Alas singko palang ng umaga ay gising na si Elisha para pumunta sa Rancho Illustre. May pinapaasikaso kasi ang Papa niya tungkol sa nalalapit na anihan ng mga tanim nila doon. Nagkasakit kasi ang Mama niya kaya siya ang pinapa-asikaso ng kaninlang rancho.
Sa bahay muna siya ng mga magulang umuwi kagabi dahil bibilinan pa siya ng Papa niya ng dapat pa niyang i-check sa rancho nila. Nagdala lang siya ng overnight bag dahil hindi naman siya magtatagal doon. Itinali niya ang kanyang buhok sa isang mataas na ponytail. Nag-shorts lang siya at halter top na pinatungan niya ng itim na blazer.
"Goodmorning Pa- ano'ng ginagawa mo dito?" nabitin ang pagbati niya sa mga magulang nang madatnan si Calix na masinsinang kausap ang mga magulang niya sa hapag-kainan. Wala pa ang kapatid niyang si Mella dahil nagliliwaliw pa ito sa Japan.
"Good morning, Elisha." nakangiting bati sakanya ni Calix.
Hindi niya ito pinansin at ang Papa niya ang binalingan niya. "Bakit siya nandito?"
Tumikhim ang Papa niya bago inilahad nito ang bakanteng upuan sa tabi ng Mama niya na katapat ng kay Calix. "Upo ka muna, anak. Kumain ka muna."
Bumuga nalang siya ng hangin at hindi na nakipagtalo sa Papa niya. Gutom na rin naman siya. Sa kabuuan ng almusal, tanging iyong tatlo lang ang nag-uusap usap. Minsan napapansin niyang nagbubulungan ang Mama niya at Papa niya tapos ay ibinubulong naman nito kay Calix. Hindi rin nakalagpas sa kanyang paningin ang pasimpleng pagpapalitan ng tingin ng Papa't Mama niya sakanila ni Calix.
Nauna siyang natapos kaya tumayo siya. "Kukunin ko lang po ang mga gamit ko sa taas."
Tumungo siya sa banyo niya at nagsepilyo. Pagkalabas niya ay nadatnan niya ang Mama at Papa niya na nakaupo sa kama niya.
Inabutan siya ng Papa niya ng brown envelope. "Ito ang mga dapat mong asikasuhin sa rancho, anak. Pero pagtuunan mo ng pansin ang ani na'tin, lalo na ang mga prutas."
Maingat na inilagay niya sa bag niya ang brown envelope. Kinuha niya rin sa bedside table niya ang charger at earphones niya at isinalpak sa bulsa ng bag niya.
"Calix will also come with you." biglang sabi ng Mama niya na ikinagulat niya. Napakurap-kurap pa siya dahil hindi niya maproseso sa utak ang sinabi ng Mama niya.
"What? Bakit? Hindi na kailangan. Kaya ko naman po." sagot niya.
Huminga ng malalim ang Mama niya at masuyong tinignan siya. Umubo pa ito ng kaunti dahil hindi pa ito tuluyang magaling mula sa trangkaso nito. "Anak, galit ka pa ba kay Calix?"
Lumikot ang mata niya para hindi salubungin ang tingin ng mga magulang niya. They were witnesses on how she cried after she cut communications with Calix. She cried in his mother's arms whenever she misses Calix, she cried herself out with her parents because of her first heartbreak.
Bumuntong-hininga ang Papa niya. "Hear him out, anak."
Kumunot ang noo niya dahil parang lumalabas na kinakampihan pa ng mga ito si Calix when in fact nakita ng mga ito kung paano siya nasaktan ng lalaki. Nagtatampo tuloy siya sa mga ito.
"Pa, sinaktan niya ako." she reasoned out.
Her Papa held her both hands. "I know anak. Nasaktan ko din ang Mama mo noon ng maraming beses, but she still forgave me and loved me nontheless. All I'm asking is that, you hear him out. After that, then you make a decision."
Tumayo ang Mama niya at niyakap siya. "I know you love him Elisha, pero pinipili mo'ng kamuhian siya. Pero anak, ito ang pakatandaan mo. Love is forgiving. I hope you would encrypt it in your heart. And we're sorry."
BINABASA MO ANG
Hooked [Fin]
Ficción GeneralBarkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwian, hinahatiran ng pagkain tuwing recess, at pinagtatanggol kapag may nang-aaway sakanya. Sa murang...