Fourteen

46.8K 1.1K 42
                                    

Abala sa pag-aayos ng mga papel si Elisha sa kanyang cubicle dahil narin sa utos ni Ms. Helen sakanya. Hindi tulad kahapon na first day niya, medyo marami na siyang ginagawa ngayon which is good dahil gusto rin niya ang may ginagawa. Sinasalansan niya ang mga papel at ino-organize ang mga iyon para pagkabigay niya ng mga ito kay Ms. Helen ay madali na ang trabaho nito. Si Quinn naman ay nalipat sa ibang supervisor kaya naman nasa ibang floor ito pero nagkikita naman sila tuwing lunch time.

"Tapos ka na diyan, Elisha?" tanong ni Ms. Helen sakanya nang puntahan siya nito sa kanyang cubicle.

"Malapit na po, ma'am. May ipapagawa pa po ba kayo?" tugon niya rito.

Tumango ito at ngumiti sakanya ng tipid. Inilapag nito ang isang yellow folder. "Ipapa-proof read ko sana ito sa'yo. Pasensya ka na, marami kasing trabaho kaya sa'yo ko 'to ipapagawa."

Umiling siya at ngumiti ng maluwag sa ginang. "Naku, ma'am! Ayos lang po. Sige po, gagawin ko po iyan pagkatapos ko nito. Kailan ko po ba dapat ipasa?"

"Mamayang hapon sana. Rush na kasi para maihabol siya sa next issue." ngumiti ito ng tabingi sakanya.

Tumango siya at sumaludo kay Ms. Helen. "Okay ma'am. No problem po." ngiti niya rito.

Tinawanan naman siya ni Ms. Helen habang naglakad na palayo. Kahit na kakasimula palang niya sa kanyang training, nagpapasalamat siya dahil sobrang bait ng naging supervisor niya. Pati ang mga ibang empleyado sa department kung saan siya na-assign ay sobrang bait. Siya lang kasi ang trainee dito sa team ni Ms. Helen.

Lumipas ang isang oras at natapos niya na ang unang inutos sakanya. Maayos na naka-paper clips ang mga papel. Inilagay niya ito sa folder organizer at pumunta na sa office ni Ms. Helen. Kumatok siya bago pumasok. Naabutan niya itong seryosong nakatingin sa laptop nito at mabilis na tumitipa sa keyboard.

Tumikhim siya at dahan-dahang inilagay sa table nito ang dala. "Ma'am ito na po iyong mga pinaayos niyo po sa'kin kanina."

Tumigil muna sandali si Ms. Helen sa ginagawa nito at binalingan siya. Kinuha nito ang folder organizer at tinignan ang laman nito tapos ay binalingan siya ng may ngiti sa labi. "Thank you, Elisha. Sige na, mag-lunch ka na. Mga two pm ka nalang bumalik. Basta iyong pinapa-proof read ko sa'yo ah?"

Tumango siya. "Opo ma'am. Sige po, bababa lang po ako."

Tahimik na lumabas siya. Alas-onse palang ng tanghali at mahaba pa ang oras para bumalik siya.

Kinuha niya ang bag niya at phone. Binitbit niya rin ang folder na ibinigay sakanya kanina ni Ms. Helen. Nagpaalam siya sa mga kasama bago tinahak ang elevator. Habang naghihintay ay tinawagan niya si Quinn.

"Pasensya na Elisha, hindi ako makakasabay muna. Ang daming pipagawa ni Sir Larry eh." sabi nito sa kabilang linya.

"Ay ganoon ba? Sige. Ayos lang. Ingat ka." paalam niya rito.

Napagdesisyunan niyang kumain nalang sa isang restaurant malapit sa building niya. Binati siya ni Kuya Johnny na guard sa building. Naglalakad siya papunta sa pedestrian para makatawid siya sa hilera ng mga kainan.

She was busy checking her nails when someone tapped her shoulder. She was shocked when she saw Calix looking at her.

"Saan ka pupunta?" kaswal na tanong nito sakanya. Nakapamulsa ang magkabilang kamay nito. Pansin din niyang kasama nito ang mga co-trainee nito.

"Kakain lang ako tapos gagawin ito." taas niya sa folder na hawak. "I have three hours to kill."

Nag-green na ang ilaw at nagsimula na ang timer hudyat na pwede na silang makatawid. Nasa gilid niya si Calix habang nasa likod nila ang mga kasama nito na nagke-kwentuhan.

Hooked [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon