Thirty-four

43.8K 1.2K 40
                                    

"Revisions of your documents from the firsy defense will be passed next week. Schedules of your final defenses will be posted by tomorrow. Presentations should be edited and reviewed first before passing it the day before your scheduled date of defense. Leaders of each group, come with me to the faculty to get your documents. Goodluck, class!"

Ang bilis ng araw. Second semester na at dalawang buwan nalang ay graduation na, iyon ay kung ga-graduate sila. Napabuntong-hininga si Elisha nang lumabas na ang thesis instructor nila. Yumukyok siya sa armchair niya at umungol.

"I want to die," Wency whined beside her.

"Ayoko na magpuyat!" segunda ni Jella na nasa kabilang side niya.

Si Kris naman ay pumunta ng faculty dahil ito ang leader ng group nila. Inuuntog niya ng mahina ang noo sa plastic na armchair. Kahit sembreak kasi nagkikita-kita silang magkakagrupo halos araw-araw para tapusin ang video presentation nila. Kulang pa rin kasi sila ng iilang tao na dapat interviewhin kaya iyon ang inasikaso nila noong sembreak. Hindi na nga siya nakauwi sa Rancho nila dahil busy talaga siya.

Sandali lang naman ang hinintay nila nang makabalik na ang mga leaders ng grupo sa classroom nila. Binagsak ni Kris ang limang folders ng documents nila. Lima kasi ang panel nila kaya they have to provide each one of them a copy. Imagine, umabot ata sa hundred pages ang documentation nila tapos kailangan limang copies pa iyon. Ang gastos maging senior!

"Ugh! Red marks! Naiinis ako!" sabi ni Jella while flipping the pages of one of the documents.

Kumuha rin siya ng isa at binuklat iyon. Napabuga nalang siya ng hininga nang marami rin iyong red marks na dapat i-revise. Since tapos na siya mag-interpret ng data, siya ang katulong ni Jella sa documenttion habang si Kris at Wency naman ang tumatapos ng powerpoint at video presentation nila.

"Looks life we will have an all nighter for the coming weeks." naiiling na sabi ni Kris that made them groaned.

---

Bagsak na nahiga si Elisha sa kanyang kama. It's already past six pm nang makauwi siya. Nag-aya kasing lumabas sina Ailee at Michelle dahil pare-parehas na sila naging busy kaya nag-catch up muna sila bago mag-hell week. Bukod kasi sa upcoming final defenses, may final exams pa sila. Speaking of exams, kailangan na rin pala niya mag-review. Ughhh!!!

Naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang phone. Nakita niya ang mukha ni Calix doon at may facetime request ito. Napakunot ang noo niya. Bakit ito tumatawag? If she's not mistaken, it's past three am in San Diego right now. Inaccept niya ang tawag nito at umayos ng upo at itinapat ang phone sakanya.

"Why are you still awake?" bungad niya rito.

Huminga ng malalim si Calix. Bakas sa mukha nito ang pagod at puyat. "I called you because I miss talking to you tapos ganyang ang bungad mo sa'kin?" he said with a bit of irritation in his voice.

Lumambot naman ang mukha niya. Hindi naman sa ayaw niya ito kausap, siyempre importante ang lakas ng katawan sa soccer at hindi makakatulong doon ang pagpupuyat nito.

"I'm sorry. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo. Ayokong mapuyat ka dahil sa'kin. I know how important your game is."

Bumuntong-hininga si Calix. Sinuklay nito ang buhok gamit ang daliri tapos at pinadaanan ng palad ang bibig na para bang naiinis talaga ito.

"Calix, don't be mad at me please." tawag niya rito.

"I'm not. Sige na, matutulog na ako. May game pa kami bukas. Don't wanna mess that up."

"Calix-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla nalang namatay ang tawag nito at wala na ito sa screen. Bumuntong-hininga siya at binuksan ang messenger. She just typed a quick message for him. She hopes he'll be in a good mood tomorrow.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon