito. Ayaw niya itong kausapin! Kung sigaw-sigawan siya nito akala mo kung sino! Hindi porke't mahal niya ito, hahayaan niyang gawin nito sakanya ang mga pinaggagagawa nito ngayon!
"The whole day I was looking for you, I offered to fetch you but you refused. I let you. Hinayaan kita. I was excited to see you after the game, you know?"
She scoffed at what he said. Lumayo siya muli rito at umupo sa sofa. Isinandal niya ang ulo sa sandalan at pumikit. God! Ano ba ang ininom niya at ganito kasakit ang ulo niya?
"Ilang beses akong nagpaikot-ikot sa club dahil hinahanap kita!"
Umismid muli siya. Hinahanap? Then, why did she saw him kissing Czarina at the back of the club? Is that what you called finding her?
"Tapos, tapos iyon pa ang makikita ko?! Fuck, Elisha what were you thinking?!"
Hinilot niya muli ang sentido dahil sa naiinis na siya dahil masakit na nga ang ulo niya, sinisigawan pa siya nito. Naiinis na talaga siya. Kaunti nalang at pipitik na siya.
"Tangina! Hindi mo man lang pinigilan iyong gagong iyon sa paghawak-hawak sa'yo! Kung hindi ko pa kita hinigit kanina, saan kayo pupunta?! Shit! Mapapahamak ka niyan sa ginagawa mo, Elisha!"
Malakas na umungol siya dahil sa pagkakairita. Ramdam niyang mas lumapit pa si Calix sa kanya at nang magmulat siya ng mata, tama nga ang hinala niya dahil nakita niyang nasa harapan na niya ito at tanging ang maliit lang nitong lamesita ang pumapagitna sakanila.
"Answer me, Elisha!" sigaw nito.
Kung hindi lang siguro siya nakainom, malamang ay nanginginig na siya sa takot pero ngayon, ni katiting ay wala siya. Inis, galit, at selos ang kumakain sa kanya. Wala siyang pakealam kung pinanlilisikan siya nito ngayon ng tingin. Wala siyang pakealam kung sobra-sobra na ang pagkakuyom niyo sa mga palad. Wala siyang pakealam! Hindi na niya mahanap ang pake niya!
"Fuck! Elisha! Answer me! Ano iyon?! You'll just let someone touch you like that?! Shit! Hindi pwede iyon! Elisha!"
That's it!
Tumayo siya at malakas na ibinato sa dibdib nito ang unang hawak niya. Halata sa mukha ni Calix na nagulat ito sa outburst niya. Maging siya naman din ay nagulat pero sabi nga niya, nawala na ang pake niya!
"Ano! What do you want me to say?! I looked for you too, Calix! Perp busy ka sa ibang babae! Pinalipas ko! Tapos kanina sa club, akala mo ba hindi din kita hinanap? I looked for you too! Pero katulad ng sa stafium, busy ka din sa iba! Punyeta, tapos aakto ka ng ganito?! Fuck you!" she spat.
Mabilis na ang hininga niya dahil sa pagsigaw na ginawa niya. Actually, she felt lighter bursting that anger inside her.
"What are you talking about? Bakit hindi mo ako nilapitan? You know, I'll leave anyone for you." Naging mahinahon na ang boses nito. Namumula na rin ang mukha nito dahil na rin sa pagsigaw at halata iyon sa kaputian nito. But that will not melt her heart. She thinks, nothing will melt her heart right now.
"Elisha..." maamong tawag nito sakanya. Akma pa itong lalapit ngunit umatras siya.
"Don't come near me." Nabasag ang boses niya nang sabihin ang mga katagang iyon. Hindi na niya tinago. She let her tears fall. She can't hold it anymore. She's hurting and she will not b afraid to shove it to Calix's face.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...