Nagising si Elisha nang makaramdam ng mahihinang tapok sa kanyang balikat. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa may damuhan sa ilalim ng Acacia tree dito sa may botanical garden. Nakatulugan niya ata ang pagbabasa ng paborito niyang libro. Nilingon niya si Kuya Pol, isa sa mga security guards dito sa SCU.
"Magdidilim na, Elisha. Hindi ka pa ba uuwi? Wala ng estudyante." imporma nito sakanya.
Tinignan niya ang relo niya. Alas singko na pala. Ilang oras rin pala siya nakatulog. Inayos niya ang mga gamit at inilagak sa kanyang bag. Tumayo siya at pinagpag ang damit. Sinabayan siya ni Kuya Pol sa paglabas at ito pa ang tumawag ng taxi para sakanya.
"Salamat, kuya!" sabi niya sa mabait na security guard. Sumaludo lang ito bago isara ang pinto ng taxi. Habang bumabyahe, kinuha niya ang phone at hindi na siya nagulat nang makatanggap siya ng mga texts galing sa mga kaibigan niya pagbukas niya ng phone. Nirereplyan palang niya si Ailee nang biglang tumawag si Michelle sakanya.
"Hello?" sagot niya.
"Eli! Ano ka ba?! Pinag-alala mo kaming lahat!"
Ngumiwi siya sa sobrang lakas ng sigaw nito sa kabilang linya. "Sorry na. Nakatulog kasi ako sa library. Galing ako ng SCU."
"Bakit hindi ka nagsabi?! Sige, ibababa ko na ito. Tatawagan ko pa sina Calix dahil kanina ka pa nila hinahanap."
Pipigilan pa sana niya ito nang busy tone na ang sunod niyang narinig. Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang reply sa text ni Ailee.
"Dito nalang po, Manong." para niya sa driver nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila.
Pagkabayad ay kaagad siyang umakyat sa kwarto niya. Wala ang parents niya dahil kaninang umaga ay bumyahe ang mga ito sa Rancho Illustre dahil imbitado ang mga ito sa binyag ng isa sa mg trabahador ng Papa niya. Doon na rin magpapalipas ng gabi ang mga magulang niya.
Inilapag niya ang mga gamit sa kama at nagtanggal ng sapatos at damit. Naiinitan at nalalagkitan na siya sa sarili. Gusto niyang maligo bago umalis. Papasok na sana siya ng banyo nang mag-ring ulit ang phone niya. Nang makita ang mukha ni Calix na siyang tumatawag ay huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag nito.
"Where were you?! You got us worried!" bungad nito nang sagutin niya ang tawag. Napakagat siya sa ibabang labi dahil sa galit na galit ang tono nito.
"Sorry." sabi nalang niya. Wala siyang maisip na sasabihin. Hindi naman niya pwedeng sabihin na naiinis siya dahil nakita niya ito na masayang nakikipagharutan kay Czarina. Unang-una, hindi naman sila. Pangalawa, siya lang naman ang nag-iisip nun, pinangunahan sia ng pangamba at takot. Kailangan muna niyang kausapin si Calix tungkol kay Czarina para naman alam niya kung saan siya lulugar.
"Sorry? Is that all you want to say, Elisha? Your phone is off, we can't contact you! All you ever did was to send a fucking message to Ailee without any information where you are! Then, you're just gonna say 'sorry'?"
Napakagat siya ng labi at hindi napigilan ang pagkibot nito. Nagsimula na siyang humikbi dahil nagi-guilty siya. She got her friends worried because of her stupidity. Dahil sa kaartehan niya, nagagalit ngayon sakanya si Calix.
Narinig niyang bumuntong-hininga si Calix. Kalmado at naging masuyo na rin ang tono nito nang magsalita muli. "You got me worried, Elisha. Nang hanapin kita kela Ailee kanina sa stadium, wala ka. May sasabihin pa naman sana ako sa'yo."
Mas lalo siyang napaiyak dahil gumana nanaman ang isip niya dahil sa sinabi nito. Ano kaya ang sasabihin nito sakanya? Tungkol kaya sakanila ni Czarina?
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
Fiksi UmumBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...