"SCU WINS!"
Masayang tumakbo si Calix patungo sa mga ka-team niya. Binuhat siya ng mga ito sa ere dahil siya ang halos naka-goal para sa team nila.
Dinumog sila ng mga tao, ang iba ay para magpa-picture o 'di kaya'y magpapa-autograph. Pinaunlakan naman niya ang iba pero panaka-naka ay tinitignan niya ang pwesto ng mga kaibigan niya at iisang tao lang ang hinahanap ng kanyang mga mata. Automatikong napangiti siya nang makita si Elisha na nakikipagtawanan kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Kakaibang saya ang naidudulot sa puso niya sa tuwing kasama at nasisilayan niya si Elisha. They've become closer during their training. Mas nakilala pa niya lalo ang dalaga at hindi sinasadya at tila mas lalo siyang nahulog sa dalaga.
Yes, he likes Elisha. Does he love her? He doesn't know. Maybe yes, maybe no. He just can't name it yet, but whatever it is, as long as it's Elisha, he'll welcome it with open arms.
Nagpaalam muna siya sa mga ka-team para sana puntahan sila Elisha pero naharangan siya ng kanyang coach at ng isang lalaking pamilyar ang mukha sakanya.
"Calix! This is Mr. Jenkins, he wants to talk to you." masayang salubong sakanya ng kanilang coach.
Sumilay ang ngiti sakanyang mga labi nang makilala na ang lalaking kaharap niya. Masayang nakipag-kamay siya kay Mr. Jenkins. Kaya pala pamilyar ito sakanya ay dahil ito ang coach ng paboritong soccer team niya sa US na Red Phoenix.
"I saw how you played, Mr. Santillan and I want to offer you a slot for the try-outs for my team." imporma nito.
Napanganga siya at napatingin sa coach nila na nakangiti lang sakanya. Tinapik nito ang balikat niya. "Calix here is my best player in the team. I'm sure he'll do great with the try-outs," proud na sabi ni Coach.
Nilahad niya ang kanyang kamay kay Mr. Jenkins. "I'm honored, sir!"
Tinanggap naman ni Mr. Jenkins ang kanyang kamay. "I'm looking forward to see you there. I'll just give the exact information to your coach. Congratulations, by the way." Iyon lang ang sinabi nito at magkaagapay na umalis na ang Coach nila at si Mr. Jenkins upang puntahan ang iba pa niyang ka-team.
Napailing siya dahil hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng oportunidad na katulad nito. This is some great news! He can't wait to tell Elisha and the others. Nagmamadaling naglakad siya patungo sa entrada paakyat ng bleachers nang may tumawag sakanya at nakita niya si Czarina na kumaway sakanya. Nasa gilid ito ng pasilyo papasok sa shower room. Nilapitan niya ito at binati.
"Can I talk to you?" tanong nito sakanya. Pumayag naman siya dahil wala naman siyang nakikitang masama doon. Tumabi sila sa may pasilyo dahil maraming nagsisilabasan na ng stadium.
"Kailan ka pa nakabalik? Kamusta ka na?" kaswal na tanong niya sa babae.
Ngumiti si Czarina na dahilan upang lumabas ang mga biloy nito. "Okay naman, nitong isang araw lang ako nakabalik. Ikaw, how are you?"
He shrugged. "Ito, gwapo at macho pa rin." biro niya.
Natawa silang parehas sa sinabi niyang kahambugan. Pinalo pa siya ni Czarina sa braso dahil hindi pa rin daw siya nagbabago. "Oo nga pala, may victory party kami mamaya, baka gusto mong pumunta?"
Tumango si Czarina. "Sure. Sige, I'll be there."
Tumango siya. "Great, I'll see you there then. Oo nga pala, ano pala ang gusto mong pag-usapan na'tin?"
Sandaling umiwas ng tingin sakanya si Czarina at tumikhim. "Uhm, m-mamaya nalang sa party."
"Baka hindi tayo makapag-usap mamaya sa party dahil sa dami ng tao, ngayon mo na sabihin." pilit niya sa dalaga. Baka kasi mamaya ay importante. Tsaka mamaya sa party ay baka hindi niya hiwalayan si Elisha dahil noong huling party na pinuntahan nila ay may nasuntok lang siya. Mahirap na at baka maagawan pa siya.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...