Can you come over? Movie tayo. I got your requests. :)
Napangisi si Elisha nang mabasa ang text ni Calix sakanya. Agad siya nagtipa ng kanyang irereply habang hinihintay si Quinn na naglalog-off ng oras dahil uwian na nila.
"Ngising aso ka ah? Si Hunky Calix iyan, ano?" tudyo nito sakanya habang nagsusuklay ito ng buhok. Palabas na sila ng Global Times. Pareho silang pumunta sa waiting shed upang mag-abang ng masasakyan.
"Wala kayong date ni Nash?" tanong niya kay Quinn.
"Wala. Sabado ngayon, wala silang pasok, 'di ba?" sagot nito habang nagtitipa na rin sa sariling phone.
Oo nga pala. Kaya pala nasa condo lang si Calix buong hapon. Kanina kasi ay nakita niya itong online sa messenger kaya nang i-chat niya ito ay sinabing nasa condo lang daw ito at maghapong tulog.
"Una na ako, Eli. Bye! Magpahatid ka kay Hunky Calix ha?" paalam nito nang may tumigil na bus.
Siya naman ay nag-abang ng taxi dahil ayaw niya namang makipagsiksikan sa bus. Iwas hassle na rin. Ilang minuto lang ay nakapara siya at pinahatid ito sa Filzoa Towers.
Pagkabayad ay nag-log lang siya sa reception tsaka pinindot ang 18th floor. Pagkababa, dire-diretso lang siya hanggang dulo sa tapat ng unit ni Calix, tinype niya sa keypad ang passcode nito. 12345. Nang malaman niya kung ano ang passcode nito ay tinalakan niya ang binata. Katwiran naman nito, hindi naman din makakapasok ang kung sinuman kahit pa mahulaan ang passcode dahil may finger print detection naman daw.
Nang mag-green ang keypad, tsaka naman niya nilapag ang hinlalaki sa scanner. Nag-green din ang ilaw doon at nakarinig siya ng beep sound. Pinihit niya ang doorknob at pumasok na sa loob ng unit ni Calix. Iniwan niya sa foyer ang sandals na suot tsaka dire-diretsong umupo sa sofa.
Nilibot niya ang buong tingin sa loob ng unit ni Calix. Nang mabili ito ng binata noong nakaraang buwan, halos kumpleto na rin kasi ang mga furnitures at appliances. Nagdagdag lang ng ilang dekorasyon ito tulad na lamang ng paintings na gawa mismo ng Mama niya. May mga halaman din siya na binigay rito para ilagay sa veranda.
"Saan kaya iyon?" tanong niya sa sarili habang hinahanap ng tingin si Calix. Nagkibit-balikat nalang siya at nag-feel at home nalang siya tutal halos tatlong beses ata sa isang linggo siya nandito. Minsan, dito na siya nakakatulog kapag nagmu-movie marathon sila ni Calix.
Itinaas niya ang mga papa sa lamesitang nasa harapan niya at tsaka dinampot ang librong nasa sofa. Binasa niya iyon at puro business at marketing strategies ang laman nun. Sa ganoong posisyon siya nadatnan ni Calix na kalalabas lang ng kwarto nito.
"Sabi na nga ba ikaw iyong pumasok." nakangiting saad nito habang ginugulo ang buhok.
Binigyan niya ang sarili ng oras upang pagmasdan ang binata na ngayo'y papalapit na sakanya. Batid niyang bagong ligo ito dahil sa basa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang shower gel nito. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon niya ay ang naghuhumiyaw na dibdib at abs nito. Hindi man masyadong depina ang abs nito pero halatang may hati-hati. Dumapo ang tingin niya sa mga braso nito. Iyong katamtamang laki ng muscles nito doon ang nakakapagpalaway sakanya.
"Tulala ka naman diyan. Macho ko, ano?"
Doon siya natauhan nang tabihan siya ni Calix at bigla siyang inakbayan. Langya! Gahibla nalang ang pagitan ng kanilang mukha nang sabihin nito iyon. Nginisian siya nito at itinaas baba pa ang magkabilang kilay.
Siniko niya ito sa tiyan. Shet! Bakit ang tigas ata ngayon ng abs niya?!
"Kapal ha! Hindi kaya mapulmonya ka niyan? Naka-boxers ka nanaman! Sabi ko sa'yo magdamit ka eh!" inis na sabi niya rito.
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...